twenty** Her decision

1.6K 40 1
                                    

Twenty** Her decision

(Nikki POV)

"W-wag kang u-umiyak nagmumukha k-kang bading." Sabi ko kay Chad na kanina pa ako iniiyakan. Anong drama na naman yan. Bakit kada gigising na lang ako iniiyakan nila ako. Bigla na lang nanlaki yung mga mata niya kulang na lang tumakbo na siya palabas dahil akala mo nakakita ng multo. Seriously bakit ang weird ng mga taong nakapaligid sakin.

"Bu-buhay ka?" Mautal utal na sabi niya sakin. Malamang buhay ako san ka nakakita ng patay na nagsasalita.

"Ay hindi hindi hallucination mo lang ito." Sabi ko tapos napatango siya.

"Ahh hallucination lang pala. Akala ko pa naman buhay ka na talaga." Parang timang na sabi niya. Binato ko nga ng mansanas na naabot ko sa mesa.

"Aray naman. Para saan yun?"

"Ang tanga mo kasi alam mo ba."

"Pero di nga? Buhay ka?" Tanong niya ulit kaya binato ko naman siya ng saging. Jusko nahihigh blood ako sa lalaki na to.

"Malamang san ka nakakita ng patay na nagsasalita, humihinga at gumagalaw." Iritang sabi ko sa kanya pero nagulat na lang ako nung niyakap niya ako ng mahigpit sabay iyak na naman.

"Akala ko Nikki iniwan mo na ako. Akala ko iniwan mo na kami." Sabi niya habang umiiyak.

"Buhay nga ako diba. Tsaka mamaya lang mamamatay na din ako dahil sa yakap mo. Yung totoo nakakahalata na ako. Gusto mo ba talaga akong patayin ha?" Sabi ko pero siya naman natawa lang. Ihahagis ko palabas ng bintana tong lalaki na to.

Nagulat na lang ako nung bigla na lang niya akong halikan. Oo HINALIKAN NIYA AKO SA Noo. Ang hirap ng assuming akala ko talaga sa lips na eh. Sayang. Teka ano nga ulit sinabi ko? Erase erase.

"Wag mo na ako ulit tatakutin ng ganun Nikki. Ikamamatay ko kapag nawala ka, please stay." Sabi ni Chad at niyakap niya ako ulit. His warmth flow in my body. Hindi ko alam kung bakit ako naiiyak. Dahil ba sa kasama ko yung lalaking mahal ko. O dahil habang nakikita ko siya. Nakikita ko sila, unti unti hindi ko na matanggap na malapit ko na silang iwan.

"I'm sorry Chad." Yun na lang ang tanging nasabi ko bago ko siya yakapin ng mahigpit. I want to hug him like this forever pero meron nga bang forever?

end**

(Dee POV)

Kakadating lang namin sa hospital nung biglang higitin ni Miss E at Gi si Sy. Susunduin daw nila si Kuya Cedric. Kuya ni Faye. Kaya napagdesisyonan ko na lang na puntahan na si Nikki sa room niya since naibalita sakin ni Miss E kanina na nagising na siya. I'm about to enter the room when I froze on what i saw.

I saw Nikki's crying face while hugging Chad. I don't want to see her face in tears but ako naman ang nagbibigay sa kanya ng reason to cry. I love her so much kaya i can't set her free. Pero kung nahihirapan na siya ng ganto. I'll do anything to make her happy. Even this means breaking my heart. Even this means giving my happiness away.

I close the door and start to walk with heavy steps. Each step breaks my heart into pieces.

"Here." Sabi nung maingay na babae na sumunod sakin sa park ng hospital habang inaabot ang panyo niya. Hindi ko yun tinggap. Ang ayaw ko sa lahat ay yung kinakaawaan ako.

Nagulat ako nung bigla niyang punasan ang mga luha ko gamit yung panyo niya. Siya smiled at me habang ako nakatingin lang sa kanya.

"Tandaan mo na yung pride pinanglalaba lang yan. Hindi yan inuugali." Sabi pa niya sakin

Hidden PersonalityWhere stories live. Discover now