CHAPTER 36

268 7 1
                                    

~~Bring it Back! ~~

SAMUEL'S POV

Ang ganda naman ng gabing ito.
Light effects everywhere,the music, and the mood is just so perfect for this night. I admit this idea isn't that bad. From the Supreme Student Council, good thing Nova approved her proposal, it turns out well anyway.

I've danced with Snow earlier.
My date left me apparently,and since Snow seems to be...alone which is normal to her. I can't just let her waste this night, so I danced with her.
That unbearable girl, Allysa Mondragon is just annoying. She bugged me to be her partner and yet she left me....dumbfounded like wow.

"What?! Samahan mo 'ko dun... Raye, Martin kayo na muna ang bahala sa mga bata." Rinig kong saad ng Headmistress. Sinundan ko siya ng tingin habang naglakad palayo. At tila nagmamadali.

What just happened?

Napakunot ang noo ko ng magkatinginan sina Ma'am Raye at Sir Martin. Their eyes showed that something awful happened. Parang may nangyareng hindi maganda. Sa gabing ito, na akala ko'y yun na.

"Sam,nakita mo sina Azaela?" napalingon ako kay Vex na ngayon ay tila pinagbagsakan ng langit at lupa.
She looks....doomed. But she's so presentable tonight.

"Uhmm kasama sina Ash" sagot ko.
Nagliwanag naman bigla ang mukha niya saka agad na umalis. That's Vex for you.

Matapos makausap si Vex ay muli kong ibinalik ang tingin ko sa kinalalagyan nina Ma'am Raye at Sir Martin kanina, pero wala na sila doon. Nakapagtataka, ano na naman kaya ang nangyayare? Parang may problema na naman.

"Sam, anong ginagawa mo dito ng mag-isa? Nasaan sina Snow at Summer?" Tanong ni Nova saka inilibot ang tingin sa paligid.

"Andiyan lang 'yan sa tabi-tabi. At saka Nova, may problema na naman ba?" Tanong ko sa kaniya. Kumunot ang noo niya at saka ako hinarap.

"Anong ibig mong sabihin?" Tanong niya. So wala rin pala siyang alam. Nakapagtataka....alam kong may mali talaga eh.

"Nagmamadaling umalis si Headmistress Elaine kanina at tila balisa naman sina Sir Martin at Ma'am Raye. Wala ka bang alam sa nangyayare?" Napansin ko lang ang mga senyales na 'yan kanina. Hindi ko talaga alam kung ano ang nangyayare but based on their expressions and actions I can tell this trouble is something big.

"Masyado mong pinapansin ang mga bagay baby Bro, napaparanoid ka na ata. Hayaan mo, sasabihin rin nila sakin 'yan kung totoong may problema nga" kampanteng tugon nito. Napakibit-balikat na lang ako saka namataan si Sage kasama ang iba pa niyang kaibigan.

Class of Elites: Dawn Of DarknessWhere stories live. Discover now