XXVIII

165 7 1
                                    

~~I'm Coming Back~~

ELISZIA'S POV

Madilim....wala akong makita...pero ng imulat ko ang aking mga mata ay nakita ko si Mom, nakatalikod sakin...pero alam ko....I can tell na siya yun.

'Mom...mom you're here....'

'You killed me,Eliszia....why?!'

'Mom I don't... I don't understand....'

Hanggang sa biglang nagbago ang paligidNakita ko naman ang imahe ni Dad at ni Kuya. Lumapit sa kanila si Mommy, at parang nag-iba ang paligid bigla. From dark to light, to light where I can see their faces clearly.

Dugo....binabalot ang katawan nila ng dugo.

'Eli,you have to make her pay...'

'Patayin mo siya.....avenge us,Darling'

'Mom...Dad...anong---'

'ELISZIA!'











Kaagad akong napatayo mula sa kinahihigaan ko. Umatras ako ng umatras hanggang sa tumama ang likod ko sa isang mabatong surface.
Nilingon ko iyon at napansin kong parang nasa loob ako ng kweba. And bullseye,nasa kweba nga ako.

Pano ako napunta dito?

"It's all my fault...it's all my fault...it's all my fault"  napatingin ako kay Flora dahil sa narinig kong mga pinagsasasabi niya.

Inalis ko ang kumot na nakabalot sakin, naglakad ako palapit sa kaniya.
Umatras siya mula sakin at sinangga ako gamit ang kamay niya, umiiyak siya....tsaka may binubulong, the same words she's saying earlier...bukod dun parang may kung sino siyang kinakausap. At dun ko lang narealize na she lost it......Flora, hindi ko alam na ito ang magiging epekto ng digmaan sayo.

Napatakip na lang ako ng bibig ko habang pinagmamasdan siya. Napaluhod ako sa harapan niya, saka niya ako tiningnan. Nanlilisik ang mga mata niya at saka sa isang iglap ay nasa harapan ko na siya, and I found myself being strangled by her.

"PINATAY MO SI LUCILLE! PINATAY MO SIYA!!! PAPATAYIN KITA!!!!" Sigaw niya, naguguluhan ko siyang tiningnan saka pilit na tinatapik ang kamay niya paalis sa leeg ko.

Class of Elites: Dawn Of DarknessWhere stories live. Discover now