CHAPTER 16

441 11 1
                                    

~~The Dusk of Departure ~~


XCHINDY'S POV

Ang ganda naman ng ceiling dito sa kwarto ko...tutok na tutok ang mga mata ko sa kaniya eh...aisht!... nakakainis naman ang reynang yun!
Hindi niya 'ko maintindihan!!

Bakit ayaw niyang intindihan ang panig ko?!

"Grrr! Kaasar ka! Kaasar ka talaga!
Sinabi na ngang hindi ko siya magawang bantayan dahil nga may training din kami! Tsaka wala naman akong gadget na magno-notify sakin if ever he's in danger! Pano ko malalaman na mamamatay na pala siya?!" Saad ko habang nakaharap sa repleksiyon ng sarili ko sa salamin.

Nakakainis...nasampal pa 'ko ng dalawang beses...

Minsan naiisip ko kung may saltik ba ang reyna....

Nagagalit siya samantalang partially siya naman dapat ang sisihin, eh kung patayin ko na lang kaya ang lalakeng yun para wala ng problema!

"Nababaliw ka na naman ba, Xchindy? Ba't kinakausap mo ang sarili mo?" Napatingin ako sa kaniya na nakatayo sa may bungad ng pintuan.

O∆O) oops....hayst nakita na naman niya ko na kinakausap ang sarili ko.
Napatingin naman ako sa kaniya saka siya yinakap...I just feel like hugging him.

"May gumugulo sa isipan mo 'no?
Hindi ka basta-basta yayakap ng tao kung wala kang problema...care to tell?" Hinigpitan ko lang ang yakap ko sa kaniya. Pano ko ba 'to ilalagay...hindi ko alam....he'll be devastated once I tell him the truth...

This....is the thing I fear the most.....
Why didn't I expect this....why....

"Ama...sasama ka sa misyon diba?
Mag-iingat kayo ha" paalala ko.
I just can't lose him....I won't lose him.

"Ano ba'ng tinira mo at ang bait mo ngayon?" Hindi ko alam pero may imaginary glass na biglang nabasag matapos kong marinig ang sinabi niya

Humiwalay agad ako tapos umirap sa kaniya. Hayst, ano ba naman tanda can't you see I'm being emotional back there? Minsan lang yun uyy! Sinira mo pa ang moment ko.

"Grabe ka sakin. Kahit ampon mo lang ako, maawa ka naman. Minsan nga lang magpakabait binabasag mo pa trip ko" saad ko saka naglakad papasok ng kwarto ko at nag-ayos ng mga gamit na dadalhin ko.

Class of Elites: Dawn Of DarknessWhere stories live. Discover now