"Ayos ka lang ba?" Tanong ni Scarlet, ngumiti si Catherine pero umiling din siya.



"Sa totoo lang....natatakot ako. Scarlet, out of the wars I've gone through....why am I scared right now?" hindi siguradong tanong ni Catherine. Napatingin naman sa malayo si Scarlet saka....







"ANDIYAN NA SILA!" Naalarma ang lahat ng sumigaw ang isang lalaki. Napatingin sina Scarlet sa labas..... hindi lang sila tumingin....tumakbo sila palabas ng mansion.











Naikuyom ng dalaga ang kamao niya sa nakita niya. The palace is on fire.... at umaalingawngaw ang ingay na gawa ng mga nilalang na naroon. Bukod dun ay alam din nila na ang grupo nina Harold at Hiro ay sinasagupa na ang mga kalaban. Kinuha ni Scarlet ang espada niya mula sa kaluban at lumakad siya palabas....pero pinigilan siya ni Catherine....






"Saan ka pupunta?" Tanong ni Catherine, napatingin naman si Scarlet kayna Silvana at sa mga bata pati na sa mga tao na naroon.













"Hindi ko naprotektahan ang pamilya ko at ang buo kong nayon.
Kaya naman....kahit anong mangyare ay proprotektahan ko sila" sabi ni Scarlet ng nakangiti. Napabitaw naman kay Catherine ang dalaga saka siya tumakbo at tinahak ang daan na dinaanan nina Sam.












Lumapit si Martha kay Catherine saka ito ngumiti sa kaniya. Ibinigay rin ng dalaga ang jacket niya sa kaibigan niya.


"Catherine huwag ka ng matakot.
Kailangan nating protektahan sila dito" sabi ni Martha saka lumapit sa may pintuan.....isinarado niya yun....at isa-isang pinatay ang mga ilaw na naroon.





"Martha......" Usal ni Catherine.....pero tinapik lang ng dalaga ang balikat niya at hinila siya papunta sa iba....















At si Silvana naman ay kaagad na nakaramdam ng kirot sa tiyan niya.Napahawak siya doon at....nanlaki ang mga mata niya.....

















Sa isang banda naman ng kaharian ng Helszia ay nakikipaglaban ang mga alagang nilalang ng mga Algorian mula sa Elysium kasama ang hukbo nina Samira. Sila ang may pinakamaliit na bilang ng tauhan kaya sa kanila pinasama ang mga nilalang na ito......

"Kaya mo pa ba Matrix? O baka naman...nanghihina ka na...naku-naku...hindi mo matatalo niyan' si Maxwell hehehe~" panunudyo ni Samira. Napaasik naman ang binata sa sinabi ng pinsan niya.

"Huwag mo akong ikukumpara sa duwag na yun! Pwede ba manahimik ka na lang!" Inis na sagot ni Matrix saka pinatay ang kalaban, sumulyap siya sa pinsan at nainis lang siya lalo ng bumelat ito sa kaniya.






















Class of Elites: Dawn Of DarknessWhere stories live. Discover now