eighteen** She's safe

1.3K 34 0
                                    

Eighteen** She's safe

(Chad POV)

Lahat kami naghihitay sa labas ng ER. Naghihintay kung ano ba ang kalagayan ni Nikki. Umaasa na paglabas ng doctor may maganda itong balita. Hanggang ngayon hindi pa din makausap si Gianna. Si Ate Ellie naman kausap sa phone yung kuya ni Nikki na nasa States. Pauwi na to ngayon para samahan si Nikki. Hindi pa din kasi alam ng mga magulang niya yung nangyari. Yung kuya na niya yung mismong nagsabi na hwag munang ipaalam sa magulang nila dahil na din kakarecover pa lang sa sakit ng Papa nila.

"Chad you look wasted umuwi ka na muna." Sabi sakin ni Ate Yannie pero umiling ako. Sasamahan kong lumaban si Nikki. Kung kinakailangan na dito na ako tumira sa hospital gagawin ko.

"Oh sige kung ayaw mong umuwi kumain ka na muna. Here bumili ako ng pagkain."

"Busog pa ako Ate." Walang gana kong sagot.

"Busog? Eh magdamag ka ng walang kinakain. Ano yan hunger strike? Kakain ka o babatukan kita? Baka nakakalimutan mong mas matanda ako sayo." Sermon niya.

"Eto na kakain na po ATE." Sabi ko pero bigla na lang tumawa si Dee sa tabi namin.

"Oh ano namang tinatawatawa mod yan? Nakasinghot ka ba ng rugby? O baka naman may sira na utak mo? Sabihin mo lang nasa hospital naman tayo ngayon para naman ma confine ka na dito." Pagsusungit ni Ate ke Dee. Teka nga bakit nagkabaligtad ata ugali nila? Bakit si Dee yung mukhang baliw ngayon? Tapos si Ate yung sungit mode. Ano bang pinaglalaban ng dalawang to?

"Kasi naman hahahaha Ate. Nagmumukha ka tuloy matanda hahahaha." Sabi ni Dee at tuluyan na siyang humalakhak. Tiningnan lang siya ni Ate na akala mo gusto na niya itong tuhugin at ilechon.

"Hoy Duanne baka nakakalimutan mo na isang buwan lang tanda ko sayo. Magka edad lang tayo. Makatawa to. Kung matanda ako mag kasing tanda lang tayo." Sabi ni Ate kaya naman napahinto sa pagtawa si Dee at balik poker face na naman.

"Mas matanda ka pa din sakin ATE." sarcastic na sabi nito.

At dyan na nag umpisa yung talakan nilang dalawa. Nakuha ko ng matapos kumain pero hindi pa din sila natatapos sa kakadada. Nakuha na nilang napag awayan kung paano nabubuhat ng langgam sa sahig yung biscuit. Idagdag mo pa yung nananahimik na gagamba sa kisame. Hindi din nila pinalampas yung mga lamok na kanina pa tumitira samin. Yung totoo? Dapat ko na bang i admit itong dalawa na ito dito?

After 30 minutes lumabas na din yung doctor mula sa ER. Lahat kami napatayo palapit sa kanya kaya kulang na lang tumakbo siya pabalik sa loob ng ER. Mukha siyang nakakita ng multo pagkakita samin. Hindi nga agad nakapagsalita yung doctor. Pagtingin ko sa mga kasama ko nakita ko kung bakit.

Si Gianna nakatulala lang sabog ang buhok mukhang nakahithit ng katol. Si Sy may black eye sa mata(siguro sinuntok yan ni Gianna). Si Miss E daig pa yung sasabak sa gyera mukhang sa kanya natakot yung doctor eh. Si Dee at Ate Yannie naman nagpapaluan ng pastic na kutsara(saan nila nakuha yun?). Kung ako yung doctor tatakbo nga siguro ako.

Ako na yung lumapit sa doctor dahil mukhang ako yung nasa matinong pag iisip sa mga oras na ito.

"Doc kamusta na po yung pasyente?" Tanong ko.

"She's already safe as of now. Siguro by tomorrow magigising na siya. Pero to tell you the truth kailangan na niyang mapasailalim sa surgery. So sana pagkagising niya kumbinsihin niyo siya. Pwede niyo na siyang makita pagkalipat niya sa private room niya." Sabi nung doctor bago tapikin ang balikat ko at iwan kami. Medyo nawala yung mabigat na pakiramdam sa puso. Nabuhayan ulit ang pag asa ko. Sana Nikki gumising kana.

--

It's already 5 a.m. pero lahat kami mulat pa. Ayaw naming matulog at magpahinga dahil na din baka biglang magising si Nikki. Lahat kami may malalaking eyebags na dala na din ng puyat at pag iyak.

"Guys magsi uwi na muna kayo, ako na lang yung maghihitay na gumising si Nikki." Sabi samin ni Ate Ellie pero walang gustong tumayo samin.

"Sabi ng umuwi muna eh. Uuwi kayo o sisipain ko kayong isa isa palabas dito?" Sigaw niya samin kaya kulang na lang mag unahan yung apat palabas. Mukha kasing bubuga na ng apoy si Ate E. Idagdag mo pa yung ayos niya ngayon.

"O ikaw gusto mong sipain kita?" Sabi niya sakin.

"Ate ako na muna yung magbabantay kay Nikki. Later na lang ako uuwi." Sabi ko with a pleading tone.

"O sige babye." Sabi niya at umalis. Nakatopak na naman si Ate sabi niya kanina siya magbabantay tapos ngayon sinabi ko lang na ako magbabantay daig pa niya si Flash sa sobrang bilis.

Nakaupo lang ako sa tabi ni Nikki. Pinagmamasdan yung mukha niya. Hawak hawak yung kamay niya. Hinihiling na sana gumising na siya. Pero bakit ilang oras ko na siyang tinitingnan ni kurap ng mata niya wala?

"Nikki please gumising ka na oh. Ayaw na kitang makitang ganyan. Ayaw kong makita na mukha kang walang buhay. Please Nikki lumaban ka. Alam kong kaya mo yan." Sabi ko habang umiiyak na naman. Habit ko na yata ang pag iyak. Ang badoy tingnan pero kusa akong naiiyak.

Napatigil ako sa pag iyak nung bigla na lang gumalaw ang isang daliri niya. Napamulat yung mata ko at hinihintay na magmulat ang mata niya pero wala. Agad akong lumabas ng room at tumawag ng doctor.

"Doc gising na po yung pasyente." Sabi ko kaya nagmadali naman silang I check si Nikki. Pero wala. Hindi pa siya gising.

"Normal lang na gumalaw ang daliri niya dahil buhay siya pero hindi pa din siya nagigising. Konting pasensiya pa at gigising din ang pasyente." Sabi nung doctor bago ako iwan.

False alarm lang pala. Hayy sana naman Nikki kung papakabahin mo lang din naman ako tinuloy mo na sana. Gumising kana sana ng tuluyan.

_______________________________________

ceikret

edited** June 28, 2015

ai wo


Hidden PersonalityWhere stories live. Discover now