CHAPTER 3(PART II)

230 7 1
                                    

~~Sage,I'll make you pay!~~


EMORY'S POV

Hindi kami nakagalaw sa mga kinatatayuan namin dahil sa narinig namin. Tunog iyon ng mga butong nababali, at hindi ako maaaring magkamali doon. At naagaw na lang ang atensiyon namin sa pagsigaw ni Sage. Napangiwi na lang ako dahil sa ginawa niya, way to go Sage.

"No way....ICE!" Sigaw niya. Sinasakal kasi ni Ash si Ice, at ang tunog ng mga butong narinig naming iyon ay ang tunog ng butong hawak ngayon nung Seven, binali-bali niya ang mga iyon at saka inilapag sa lupa....para sa'n yun? Napataas ang kilay ko dahil dun.

Napatingin silang lahat kay Sage, at yun na ang naging hudyat upang kumilos kami. Tumayo ako at saka pinana si Vex, natamaan ko naman siya....narinig ko pa ang daing niya.
Patawad....ngunit kailangan kong gawin ito.

"Lloyd, Jerome! Ngayon na!" Sigaw ni Ace....isang tila dome ng tubig ang pumalibot kayna Xchindy at doon,sa loob nun ay kinuryente ni Jerome ang tubig dahilan para makita naming mangisay sila.

Nilapitan agad nina Sheena at Catherine si Ice ng sumalampak ito sa lupa. Inatake nina Jake at Gael si Ash para mawala siya sa eksena. Gamit ang napakaraming clone ni Gael ay nagawa nilang antalain ang kilos ni Ash.

Aalis na sana kami kaso hindi kami nakagalaw sa mga kinatatayuan namin. Nakalimutan ata naming lahat na anino ang kapangyarihan nung babaeng yun.....sinubukan naming nakagalaw pero hindi namin magawa. Hanggang sa magsimulang gumalaw ang lupa,naalerto kami at nagmasid kami sa buong paligid.At ang ginawang dome nina Lloyd ay nawala na.

"Mga bwesit kayo....muntik na ko dun....ah....." Rinig kong saad ni Xchindy na ngayon ay basang-basa na at habol-hininga siyang tumayo, ang pulang-pula niyang buhok ay namatay rin ang kulay.

"Vex! Tulungan mo si Ash" utos ni Seven kay Vex na ngayon ay hawak nina Glydell at Mhicka.

"Sure" sagot nito saka nawala si Ash sa dati nitong kinalalagyan.

Nalintikan na!

"River! Sage! Sa likod niyo!" Sigaw ko. Bago pa man mahawakan ni Ash si Sage na kasama ni River ay lumitaw si Ash palayo, tumilapon siya papunta sa isang puno. Si Ice ang may kagagawan nun gamit ang telekinesis niya.

"Salamat" saad ni River. Tumango na lang si Ice sa kaniya.

"Tsk, seryoso Ash?" Sambit ni Xchindy saka muling nagliyab ang katawan niya at nagbalik na siya sa usual niyang itsura.

Sinugod niya ako pero sinalo ni Ma'am Raye ang atake niya. Itinulak siya nito at saka muling sinugod. Napabuntong hininga na lang ako saka ko hinagilap si Dwayne pero nawala siya sa paningin ko....at hindi ko siya mahanap.

"Anak ng----" hindi na naituloy pa ni Mathew ang sasabihin niya ng bigla siyang tumalon palayo.

Isang halimaw ang nagpakita sa harapan namin. Malaki ito at may mahabang buntot, malalaki rin ang mga pakpak nito. Mahahaba ang kuko at pula ang mga mata. Ang mga laway nito na nahuhulog sa lupa ay asido. Pamilyar.....

Class of Elites: Dawn Of DarknessМесто, где живут истории. Откройте их для себя