nineteen** Prank

1.4K 38 1
                                    

Nineteen** Prank

(Chad POV)

It's already 8p.m. nakaready na ako para pumunta sa hospital. Kaninang 12noon bumalik sila Miss E sa hospital para sila naman ang magbantay. Sinabi ko na din ang nangyari kaninang umaga. Pero ganun pa din eh. Hanggang ngayon wala pa ding pagbabago. Hindi pa din siya gumigising. Ngayon na din ang dating ng kuya ni Nikki. Napagkasunduan namin na pagkadating ko sa hospital aalis sila Miss E at Dee para sunduin ito.

"Chad. CHAD." sigaw ni ate na kulang na lang sirain na pinto ng kwarto ko dahil sa sobrang lakas ng katok niya.

"Ate parang awa mo na. Maawa ka sa pinto ng kwarto ko. Kakapalit lang nyan last week." Sabi ko sa kanya pagkabukas ko ng pinto.

"Si Miss E. I mean si Ate Ellie tumawag siya. At ang sabi niya nagseizure na naman si Nikki. Pumunta ka na daw dun as soon as possible dahil pwedeng mawala si Nikki anytime." Tarantang sabi niya kaya pati ako nataranta. WTF. Parang kaninang iniwan ko siya ang ayos ng lagay niya bakit biglaan namang nag seizure.

"Tell her that I'm on my way." Sabi ko at dali daling sumakay sa kotse ko. Nakapambahay pa akong tsinelas pero wala na akong pakialam. It's the matter of life and death.

--

Pagdating ko sa hospital umiiyak sila Ate Ellie at Gianna. I tried asking them pero panay lang ang iling nila. Nasan na ba si Duanne at Sywon. I asked what happened pero tinuro lang ni Miss E ang pinto ng room ni Nikki habang umiiyak.

Kahit na natatakot ako. Kahit na kinakabahan ako. I gain all my confidence and walk to the door. Hinawakan ko ang door knob at dahan dahan kong binuksan ang pinto. Huminga ako ng malalim bago tuluyang pumasok at isira ang pinto.

My tears fell the moment i saw Nikki's body covered by white cloth. Nanghihina akong lumapit sa kanya. Pinipigilan ang paghikbi. Pinipigilan ang luha. Pang ilang beses ko na bang pag iyak ito? Pero bakit parang ito yung pinakamasakit. Hindi ko expect na ganto kabilis. Edi sana hindi na muna ako umuwi kanina. Sana pala sinamahan ko na lang siya hanggang sa huling sandali ng buhay niya. Sana pala nagpakatatag ako.

Para saan pa at nakapagpahinga at nakatulog ako kung pagbalik ko ito ang aabutan ko. Ano pang silbi ng buhay ko kung iniwan na niya ako. Di ko man lang nasabi lahat ng gusto kong sabihin. Hindi ko man lang naamin na matagal ko na siyang gusto. Hindi ko man lang naparamdam na especial siya sakin. Hindi niya man lang nalaman kung gaano ko siya kamahal.

Bakit ba yung pagsisisi laging nasa huli? Bakit ba kung kelan gusto kong bumawi sa kanya dun pa siya mawawala. Bakit ba lagi mo na lang akong iniiwan Nikki. Kung gumaganti ka sa mga nagawa kong mali sayo. Gumaganti kaba dahil pinagawan kita dati ng mga projects, assignments at quiz namin. Pwes kung dahil dun ako na gagawa ng lahat lahat ng gawain mo sa school gumising ka lang. Huwag mo lang akong iwanan. Huwag mo lang akong pahirapan ng ganto.

Hindi ko kayang mawala ka sakin Nikki. Hindi ko kaya. Kung joke lang to. Tama na. Hindi ko na kaya Nikki. Masakit eh.

"Nikki joke ba to? Isa ba itong prank? Idol mo ba si Kyu na evil maknae ng Suju. Di ba sabi mo proud elf ka. Ano yun gusto mo din maging evil. Pwes panalo ka na. Kanina ay hindi pala. Kahapon mo pa kami pinapaiyak ng sobra. Hindi pa ba sapat na pagka evil yun?" iyak tawa kong sabi sa kanya. Alam ko namang hindi niya ako maririnig. Pero sana naman kahit ngayon lang.

"Nikki bakit ba ganyan ka. Bakit lagi mo na lang akong sinasaktan. Alam kong masakit na makita kang kasama ni Dee. Pero mas masakit yung makita kang ganto. Nikki naman parang awa mo na. Gumising ka dyan. Hindi ko pa nasasabi sayo na mahal na mahal kita. Hindi ko pa nasasabi sayo na mahal kita kahit noong hindi ka pa si Miss Eef. Nikki naalala mo ba nung panahong naglalaro ka pa ng volleyball? Stalker mo na ako nun eh. Coward lang ako at hindi makalapit sayo. Ang tanga tanga ko kasi, ang dami kong sinayang na oras. Kung pinahalagahan lang sana kita noong mga panahon na kasama pa kita. Kung hindi sana kita sinaktan." Sabi ko pero alam kong hindi na niya ako maririnig. Para saan pa at sinasabi ko itong mga ito.

Hidden PersonalityWhere stories live. Discover now