CHAPTER 11(PART II)

196 5 0
                                    

~~Depression & Hatred~~

THIRD PERSON'S POV
Dalawang araw matapos ang nakakapagod na training, ay nagpahinga muna ang mga estudyante. At sa kalagitnaan ng pagpapahingang iyon, ay may mga taong dumating sa lugar nila. Ang mga ito'y agad na sinalubong ng mga taga-roon at ihinatid sa pinuno nila.
Ang pinuno ng Anthemia na si Michael Edelbert, ang ama ng guro nila na si Martin Edelbert.

Sa kalagitnaan ng pagpupulong ng mga guro ng Akademya ng Algoria, ay dinala ng isang lalaki ang mga taong dinala rin ng Diyosa ng Pagsaayos, patungo sa lugar nila.

"Saan kayo nagmula?" Tanong ni Michael sa kanila. Kumapit naman ng mahigpit ang batang si Harmony sa laylayan ng damit ni Selina.

"Pentagon Village....kung saan nagtipon ang mga nakaligtas sa pagsira ng syudad namin noon na Contreras" dire-diretsong sagot ni Selina, bahagyang nagulat at napasinghap ang mga guro na nasa loob ng silid.

"Sinabi mo bang....Contreras?
Nakakatuwa naman,akala ko nawala na talaga kayo....gaya ng nangyare sa Ardor at Astra" masayang saad ni Silvana, tumango naman sa kaniya si Selina.

"Pinapunta ba kayo dito ng inyong anak,Mrs. Pimenova?" Tanong naman ni Reyna Elaine. Napailing naman si Selina, denying the fact that Sage indeed asks her to come.

"Nandito ako dahil sinugod ng Helszia ang bago naming tirahan, at ikinalulungkot ko na sabihing... dinakip nila lahat ng mga kasamahan namin. Ng tumakas kami ay may babaeng nakabistida ang nagdala samin dito, at kung hindi ako nagkakamali yun ang Helthare" napatango naman si Michael dahil sa isinalaysay nito.
Hindi na siya nagulat, dahil ang Helthare na rin ang nagtiwala na protektahan nito ang mga nangangailangan.

"Ikinalulungkot namin ang nangyare sa inyo, huwag kayong mag-alala ililigtas natin sila...siya nga pala,kailangan ng anak mo ang gabay at presensya mo...matapos ang huling ensayo namin ay hindi na siya lumabas sa silid niya...she's depressed about what happened, nag-alala kami sa kaniya...Simula ng malaman niya ang katotohanan sa likod ng galit ng dating kaibigan niya at ang pagtraydor sa kaniya ng lalaking minahal niya ay lagi na siyang tulala at madalas daw na umiiyak paggabi" litana ni Reyna Elaine. Walang emosyon na tumango si Selina...sa totoo lang wala naman siyang pakealam sa dalaga, para sa kaniya dagdag responsabilidad lang ito.

"Salamat po sa pag-aalaga niyo sa....eherm....kay Sage. Ngunit magpapahinga muna kami, saan ba kami manunuluyan" tanong nito, nag-utos naman si Michael sa mga estudyante na ituro ang titirahan ng mga bagong dating.

Class of Elites: Dawn Of DarknessWhere stories live. Discover now