CHAPTER 16(PART II)

199 9 0
                                    


*BEWARE OF TYPOS AND GRAMMATICAL ERRORS*

------------------------------------------------------

~~I still Care~~

SAGE'S POV
Nanlumo ako ng makita si Vicky na duguan at walang malay. Nanginginig ang kamay ko habang pinagma-masdan ko siyang maligo sa sarili niyang dugo. Napatingin ako kay Sam na wala ring malay, at may dugo rin siya sa ulo niya. Ang malas ko.

"Barin, kailangan---- uy! Barin! Oh my ghad,why?? Bakit ngayon pa?"
Napaupo na lang ako sa lupa at napayakap sa sarili ko ng biglang bumagsak ang occamy sa lupa na pinangalanan kong Barin.

Siguro tumalab na yung lason ni Fier,yung alagang Fzestra ni Sam.

Hinga lang tayo Sage Lyra Pimenova....

"Arrgh!! Why now of all times?! Ghad!!!" huminga ako ng malalim.
Ano ba'ng gagawin ko?

Napatingin ako sa mga palad ko.
I can't make anything that my mind is limited of knowing... Ano ba? Sage mag-isip ka..wait,how about a chariot?? Yes! A chariot,shit no...walang horse...walang horse!!! Ano ba!!!

Ahhhh!!! Jusko....

I put pressure against Vicky's wound.
Fvck naiiyak na talaga ako. Ayoko pa naman sa mga ganito. Someone help..I don't like how this will go. Namumutla na si Vicky.... Someone please...

"The sky is unusually dark...at napapansin kong matumal na sumisikat ang araw,buti na lang ngayon ay nagpakita siya" bigla akong nabuhayan ng loob ng may marinig akong boses ng isang babae. It sounds familiar.

"Of course, of all things that is happening, hindi ko to napansin"
As soon as I heard this voice agad akong nagsisigaw para humingi ng tulong.

"Tuloooong! Pakiusap tulungan niyo ko!" pagmamakaawa ko. Ngumingiwi na sa sakit si Vicky at natatakot na ko dahil ang dami ng dugo sa mga kamay ko.

"Saly? Saly nasaan ka??" Sigaw ni Kuya. Sumagot naman ako sa kaniya para masundan niya ang boses ko.

"Kuya dito!" Sigaw ko habang linalakasan ang diin ko sa sugat ni Vicky.

"A-ang s.....sakit" rinig kong ungol ni Vicky. Napapikit na lang ako dahil feeling ko ang sakit-sakit ng ganyang sugat.

Ng makarating sina Kuya ay napatakip naman ng bibig niya si Mhicka. Ako naman hindi ko na magawang bumitaw dahil bumilibilis lang ang pagbulusok ng dugo palabas sa sugat niya.

Napangiwi naman si Kuya ng makita ang kalagayan ni Vicky.

"What the hell happened?" Tanong ni Kuya saka lumapit samin.

Nakita kong nakasunod sa kaniya ang isang parang lion na nilalang. Pero hindi ko na iyon pinansin pa dahil wala na akong panahon para dyan.

"Kuya please save Vicky" naiiyak na saad ni Mhicka. Pinunas ko naman ang pawis na nasa noo ko.

May kinuhang panyo si Kuya sa buksa niya pero nailing siya dahil panyo lang talaga yun,at maliit lang yun. I'm thinking na baka ibabalot niya sa sugat or gagamitin sa pressure ganun?

Class of Elites: Dawn Of DarknessWhere stories live. Discover now