twenty one**Setting you free

1.4K 34 0
                                    

Twenty one** setting you free

(Chad POV)

"Let's have a coffee first." Sabi ni Dee sakin pagkalabas ng hospital. Hanggang ngayon wala pa din akong idea kung bakit gusto niya akong makausap.

"May shop na malapit lang dito. Dun na lang." Sabi ko sa kanya and he just nod. I can see in his eyes na tense siya pero saan?

After maserve ng coffee namin hindi na ako nagpaligoy ligoy pa. Kanina ko pa gustong malaman kung ano ba ang gustong pag usapan ni Dee.

"So ano ba ang gusto mong pagusapan?" Tanong ko pero tiningnan lang niya akong seryoso.

"It's about Nikki." Pagkasabi niya nun para bang bigla akong kinabahan. Ayaw naba niya na puntahan ko si Nikki? Gusto ba niyang lumayo ako ng tuluyan kay Nikki?

"What about her?" Kinakabahang tanong ko.

"I don't want her to die. Please convince her to take the medication." Sabi pa niya kaya biglang nanlaki ang mata ko. Ano nga ulit yung sinabi niya.

"Pardon please?"

"Chad. I want you to convince her to take her medication as soon as possible. Time is running so fast and I'm afraid that her clock will stop to tik tak." Seryosong sabi niya sakin. Hindi ko alam kung pinaglalaruan ba ako ng mata ko pero nakita ko talaga na may tumulong luha mula sa mga mata niya.

"Pero ikaw ang mas may karapatang gawin yun. Ikaw ang boyfriend niya Dee." Mahinang sabi ko dahil para ko na ring sinaksak ang sarili ko dahil sa yun ang katotohanan.

"Actually months before, ilang beses ko na siyang kinulit about this pero hindi niya ako pinakinggan. Alam kong kapag ikaw ang kumausap sa kanya malaki ang possibility na pumayag siya. I'm going to break up with her mamaya after this conversation. I already signed a contract sa isang magazine sa States and my flight will be tomorrow. Sayo ko na siya binibilin kasi alam kong ito ang tama. I don't want to give up on her pero kahit anong kapit ko nasasaktan ko lang siya that's why I decided to let go of her. I'm willing to let her go just. Just let her live. " sabi ni Dee bago ako iwang nakatanga sa loob ng shop. Ayaw magprocess ng utak ko. Parang ayaw mag sink in ng mga sinabi niya sakin ngayon lang. Aalis siya? So iiwan niya si Nikki. Kaya ba niya hinahabilin sakin si Nikki kasi iiwanan niya. F*ck.

Hindi ko alam kung magagalit ako o magiging thankful kay Dee. Alam ko namang pinili niyang lumayo para makapagmove on pero bakit naman agad agad. Bakit hindi niya hintayin yung operation ni Nikki. Bakit ngayon pa na kailangan ni Nikki ng tao na magmamahal sa kanya.

"Sh*t" gulong gulo na ako. Ginulo ko ang buhok ko sa sobrang frustration. Hindi ko na namalayan na nandito paka si Ate sa harapan ko.

"Still confuse on mom's decision?" Tanong niya sakin.

"Yeah ate ayaw kong umalis. Gusto kong samahan si Nikki sa paglaban niya pero paano. Lalo na ngayon na aalis si Dee. He's heading to States tomorrow. Kanino ko pa maipagkakatiwala si Nikki ngayon." Sabi ko kay Ate sabay punas ng luha ko. This is so gay but anong magagawa ko. I can't contradict mom's decision. Even my dad can't help on this matter. Oh god bakit ngayon pa.

"Hindi lang ikaw Chad. Nalaman ni mom na nandito ako sa pinas and she wants me to go back there. To go back to my cage. Be thankful that you are not going with me in that cage. At least you are still free."

"Hindi ko na talaga alam ate. Why is it Dad follows whatever mom's want. I mean bakit hindi man lang tayo mapagtanggol ni Dad. At bakit lagi na lang kinokontrol ni mom ang buhay natin. Nakatakas na ako sa kanya after I graduated grade school. Hindi ko alam na hanggang ngayon may plano pa din siyang manipulahin tayo."

Hidden PersonalityWhere stories live. Discover now