Kumunot ang noo ko, "Ha? Ba't naman ako magagalit?" Takang tanong ko sa kaniya.

Bumuntong hininga siya at hinawakan ang kaliwang kamay ko, "Sorry na, please?"

Hinarap ko siya at nakita kong nasa likod pala namin si Sabrina, "Ayan na pala ang girlfriend mo, oh?" Sabay turo ko kay Sabrina na taimtim na nakamasid sa aming dalawa.

Kumunot ang noo niya, "Girlfriend?" Sabi niya kasabay ang paglingon sa likod, inagaw ko mula sa mga kamay niya ang mga libro ko at agad na naglakad palayo sa kaniya.

Nagmamadali ako naglakad palayo sa kaniya. Naguguluhan ako. Pilit kong inaalala mga tunay na nangyari sa buhay ko at bahagyang isinantabi ang panaginip ko n'ung biyernes ng gabi.

Break na kami ni Elvis, hindi ba?

Bago pa ako makasakay ng fx ay may humila na sa akin palayo- si Elvis. Ugh.

Hinarap ko siya habang pinipilit kong nakakunot ang noo ko habang tinititigan ang kanyang gwapong mukha, "Ano ba?" Angil ko at akmang aalis na naman papunta ng terminal, hinigpitan niya ang pagkakahawak sa braso ko kaya napadaing ako nang kaunti.

Ikinagulat niya iyong bahagyang pagdaing ko sa sakit kaya agad siyang napabitaw sa akin, "S-Sorry." Sambit nya habang kinakamot ng marahan ang kaniyang batok.

Napairap ako, naiirita kasi ako sa presensya nya- hindi ko malaman kung bakit. Siguro kasi, naiisip ko 'yung mga pangyayari d'un sa wala kong kwentang panaginip. Seriously, that damn dream of mine felt so real- it even came to this point that I can't believe that it was not real!

Before I could hysterically slap my face like I always do whenever I remember every bit of that embarassing dream, Elvis started caressing my hand. "I'm sorry, Jade. Okay? Lahat nang nakita ko sa aming dalawa ni Sabrina last week- siya lang ang may gawa n'un. So, please! Please, please, please, I'm begging of you, believe me." He said almost teary-eyed.

Well, the fact that he cheated with Sabrina wasn't a dream after all. Pfft.

I shook my head and smiled at him not knowing what kind of smile I threw him at this moment, "Believe me, Elvis. The both of you look good together." I half-heartedly said, though what I said was true. The sting feeling in my heart is still inevitable, as expected.

He squeezed my hands tightly, a gesture that he doesn't agreeing any of the words came out of my mouth. "JC!" He protested.

Hinila ko ang mga kamay ko palayo mula sa pagkakahawak niya, "Get your filthy hands off me. Nandidiri ako sa'yo." I said full of hatred while glaring at him, as I remember everything that happened last week.

Mas masahol pa talaga ang totoong nangyari kumpara sa panaginip ko.

He was stunned, unti-unti niya na ring binitawan ang kamay ko kaya agad akong tumakbo palayo sa kanya.

Napansin kong pinagtitinginan na rin ako ng mga kapwa ko estudyante kaya kinapa ko ang mukha ko kung may dumi ba ito, hindi ko na napansing tumutulo na pala ang luha ko kaya agad ko itong pinunasan.

Everything happened was only a dream, a very long nightmare and I know that. Pero, hindi ko akalaing mas malala pa pala sa bangungot ang kasalukuyan.

Isang linggo na ang nakakaraan mula n'ung nahuli ko sila sa bar na nagme-makeout.

But, too much for that, mas hindi ako maka-move on sa panaginip ko at sa mga pinagsasabi ng hampaslupang si Darius.

Nakayuko akong naglalakad pabalik sa loob nang campus, hahanapin ko na lang si Venice at aayaing maggala sa kahit saang nais niya, kahit na gusto kong magreview para sa nalalapit na final examinations- panigurado naman kasing hindi ako makakapagconcentrate kaya mas mabuti pang sayangin ko na lang ang oras ko sa paglalakwatsa.

Bago pa ako makapasok sa loob ng Nursing Department eh may humila na sa'ken papunta sa may gilid ng building.

Si Sabrina.

Before I could react, sinampal niya ako at sinamaan ng tingin, "Tingin mo ba eh 'yang pagpapakipot mo- may patutunguhan 'yan?!" Mariing sabi niya, halata ang galit mula sa nanlilisik niyang mga mata.

Kumunot ang noo ko, "Jocson, sino ka ba sa inaakala mo?" Inis na sabi ko. Siya na nga 'tong nakikikabit, siya pa 'tong umaastang parang legal wife?!

Tumikhim siya, she's intimidating but I'm more- lalo na't nagpatong-patong ang mga inaaalala ko. "Aragon, you are just a plain nerd bitch!" Mariing sabi niya sabay tulak sa'ken na siyang dahilan ng pagkatumba ko sa may gutter na punong-puno ng maduming tubig.

Nadumihan ang all white uniform ko! Ako pa naman ang naglalaba nito, and I'm telling you, mas mahirap magpaputi ng damit kaysa magmahal ng tunay! OTL 囧rz

Tinitigan ko siya ng masama habang inaayos ko ang nabasa kong mga libro, hawak-hawak ko kasi iyon kaya nahulog rin ito sa may gutter kasabay ng pagkatumba ko.

Ilang segundo din kaming nagtitigan ng masama. Maganda si Sabrina, but behind of that angelic beauty, there's a beast inside her. She's damn scary but I am not afraid of her wits and guts.

"Bago ka mag-inarte, alamin mo muna 'yang lugar mo sa mundo." She finally said before leaving me behind.

💖 💖 💖 💖 💖 💖 💖 💖 💖 💖 💖 💖 💖 💖 💖 💖 💖 💖 💖 💖 💖 💖 💖 💖 💖 💖 💖 💖 💖 💖 💖 💖 💖 💖 💖 💖 💖 💖 💖 💖 💖 💖 💖 💖 💖 💖 💖 💖 💖 💖 💖 💖 💖 💖 💖 💖 💖 💖 💖 💖 💖 💖 💖 💖 💖 💖

Hi, guys! May bago akong pinost na story, "Misconception of Us". Try reading it, mas mabilis kong ma-update 'yun kasi isa siya sa mga bagay na pinagkakaabalahan ko n'ung hiatus ako.

I'll post the Chapter One of it tomorrow afternoon. Here is the link:

http://wattpad.com/77015640

'Yung katabi ko sa JeepTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon