nine** Dee

2.3K 59 1
                                    

Nine** Dee

(Nikki POV)

It's been three months since Chad and I shared the same house. Naging mabait naman na siya sa akin whether I'm Eff or Nikki. Pero di ko pa din maialis sa isip ko na naging mabait lang siya kasi nalaman niya ang ibang katauhan ko. Alam kong paranoid lang ako pero di naman maiaalis sakin yun. Lalo na kung hindi naging maganda ang trato niya sakin noon.

Mas lumala nga yata ang buhay ko sa school mula noong maging mabait siya. Madaming bad comments. Madaming nananakit at nambubully sakin lalong lalo na ang mga babae na may gusto sa kanya. And sa loob ng three months na yun mas nahirapan akong itago kung sino ba talaga ako.

Its hard lalo na ang isang nerd ay napapalibutan ng tatlong sikat na models. Si G, si Sy at si Chad. Sikat sila at para sa mga tao sa school isa lang akong nobody na masyadong social climber na pilit pinag sisiksikan ang sarili sa mga taong sikat. Ang tingin ng iba isa akong fame whore na nakikisama sa mga sikat para sumikat.

Right now I'm Eef. Kailangan kong sunduin ang isang pahirap sa buhay ko. Walang iba kung hindi ang ubod ng sungit na si Duan. Miss E told me na siya pa din ang official partner ko at kailangan ko pa din siyang pakisamahan dahil na din sa magkakaroon kami ng projects together. Chad is only my partner para sa isang project and he is not my official partner. So in short kay Mr. Sungit ang bagsak ko kahit anong flip ko sa mundo.

"Faye, it's good to see you again."- Duan. Sinabi niya yan with a smirk palibhasa alam niyang naiinis ako sa kanya. Snobbish kasi dinaig pa ang babaeng may mens.

"Yeah right. Welcome back PARTNER." sabi ko note the sarcasm.

"Well thanks to you. Sana hindi ka na nag abalang sunduin ako. Napaghalataan ka tuloy na namiss mo ako."- Duan.

"Miss your face. Let's go. May interview pa tayo." Sabi ko sa kanya pero wala na pala siya. Nasaan?? Ayun naglalakad na at ako iniwan dito. Aish that demon head.

"Go sit there. I don't want someone sitting next to me." Sabi niya while pointing the next row of the van. I told you, he's so sungit. Not to mention that he's bossy too.

"Yes SIR. Mauntog ka sana bwisit.."-ako

"May sinasabi ka ba ha Faye?" Tanong niya.

"Wala. Ang sabi ko magpahinga ka na kamahalan. Baka kasi may jetlag ka pa." Inis na sabi ko.

"Tss."- Duan.

--

We are now at the dressing room. Naghihintay na lang na tawagin na kami ng staff for the interview. Kailangan na kasing maglabas ng statement for our next project which is a fashion show. At gaya nga ng sinabi ko si Duan ang partner ko kaya siya ang kasama ko. Si G at Sy naman ay may shoot ng commercial ngayon. Dapat kasi silang dalawa ang aatend sa interview dahil nga kakauwi lang ni Duan pero dahil kailangan nilang mag shoot kami na ang inassign ni Miss E.

"I heard from Miss E na nagkakamabutihan na daw kayo ni Chad." Sabi ni Sungit. Dee pala ang screen name niya. Ganda sana kaya lang di bagay sa demon na tulad niya.

"Paki mo ba?"- ako

"Come on Faye. Alam nating pareho kung paano ang trato niya sayo before niya malaman kung sino ka talaga." He said making my eyes widen.

"How'd you know?" –ako

"I have my connections Faye. So ngayon okay na kayo? Dahil alam niyang maganda ka talaga? Dahil alam niyang sikat ka? Dahil sa nagging partner ka niya?" -Duan.

"Mabait naman na talaga siya simula pa noong mga bata kami. What's new?"inis na sabi ko sa kanya.

"Alam mo Faye. Nagbabago ang tao. Sa paglipas ng panahon hindi mo na alam kung sino ang totoo sayo. Look okay. Noong nerd ka lagi kang binubully pero ngayon na kasama ka sa isang bahay. Nalaman na maganda ka nagging mabait na sayo. Mapanlinlang ang mga taong nakapaligid sa atin Faye. Kapag sikat ka hindi mo alam kung sino ang plastic sayo at kung sino ang totoo. Look at me, hindi ako masyadong nagtitiwala sa mga tao dahil alam kong hindi lahat sila totoo. You're too innocent Faye. Ang gusto ko lang naman ipaalala sayo na you're a star here. You're famous. Hindi lahat ng mabait sayo totoo." Sabi niya bago ako iniwang nakanganga. Yung totoo anong pinaglalaban ng tao na yun?

Hidden PersonalityWhere stories live. Discover now