CHAPTER 35

257 7 3
                                    

~~Valentines Ball
and the Night of Betrayal~~

SAGE'S POV

Matapos ang boring na sandaling yun, which was where I got stuck up with Azaela and Snow, agad akong pumunta kayna Eliszia and company lol, well para lang yun magbigay ng suggestion. Kasi nung nalaman namin ang propesiya na yun. Pakiramdam ko we have to live our life to the fullest.

Hindi naman dahil sa mamamatay na kami o ano. Sadyang....what if matalo kami? What if ma-over come Helszia ang Algoria? I can picture this world being dark and all. Kung magkaganun nga, eh di puro paghihirap ang kasasadlakan namin...shet, ang deep nun ah pero ganun na nga. I'm not being a pessimist, sadyang ganun ang nakikita kong mangyayare if....if ever man.

At ayun na nga, I suggested for our Event Committee to have a ball for Valentines. Gaya ng sa mortal world, syempre meron din kaming valentines. Lovers Day yun...ano nga ba ang valentines sa mundo ng mga mortal? Para sa lovers din ba? Ang gulo ko!

"Uhmm? Sage alam mo naman ang sitwasyon natin ngayon diba? Everyone is driven dahil sa propesiya na nalaman nilang lahat. Ako nga rin, iniisip ko ang mga 'what ifs' ko. Kaya naman...I'll have to decline to that" sagot ng secretary ng committee nila. Tumango rin dito ang vice president nila. Ang o-OA nila ah. Porke't ba ganun ang narinig nilang propesiya ganito na lang sila hanggang dumating ang nakatakdang panahon na yun?

Pwes! Call me insensitive or hypocrite but this is the only way we can manage to survive. Kung palagi silang negative,pessimist at manlulumo ng ganyan, ano na lang ang mangyayare? Hindi pa nga nagsisimula ang lahat sumusuko na sila. Pano pa kaya kung nasa mismong sitwasyon na sila?

(Sabi ng isa ring pessimist, jusme)

Minsan ang labo rin ng mga taong 'to eh. Gusto nilang manalo, but they're on the losing side....what the heck naman!

"Look, I'm trying to give you a haven to forget that certain matter for a little while. This will also allow you to think about your what ifs and things better done when we're on that situation. Darating ang araw na nakatakda, hindi kayo makakatulong kung ngayon pa lang ganyan na kayo. Sa mga sandaling 'to kailangan tayo ng reyna. Call me hypocrite or insensitive but this is the only way. Unless may naiisip kayong mas magandang ideya para makatulong sa mga tao ngayon. Kasi para makatulong tayong lahat, kailangan nating maging relax...not too much but not too less na relax. Basta ba, malinaw ang mga isip natin para pagdating ng panahon na sinabi sa propesiya makaya nating ipaglaban ang kahariang minahal tayo sa kabila ng ating mga pagkakaiba. Now who's with me?" My speech got that long unexpectedly, and hiningal pa 'ko dun. Itinaas ko ang kamay ko pero nagkatinginan lang sila, at walang umimik,wtf???

*sulk in the corner

Hindi ako nainform na ganito pala ka-inconsiderate ang mga nasa event committee. Hayst, why did I ever thought that this would be easy? and that I would be able to pass through their solid-rock hearts??? Ghaaaaaa!

Class of Elites: Dawn Of DarknessWhere stories live. Discover now