Twenty five** Already found him

1.1K 35 1
                                    

(Nikki POV)

Kanina pa ako nakasandal dito sa gate ng apartment ko, inaabangan kung lalabas ba si Chad ngayong araw na ito. Matapos ang ilang araw na pagsunod ko sa maling tao. Ngayon sigurado na ako ng taong susundan ko. I just hope na sana wag akong pumalpak this time.

Narinig kong nagbukas ang gate ng kabilang apartment kaya dali dali akong sumilip sa gate ko para malaman kung si Chad nga yun. Ang tanga ko naman kasi eh. Pwede ko naman siyang katukin na lang sa apartment niya pero kasi natatakot ako. Natatakot ako sa magiging reaksyon niya. And worst natatakot ako na nakalimutan na pala niya ang pangako niya sakin.

My heart skipped a bit the moment i saw him. Hindi pa din nagbabago ang itsura niya pero nagmature ang mukha niya at well-built na ang katawan niya ngayon. Medyo mahaba din ng konti ang buhok niya na bumagay naman sa hoodie na suot niya. Hindi ko alam pero nung nakita ko siya parang ang hirap huminga. Ayan na siya ang lapit na niya sakin pero bakit di ko man lang siya magawang lapitan. Feeling ko anytime maiiyak na ako. Hindi ko alam kung dahil ba sa tuwa kasi nakita ko na siya, dahil ba sa takot o dahil miss na miss ko na siya.

Nakatayo lang siya sa labas ng gate niya habang nakabulsa sa jacket niya ang mga kamay niya. Malayong malayo na ang image niya dun sa Chad na nakilala ko noon. Yung Chad na walang ibang alam gawin kundi kalokohan at yung Chad na kinakatakutan. Yung Chad na nakikita ko ngayon is a professional one. Gusto ko siyang lapitan pero ayaw gumalaw ng mga paa ko. Ayaw tumigil sa pagpatak ang luha ko. Hindi ako handa sa ganito. Hindi ko alam na ganto pa pala kalakas ang epekto niya sakin. Na mahal na mahal ko pa din siya hanggang ngayon. Nagsisikip nga lang ang dibdib ko sa posibilidad na hindi na siya akin ngayon. Na may iba ng nagmamay ari sa puso niya ngayon. Ang masaklap baka mayroon na siyang pamilya ngayon. Ang gaga ko naman kasi susugod sugod ako dito hindi ko naman pala siya kayang harapin. Ano na ngayon? Tatanga na lang ba ako dito?

Nakaalis na siya lahat lahat pero hindi ko pa din maalis ang mata ko sa kinatatayuan niya kanina. Ngayon lang nagsink in sakin ang thought. Bakit nga ba hindi niya ako hinanap. Bakit hindi niya ako binalikan. Ang sabi niya babalik siya diba? Ang sabi niya hintayin ko siya. Pero bakit ilang taon na ang nagdaan wala pa ding Chad na nagbabalik sakin. Umasa nga lang ba ako sa wala. Nagpakatanga nga lang ba ako.

Napahawak ako sa dibdib ko. Ang sakit pala. Bakit nga ba ngayon ko lang naisip ang mga bagay na ito. Tama na ang drama Nikki. Hindi ka pa naman sigurado eh. Baka naman busy lang talaga siya kaya hindi siya nakabalik. Kaya nga nandito ka diba para sunduin siya. Kaya ano pang hinihintay mo sundan mo na siya.

Lalabas na sana ako ng apartment pero may humigit sa braso ko. Pagtingin ko, sino pa bang panira ng araw ko lagi. Walang iba kundi si Sungmin.

"Is he the reason why you're here?" Sabi niya sakin with matching kunot kilay pa. Ano bang pakialam nitong isa na ito? Hindi naman porke napagkamalan ko siyang si Chad noon ay pwede na siyang mag inarte na ganto.

"You don't care." Sabi ko sabay higit ng kamay ko sa kanya.

"I care. Look Faye I like you. And seeing you cry like this makes me want to punch that guy already." Sabi niya kaya naman napatigil ako. Gusto niya ako?

"I'm sorry Sungmin but I love him more than anything else. He's my life. He's the reason why I'm still alive. I've experienced many things, many problems and many obstacles in my life but I endured all the pain because of him.I'm here to fight for him. I'm really sorry Sungmin but I can't like you back. You're perfect. There are lots of girls over there that can love you like you do. I'm really sorry." Sabi ko sa kanya at sumakay na sa cab na kanina pa nasa harap ng apartment ko. Balak ko sanang sundan si Chad pero paano ko pa siya masusundan kung nakalayo na siya. I guess this day will be my day to relax for a bit.

--

It's already lunch time at gutom na din ako kaya naman nagdecide ako na kumain sa isang american resto dito sa shopping district. I'm about to open the door pero natulala ako sa nakita ko. Nanatiling nakataas ang kamay ko aiming to open the door of that resto pero wala na. Ayaw ng magfunction ng utak ko. Ayaw ng gumalaw ng katawan ko. My vision is getting blurry. Sumisikip ang dibdib ko. I think I'm having a heart attack and anytime babawian na ako ng buhay.

Seeing him with my two eyes happy with a girl. Seeing them happy and giggling like teenagers makes me want to cry hard. I hate it. I hate the scene. No Nikki. This is just a dream. Yeah or maybe namalikmata lang ako. Na dahil sobrang miss ko na si Chad nakikita ko na siya kung saan saan. Gusto ko man lokohin ang sarili ko pero di ko magawa dahil all this time alam kong totoo ang nakikita ko. Alam ko sa sarili ko na Chad is dating a girl right now and he's so happy. He's happy with his life right now. At ayaw ko mang magback out wala na akong magagawa dahil na din aa ayaw kong sirain ang kaligayahan niya.

"Don't look at them Faye." Sabi ng isang tinig at mabilis niya akong niyakap. Lalo akong naiyak sa ginawang yun ni Sungmin. Alam kong si Sungmin yun dahil kahit na takip na takip ang mukha niya alam ko naman ang boses niya.

He leads me to a park. Tahimik lang doon at kakaunti kang ang mga tao. Ang tanging ingay nga lang na naririnig ko ay ang pag iyak ko. Ayaw kasing magsink in sa sarili ko na masaya na si Chad sa iba. Na kaya hindi niya ako hinanap at kaya hindi na siya bumalik ay dahil may iba na siya mahal at baliwala na lang ako. Parang pinipiga ang puso ko sa sobrang sakit. Ang hirap na makita mo ang katotohanan. Mahirap tanggapin ang katotohanan. Mahirap aminin na nasasaktan ka.

"Don't cry Faye. Everything will be alright." Sabi ni Sungmin habang yakap pa din niya ako. Kanina pa ako umiiyak sa kanya at sigurado ako na basa na ang damit niya dahil sa mga luha ko pero baliwala lang niya yun.

"Ang sakit kasi Sungmin eh. Naghintay ako ng ilang taon dahil sa pangako niya. Nagpakatatag ako sa sakit ko. Nag agaw buhay ako pero kinaya ko dahil alam kong lumalaban ako para makasama ko siya. Mahal na mahal ko siya eh. Kahit na wala kaming commitment umasa pa din ako dun sa sulat niya na babalik siya at mahal niya ako pero anong napala ko. Nagpakatanga ako sa kanya. Parang dinudurog yung puso ko. Ang sakit sakit. Kahit na sabihin ko sa sarili ko na ayos lang sakin basta masaya siya pero masakit talaga. Ang sakit sakit." Sabi ko habang umiiyak. Alam kong hindi ako naiintindihan ni Sungmin pero ang alam ko lang handa siyang damayan ako. Humigpit lalo ang yakap niya sakin. Siguro to assure me na may kasama ako. Nadadamayan niya ako kahit ano pang mangyari.

"Alam mo ba kung gaano ako kasaya nung papunta ako dito. Kasi after how many years makikita ko na siya. Pero bakit ganito. Bakit ang sakit ngayong nakita ko na siya. Bakit hindi ko man lang naisip na pwede siyang magmahal ng iba. Bakit hindi man lang sumagi sa isip ko na baka sa paggaling ko walang Chad na naghihintay sakin. Na walang Chad na babalik sakin. Bakit parang dinudurog yung puso ko. Bakit ba ang sakit. Parang gusto ko ng mamatay. Sana pala namatay na lang ako. Sana hindi na lang ako gumaling sa sakit ko."

"I know that you're really hurt right now Faye. Cry out loud but don't forget that in every rain there's a rainbow that will follow.Don't forget to move on. Don't forget that I'm here to help you. Just don't give up. It's not the end of the world Faye. If destiny makes all of this things , I know someday, someday you'll be happy again." Ang huling narinig ko bago tuluyang pumikit ang mga mata ko. Pagod na ako. Pagod na ang puso ko. Pagod na ang mata ko kakaiyak. Sana, sana bukas kagising ko panaginip lang ang lahat.

__________________________________________________

ceikret

Last four chapters to go bago ang epilogue.

Ano team Chad pa ba? O team Sungmin na.

ai wo

"

Hidden PersonalityWhere stories live. Discover now