CHAPTER 7

672 19 3
                                    

Mysterious Culprit
~•~

VEX'S POV

Grabe 'to ah....kabagong salta nitong si Ash pinuntirya agad. Talaga ngang totoo na maiinit sa mata ng mga masasamang loob ang mga baguhan, tsk.

Kasalukuyang ginagamot si Ash ng nurse dito wala kasi si Flora dahil inutusan siyang pumunta sa kung saan.... medyo nahihirapan nga sila dahil malakas ang lasong ito.

"Kumusta na po siya?" Nag-aalalang tanong ni Eliszia. Maya-maya ay napatingin naman ako sa bagong pasok na si Xchindy.

"The patient is fine now, it's a miracle that...the poison is suppressed I mean...malakas ang lason na 'yun..but it dissolved somehow...you can rest assured that he's fine" paliwanag ng isang nurse saka kami tumango sa kanila,and they made they're way out of the room. It...dissolved? Napatingin ako kay Ash...ang galing naman nun...sabay kibit-balikat....

Napataas ang kilay ko ng makita ko ang redhead na 'to. First of all wala naman siyang pakealam sa mga tao dito...pero kay Ash....I smell something fishy around here....

"Alam na ba ng security committee kung sino ang may pakana nito?" Tanong ni Xchindy saka ibinaling ang tingin kay Lucille at Max na ngayon ay inaayos ang bulaklak na dala nila para kay Ash.

"Hindi pa...baka outsider, 'yun ang una naming hinala. Kung ganun siya ka-skilled, within 100km rage ay pwede niyang mapatamaan. Or...taga-loob ang may kagagawan" turan ni Lucille, napailing naman si Xchindy dito. She's not agreeing? Hmm?

Lahat kami ay napatingin kay Nurse Lyn ng tumayo na ito along with her subordinates. Nakahinga kami ng maluwag ng malamang ayos na si Ash.

"Thank you naman kung ganun...Teka! Si Emory? Nasaan si Emory?" Natatarantang tanong ni Eliszia. Napasipol naman ako saka nagbukas ng isang portal sa kinalalagyan ni Emory. Alam ko kung nasaan siya, kasi sinundan ko si Jerome kanina....mwehehe~~

"Present" nakangiti kong tugon habang hawak si Emory. Siguro pinapatay na niya ako sa isip niya dahil ang talim ng tingin niya sakin.

Mamamatay na ata ako...sadlyf~

"Ano bang problema mo? Bitawan mo nga ako!" Iritado niyang reklamo,ang tigas naman ng babaeng 'to. Astran nga naman....

"Ayos ka naman diba? Wala namang masakit sayo?" Panunuri ni Eliszia. Kumunot naman ang noo ni Emory saka niya iwinaglit ang mga kamay nito.

"Ayos lang ako....ano bang nangyare diyan?" Seryosong tanong ni Emory saka tumingin sa nakahilatang si Ash

"Pinana siya ng hindi matukoy na tao. Pakiwari ko'y taga-loob ang may pakana nito. Matagal na ring may nagkikimkim ng inggit sa'ting mga Elites kaya marahil isa sa mga taong 'yun ang nasa likod nito" paliwanag ni Eliszia. Nanahimik lang ako sa tabi saka sila inobserbahan.

Class of Elites: Dawn Of DarknessWhere stories live. Discover now