Kabanata 35: Itinakda

Start from the beginning
                                    

Pagkadating namin sa ibaba kung nasaan ang mga bahay nila ay mas lalo akong namangha. Ang daming agila sa paligid, may kulay puti at kulay bughaw.

"Maligayang pagbabalik, Xiang."

Pagbati ng mga tao doon sa amin. Parang lahat sila ay kilala ako pero ni isa sa kanila ay hindi ko kilala.

May isang babae na pumunta sa harapan, nagsalubong ang mga kilay ko nang makita ko siya. Pamilyar ang mukha niya.

"Nagbalik loob na ang mga ahas sa atin?" Tanong niya kay Kuya Sanchi. Bakas ang pag-aalala sa mukha niya. Napatingin din siya sa akin at yumuko, "Ikinagagalak kitang makita ulit, Xiang."

Siya 'yong babaeng nagbigay sa akin ng libro ng Polaris at kasama pa rin niya ang anak niyang lalaki.

"Ale, hindi ba ikaw ang nagbigay sa akin ng libro?" Tanong ko.

Hindi niya ako sinagot. Hinila ako ni Kuya Sanchi sa malaking lamesa sa gitna na gawa sa makapal na kahoy. Sa gitna ng lamesa ay may tatlong bilog na kasing laki ng kamao na panay ang ikot sa gitna ng isa pang bilog na sobrang liwanag. Tinignan ko ito ng mabuti at ang mga detalye ng mga bilog ay kapareho ng araw, buwan, earth at isang malaking bituin. Kusa silang gumagalaw.

"Marami kang dapat malaman, Xiang. Magsisimula tayo sa pinanggalingan ng libro." Seryoso niyang sabi.

Tumabi sa akin si Scion at sabay kaming nakinig kay Kuya Sanchi. Mukhang mahaba ang kwento niya tungkol sa malignong libro na iyon.

"Noong unang panahon ay nagkaroon ng malaking giyera sa norte kaya ang isa sa mga hari roon na si Haring Sapiro ay humingi ng tulong sa mga salamangkero ng bundok ng Cordillera."

Naglabas siya ng mapa at itinuro niya kung saan ang norteng sinasabi niya. Nasa itaas lang iyon ng Baguio. Malapit din doon ang bundok na sinasabi niya.

"Nagtipon tipon ang mga puting salamangkero na may kapangyarihan ng Yang at humingi sila ng tulong sa bituin ng Polaris."

Ayon na ba ang explanation kaya Polaris ang pangalan niya? Dahil literal na sa bituin ng Polaris galing ang kapangyarihan niya?

"Sa tuktok ng bundok ng Cordillera ay nagsagawa sila ng ritwal at habang ginagawa nila iyon ay nasa gitna nito ang kanilang pinuno. Itinaas niya ang kanyang kamay upang tanggapin ang kapangyarihan na ipagkakaloob sa kanila ng pinakamalakas na bituin," habang nag-kukwento siya ay nagsisitaasan ang mga balahibo sa buong katawan ko. "Umilaw mula sa kalangitan at parang linya na ito ay bumaba at tumama papunta sa nakataas na kamay ng kanilang pinuno ngunit ilang minuto pa lang ay hirap na itong tanggapin ang kapangyarihan kaya naman ang isa sa mga salamangkero ay iniharang ang kanyang libro sa liwanag upang mailigtas ang kanilang pinuno."

Umilaw ang bilog na kapareho ng earth. Gumawa ito ng hologram at ipinapakita rito ang mga nangyari sa kwento ni Kuya Sanchi.

"Nawala na ang ilaw ng Polaris pero ang libro na ipinangharang nila ay hindi nawala ang liwanag. Agad na tinignan ng mga salamangkero ang libro at nagulat sila dahil nagkaroon ng katagang "Libro ng Polaris" sa likuran nito."

Iyon din ang nakita ko sa likuran noon. Iisa nga sila. Kaya pala may samaligno ang libro na 'yon, e.

"Sa unang pahina ay nakita nila ang mga unang sulat ng libro at ang sabi rito ay, 'Kung ano man ang isulat sa librong ito ay siyang magkakatotoo... ngunit ang karapatdapat lamang na gumamit nito ay ang itinakda ng Polaris.' Iyon ang mga unang salita ng libro na siya ring nawala pagkatapos ng ilang segundo."

Polaris (Published under IndiePop)Where stories live. Discover now