Twenty six** going back

1.1K 34 0
                                    

(Nikki POV)

Hindi ko alam kung paano ako nakauwi sa apartment ko. Siguro dinala ako dito ni Sungmin dahil siya lang naman ang kasama ko kanina. Maybe I should thank him. Sobrang bait niya sakin despite of the bad things I've done to him. Oo he's conceited, but he can be a friend you can lean on kapag may mga pagsubok ka na kailangang harapin. He didn't left me on the time that I felt so wasted. He's there who's willing to listen on my rants about Chad.

At si Chad. Muntik ko ng makalimutan na may iba na pala siya. Hay ang saya. Ang sayang mabuhay grabe. Yung mahal mo may mahal ng iba habang ikaw ay naghihintay sa pagbabalik niya kaya ngayon nganga. Gustuhin ko mang umiyak dahil sa katangahan ko pero hindi ko magawa. Kasalanan ko din naman kasi na umasa ako sa isang tao na puro pasakit lang naman ang dala sa buhay ko. Bakit ba kasi ang dali kong nagpauto sa kanya. Bakit ba ako naniwala na magbabalik pa siya.

For seven years lumaban ako sa sakit ko, nagpakatatag ako at nag aral ng mabuti para may ipagmamalaki naman ako kung sakali man na kami ang magkatuluyan. Na hindi ako yung tipo ng babae na umaaasa sa yaman ng asawa niya. Nakakatawa lang na naiisip ko ang ganoong mga bagay habang siya nagpapakasaya dito habang kasama ang babae niya. Ang mas masakit ay kung malalaman ko na kasal na pala sila at malalaman kong naghihintay ako sa wala.

That's why nakapagdecide na ako. I should live my life without him on my system. Kailangan ko na siyang alisin sa buhay ko gayung siya naman itong nang iwan at naghanap ng iba. Bakit pa ako hahawak sa isang pangako na ako na lang ang nakakaalala. Bakit pa ako aasa sa isang tao na alam ko namang di na ako babalikan. Bakit ko pa hahayaang saktan ako ng taong minahal ko sa loob ng madaming taon pero nagawa pa din akong ipagpalit sa iba.

Ito na siguro ang wakeup call ko. I need to fix myself hindi para magsisisi si Chad na hindi niya ako binalikan kundi dahil ayaw kong kaawaan ako ng ibang tao at ayaw kong kaawaan ang sarili ko. Ayaw kong mabuhay na nagdudusa. Umalis ako sa PIlipinas na buo kaya babalik din ako doon ng buo with extra baggage pa.

--

Noong sinabi ko sa sarili ko na uuwi ako sa Pilipinas with extra baggage, ang iniisip ko noon ay may aral akong dala at natutunan. Hindi ko inisip na ang extra baggage na yun ay magiging literal na extra baggage. Dagdag pasanin ko tuloy itong koryano na ito na kanina pa pinagkakaguluhan ng mga fans niya.

Ang pagkakaalam ko kasi kanina ay matiwasay akong nag impake para makauwi na ng bansa ko pero paglabas ko ng gate ay may isang gwapong unggoy na nakabitin. Umiral na naman ang pagiging akyat bakod gang niya at natyempuhan pa na paalis ako. Kaya no choice ako kundi sabihin sa kaya na aalis na ako pero ang walagya ready to go. Noong inaya niya ako sa airport ay doon ko lang nalaman na may maleta siyang dala at handa na siyang umalis anytime. Naloka ang kaluluwa ko dahil daig niya pa ang mga secret agent na spy sa pagmanman sa apartment ko. Nakita daw niya akong nag eempake kaya nag empake na din siya. Kaloka ha. Ininvte niya ang sarili niya.

Mas naloka ako noong pagdating naming dalawa sa airport ay puno ito ng tao waiting for him. Tama bang ipost sa instagram niya na aalis siya ng Korea with the caption of "With Miss Eef". Pinagmalaki pa niya sakin ang post niya kaya nasapak ko nga. Langya broken hearted na nga ako, ayaw kong pati mga bones ko maging broken dahil sa mga fans niya. Mabuti na lang talaga at may mga security na tumulong sa amin kundi tutuhugin ko talaga itong si Sungmin at ililitson sabay hain sa mga fans niya.

Eto ang pinaka pinaka nakakaloka. Matapos ang tug of war at amazing race with the fans ay tumawag sakin si Miss E at Gi. Tinatanong kung bakit ibang lalaki ang inuwi ko. Aba eh hindi ko naman kagustuhan na iuwi ang lalaki na ito no. Tinalakan pa nila ako dahil nagtrending daw sa twitter ang OTP namin ni Sungmin. Malay ko sa OTP OTP na yan. Ang gusto ko lang naman ay umuwi at magpahinga. Gusto kong ipahinga ang katawan ko, ang isip ko at ang puso ko sa mga pangyayri na naganap sa buhay ko. Sobrang bilis kasi to the point na hindi na ako makapag isip ng matino.

Hidden PersonalityHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin