1: The Family

23.5K 461 95
                                    

"Arjo, mag-usap nga kayo ng Papa mo."

"Bakit? Ano'ng problema?"

Umagang-umaga, pakiramdam ko, sira na ang araw ko. Wala namang bago sa umaga, sa totoo lang. Nasa harap ako ng mesa, kinakain ang walang kamatayang french toast ni Mama na nilulunod niya sa gatas habang hinihintay ang iba pang miyembro ng pamilya kong hindi pa rin lumalabas ng mga lungga nila.

Oo nga pala, may pasok ako ngayon kaya ang aga kong nagising. As if namang may choice ako para ma-late.

"Kuya mo, nasaan?" dagdag na tanong ni Papa na nag-aayos ng cuffs ng white long-sleeve button-up shirt niya. Feeling ko nga, isang buong closet ni Papa, puro formal suit. Sobrang bihira ko siyang makitang naka-T-shirt and shorts. Laging casual at formal.

Ang guwapo nga ni Papa, lagi siyang inaabangan ng mga neighbor namin kahit sa dating bahay. Minsan, magdadala ng pagkain sa bahay para lang makita siya. Kaya nga iniisip ko, baka kaya siya nagustuhan ni Mama kasi good looking siya. Hindi naman kasi siya mayaman.

"Baka nagme-makeup pa," sarcastic kong sagot.

Umupo na si Papa sa puwesto niya sa dulo ng mesa. May trabaho siya ngayon kaya isa ring maagang nagising. HR manager siya and I don't know why hindi pa siya napo-promote kahit na dedicated siya sa trabaho niya. Mas mataas pa nga ang position ni Uncle Riggs kaysa sa kanya and that's unfair! Ni hindi nga nag-co-complain si Mama kahit kapag nag-aaway sila. Nagrereklamo lang ang mama ko kapag gumagastos si Papa sa 'kin. Doon lang yata sila nag-aaway dahil sa pera. Feeling ko nga, ako lang ang magastos sa bahay e student pa lang naman ako.

"O." Inilapag ni Mama ang tinimpla niyang kape sa harap ni Papa. "Wala nang laman ang ref, kailan mo balak mag-grocery?"

Psh. Wala na yatang ibang ginawa si Mama sa bahay kundi mag-utos nang mag-utos kay Papa ng kung ano-ano na dapat ay siya ang gumagawa. Lagi siyang "Josef, do this. Josef, do that. Josef, Josef . . ." Lahat na lang. I don't like her, but I don't hate her either. Napakahirap kasi niyang basahin. Minsan, hindi ko alam kung masaya ba siya, o galit, o naiinis. Minsan naka-smile siya, but soon after that, may lumilipad nang bagay sa bahay. And until now, I'm still wondering why my father loves her. A lot.

Though, maganda naman si Mama. Actually, sabi nga ng mga classmate ko, mukha lang daw kaming magkapatid kahit hindi kami magkamukha. She really looked so young for her age. And for that matter, wala pa siyang beauty regimen. Sabi lang niya, umiinom lang siya ng maraming tubig. I don't know, baka water sa fountain of youth ang iniinom niya.

"Bukas na, tutal weekend naman. Wala akong trabaho," sagot ni Papa.

Bakit kasi ayaw nilang kumuha ng maid? Yung mga friend ko nga sa dating school, lahat sila may maid, e may pambayad naman kami para sa katulong. Napamanahan naman daw si Mama ng family niyang mayaman kaya bakit hindi nila gamitin? Duh.

"Oy, Max! Mag-almusal ka muna!" sigaw ni Mama.

Hindi malaki ang bahay namin. Enough lang para sa aming pamilya. May second floor, tanaw sa dining area ang sala at ang pinto. At sinasamantala talaga nila ang laki ng bahay para mag-away.

Napatingin ako sa pinto ng sala na ilang lakaran lang sa puwesto namin. Si Kuya, palabas na ng bahay habang dala ang pinakamamahal niyang skateboard. Parang skateboard na niya 'yan since I went back here, can't remember.

Sandali siyang napahinto habang hindi pa tuluyang napipihit ang doorknob. But knowing Kuya, for sure, iinitin pa niya ang ulo ni Mama bago sumunod.

And as expected, nagtuloy pa rin sa binabalak at binuksan na ang pinto.

"Max!" Isang sandok ang ibinato ni Mama para patamaan si Kuya sa pinto.

"Armida!" sigaw ni Papa. "Oh God. It's too early."

Secrets of the Malavegas (Book 7)Where stories live. Discover now