twenty three** She's back

1.3K 32 1
                                    

Twenty Three** She's back

Seven years later**

(Nikki POV)

Today is the day, my graduation day. Hindi ko akalain na aabot pa pala ang buhay ko dito. Na makakagraduate din pala ako sa college. It's just too good to be true. Seven years before sumuko na ako at handa ng mamatay. Sinong mag aakala na madudugtungan pa pala ang buhay ko. Maging ang mga doctors hindi makapaniwala sa naging development ng case ko. Laman ng mga medical news ang tungkol sa survival ko. Sino ba naman kasing maniniwala na ang isang teenager ay makakasurvive sa ganoong kaselang surgery. Idagdag mo pa na nasa kritikal stage na ang sakit ko.

Sa loob ng seven years na yun wala akong balita kay Chad. Pati na din kay Dee at kay Yannie. Si Best naman at si Sy ay naging busy sa career nila. Yeah naging mga artista na sila. Nagshift sila ng career from models to actor and actress. And I'm proud of them. Sa loob ng pitong taon na yun hindi sila nagbreak. Sila yung couple na going strong talaga to the point na maiingit ka sa kasweetan nila. Aminin ko man sa sarili ko o hindi pero miss ko na silang lahat. After my medications pinadala ako ng parents ko sa Italy to study fashion designing. Mula noong umalis ako hindi ko na alam kung ano ba ang nangyari sa mga iniwan ko. Nalaman ko lang naman ang tungkol kina best dahil na din kay Miss E. Hindi ko alam kung sila na ba ni Kuya pero boto ako sa kanya to be my sister in law. Silang dalawa lang ni kuya ang nag uupdate sakin about sa happenings sa Pilipinas. Pero gaya ko wala ding balita si Miss E kay Chad. She tried searching for him but failed.

May iba na kaya siya? Naaalala pa ba niya ako? Kamusta na kaya siya. Everytime na maaalala ko si Chad di ko mapigilan ang sarili ko na mapaiyak. Sa loob ng pitong taon mahal na mahal ko pa din siya. Ang sabi niya babalikan niya ako pero paano ako hahawak sa pangako niya kung di naman niya sinabi sakin yun ng personal. Gusto ko mang magalit sa kanya sa pag iwan sakin pero di ko magawa. Gusto ko mang kalimutan siya pero hindi ko magawa dahil sa oras na susubukan kong kalimutan siya maaalala ko ang sulat niya. Ang pangako niya. Ang sulat na pinanghahawakan ko. Ang sulat na lagi kong iniiyakan sa tuwing namimiss ko siya.

Dear Nikki,

First of all i want to say sorry dahil iiwan kita. God knows na hindi ko ito ginusto. I tried to not leave you pero hindi ko magawang suwayin ang Mom. Just what like ate did i also followed what she want me to do. She wants me to study at Destiny University in South Korea to learn more about business. I tried asking Ate Ellie's help but just like me. Hindi niya din kayang kontrahin si mom. She's a ruler na kapag sinabi niya kailangan mong sumunod. Ayaw kong mapahamak ka kaya pinili kong sundin siya. Alam ko ang kaya niyang gawin sayo at ayaw kong masaktan ka ng dahil lang sakin. I love you so much that's why i chose to leave. But this is not my goodbye. I promise that I'll be back. Babalikan kita at pinapangako ko na sa pagbabalik ko hindi na tayo papakialaman pa ni Mom. Just promise me too na you'll wait for me. I'll marry you pagbalik ko kaya please stay strong. Hindi ka pa pwedeng mamatay dahil papakasalan pa kita kaya magpagaling ka sa sakit mo ha. Kapag gumaling kana babalik ako at pinapangako ko sayo na bagong Chad na ang makikita mo. Bagong Chad na hindi na loko loko. Chad na kaya kang ipaglaban. At higit sa lahat. Chad na kayang ipagsigawan sa mundo kung gaano kita kamahal. I love you so much Nikki Faye Numirez soon to be Hamilton. I love you to the fullest. I love you so please wait for me. Take care.

Love,

Chad Gwapo^___^

"Chad magaling na ako. Wala na akong sakit since last five years pa. Pero bakit hanggang ngayon wala ka pa." I said ang wiping my tears. For five years mula ng paggaling ko hinihintay ko na siya pero bakit hanggang ngayon wala pa din siya.

--

"Ready?" Tanong sakin ni Kuya habang palabas ng airport. Nakauwi na kami ng Pinas. I'm back. Si Chad kaya babalik na din?

Hidden PersonalityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon