CHAPTER 9(PART II)

191 7 3
                                    

~~Pained Hearts tend to Break~~

SAGE'S POV
Ang sakit ng leeg ko, I feel like I can't speak anymore. Lahat ng nangyare ay hindi pa rin magsink in sa utak ko. Lahat ng mga sinabi ni Xchindy, hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa mga paratang niya. Ng magkaisip ako ay hindi ko nga maalala maski ang mukha ng dad ko....wala rin namang sinasabi si Mommy tungkol sa past, kasi hindi naman kami close.

Hindi ko na alam kung ano pa ba ang gagawin ko ngayon....

Malambot....bakit malambot ang kama?....teka, anong nangyare sakin sa paghaharap namin ni Xchindy?! Sina River anong nangyare?

Pagmulat ko ng mga mata ko ay isinuot ko ang salamanin ko na nasa may table, at bumungad sa paningin ko ay puro puti. Bukas rin ang bintana dito sa kwarto, humahangin rin.... Kailan pa ba nagkaroon ng formal na infirmary ang mumunting hideout namin?

Napabangon ako sa kama at inilibot ang paningin ko. Ang linis ng lugar, maraming prutas sa table at mga bulaklak. Nasaan ba ako? Am I dreaming? I feel like I'm in Algoria's infirmary.

"You're awake,Saly" Napatingin ako sa may pintuan at nakita doon ang Kuya ko na may dalang basket ng bulaklak at sa likod niya ay si.....

"Hiyyah,Saly-baby....miss mo ko?"
Nagulat ako dahil nandito si Ate Chantal. What the,pano nangyare yun? Ang naalala ko ay kinuha niya ng mga kalaban palayo sakin....teka.

"Ate Chantal?" Gulat kong usal. Ngumiti naman siya sakin at saka sila lumapit sa kama ko.

Inalapag ni Kuya ang basket ng bulaklak na dala niya. Naupo rin sa tabi ko si Ate Chantal, saka niya hinimas ang buhok ko at ngumiti sakin. I miss her, namiss kong magkaroon ng ate....kahit ayaw ko sa kaniya noon>.>)....

"I'm so glad to see you na parang okay ka na naman.....alam mo kasi yang Kuya mo parang baliw na kakaalala sayo. In fact siya nga ang pumilit sakin na puntahan ka ngayon kahit pa may training siya,ain't my baby boy so cute hahaha" napatawa naman ako sa sinabi ni Ate Chantal at saka ako napatingin kay kuya na ngayon ay seryosong nakatingin sa labas.

Ang cute ng Kuya ko....
I'm so lucky na may kapatid akong katulad niya. Aren't I the luckiest in the world....

"Siya nga pala,anong nangyare? Nasaan tayo ngayon?" Sunod-sunod kong tanong kay Ate Chantal. Hinila niya ako patayo at ihinarap ako sa malaking bintana na nandito.

"Nandito ka sa Anthemia! The city of sorceress and witches. Welcome"
Masaya niyang pagpapakilala ng lugar sakin. Napahawak ako sa bibig ko, seriously I'm in Anthemia, ang syudad na pinagmulan ni Catherine.

Omg, Bawal akong magpakabaliw dito dahil baka isumpa nila ako....

"Kung nandito na tayo ngayon sa Anthemia,I have a lot of question from you Ate Chantal pero for now, Kuya....anong nangyare nung nawalan ako ng malay? What happened to Xchindy? To the others? Okay lang ba sila?" Kumunot ng bahagya ang noo ko saka inangat ang tingin ko kay Kuya. Napansin kong napatahimik si Ate Chantal,tumingin siya sa baba at saka napatingin ng malayo si Kuya.

Class of Elites: Dawn Of DarknessWhere stories live. Discover now