one** Meeting the Demon

4K 91 3
                                    


(Nikki POV)

"KYYYYYAAAAAHHHH ANG GANDA TALAGA NI MISS EEF!!"

"SIYA NA TALAGA ANG IDOL KO WALANG KUPAS ANG GANDA NIYA."

"SANA MAGING KATULAD DIN NIYA AKO. SANA MAGING TRAINEE DIN AKO NI MISS E!!"

"OO NGA GIRL!! BET KO DIN YUN. PARA NAMAN MAGING MAGANDA DIN AKETCH!!"

"UUUUUYYYY KKKYYYAAHHH MAY NABILI AKONG LIMITED EDITION NG MAGAZINE NA SI MISS EEF ANG COVER, TINGNAN NIYO DALI. GRABITI DYOSA SA GANDA!!"

"KUNG KAKILALA KO LANG SIYA MATAGAL KO NA SIYANG NILIGAWAN!"

"SWERTE ANG BOYFRIEND NUN TOL!!"

Sa araw araw ba naman na ginawa ng diyos eh yan ang mga naririnig ko. I know na dapat ma flattered ako kasi super idol nila si Miss Eef. Pero di ko maiwasan na mainis, kasi porke maganda idol na nila. Ganun na ba yung basehan ng kasikatan ngayon?

Isa lang naman akong di hamak na nerd. Lagi lang nakakubli sa sulok kasi pag napag initan bully na ang kalalabasan.

Eto ang buhay ko pag off cam. Dito talaga ako masaya. Yeah i know masaya din naman ako sa pag momodel bilang isang Miss Eef, libangan ko yun eh. Pero ayaw ko pa ding baguhin kung sino talaga ako at kung ano ang gusto ko, para lang sa libangan ko at para lang maging sikat sa harap ng mga taong walang ibang alam kundi ang itsura ng kapwa.

Gusto kong makahanap ng mga taong matatanggap ako bilang ako mismo. Hindi bilang isang sikat at magandang model, kundi bilang isang panget at nerd na studyante dito sa Destiny High.

Iilan lang ang nakakaalam ng totoong pagkatao ko. Ang pamilya ko at si Miss E. Siya yung pinakasikat na model sa buong mundo. Siya ang nagturo sakin na kahit sikat kana dapat nakapatong pa din ang paa mo sa lupa. Siya ang nagtrain sakin at siya din ang nagpasok sakin bilang model sa company nila na Hamilton Group of Companies. Ang HGC ang may-ari ng Destiny High at madami pang iba. Si Mr. Evron Hamilton ang namamahala nun at syempre kilala niya din ako. Siya yung tumulong sakin na itago ang personality ko. Siya din yung nagbigay sakin ng bahay kung saan nakahati ito sa dalawang part. Yung front door ay para kay Miss Eef. At ang back door ay para naman kay Nikki. Sa ganoong paraan walang makakaalam kung sino ba talaga ako. Dahil hanggang ngayon mailap sa publiko ang totoong pagkatao ni Miss Eef.

Oo nakikita nila ang mukha at ang mismong Si Miss Eef pero yun lang ang alam nila. Yun lang ang alam nila pero iniidolo nila dahil lang sa ganda. Yun ang ayaw ko kasi diba dapat mas importante ang kalooban ng isang tao.

"ANO KA BA HAH! BAKIT DI KA TUMITINGIN SA DINADAANAN MO! TINGNAN MO ANG GINAWA MO SA UNIFORM KO!" lumipad yata ang isip ko dahil sa mga narinig ko kanina at ngayon di ko namalayan nakabunggo na pala ako. Ang masaklap natapunan pa siya ng kape. Paktay ako nito shheetttee.

"So-sorry po. Hindi ko po sinasadya. Sorry po talaga."

"MAY MAGAGAWA PA BA ANG SORRY MO HAH? MALILINIS PA BA NYANG SORRY MO ANG UNIFORM KO!" sigaw sakin nung nakabangga ko.

"Pu-punasan ko nalang." takte nauutal na ako nakakatakot si kuya.

"KAHIT PUNASAN MO PA YAN MAY MANTSA PA DIN. HINDI MO BA AKO KILALA AT BINABANGGA MO AKO HAH!!"Tiningnan ko si kooyang menopause na sobrang sungit dinaig pa ang babaeng naka period. And oh my hollygollysheeet. Wahhhhhh lupa lamunin mo na ako. Bakit sa dinami dami ng tao sa Des High. Bakit siya pa!!!"

Ang nag-iisang CHAD HAMILTON. Anak ng principal. Number one bully ng school. Pinsan nila Kuya Evron at Miss E.

Ang napakagwapong nilalang na ubod ng sama ang ugali. At higit sa lahat, ang lalaking kinaiinisan ko na kulang na lang ay kulamin ko na nang mawala na sa mundo.

Hidden PersonalityWhere stories live. Discover now