"They're at the climax....tingnan niyo" nakangising sabi ni Ice saka itinuro sina Thalya na pilit na pinipigilan ang sandata ni Cosmos sa pagdarak sa dibdib niya.

"Kailangan natin siyang tulungan!"
Sabi ni Raisiel, pero pinigilan siya ni Ice.

"Hanggang kailan ba kaya ng isang kapatid na ibalewala ang kapatid niya? Hintay lang kayo" nakangisi pa rin ito. Well,well, tama naman siya.
Lumapit ako sa kaniya at inakabayan siya.

"Iba ka rin eh...." Sabi ko at pinanood ang palabas na nasa harapan namin ngayon.







"Brad may parating!" Napatingin kaming lahat sa likod namin at doon ay may....tatlong lalaki kaming nakita. Meron ding dalawang chix...at sa likod nila ay mga sundalo....oh come on!

Hindi ba pwedeng time out muna? Hindi ba pwedeng agahan muna tapos labanan na? Nahahastle na ko oh, ang pangit ko na! Naiinis na nga ko eh! Pagod na ko! Alam ba nila yun? Buti pa sila oh! Fresh!

"Hindi ko gusto 'to" sabi ko saka hinawakan ang lupa at isang napakalaking alon ang mula doon ay lumabas. "Umalis na kayo...I'll stop them from here....susunod ako.....snow...Ace...pagyeluhin niyo!" Utos ko, tumango naman siyang pareho at saka sila sumakay isa-isa sa mga beast na kasama ni Prinsesa Tracy.

Gaya ng sinabi ko ay pinagyelo nga nila ang mga tubig na gawa ko. Pero nagulantang ako ng makitang nabasag ang bloke ng yelo. Dalawang lalaki ang naunang lumabas. Nakahood ang isa pero inalis din niya, at dalawang chix ang sumunod. Umuga rin ang lupa, napayuko kami...maski ang mga kalaban namin.

"Anong nangyare?" Tanong ni Ace, napatingin kami bigla sa isang babae ng bigyan niya ang mukha ko ng mallit na hiwa dahil sa tinapon niyang dagger.

Sugatan mo na na lahat....huwag lang ang mukha ko. Naikuyom ko ang kamao ko at saka ko ipinatong ang kanan kong kamay sa kaliwa para tawagin ang water dragon....at hindi ako nabigo dahil lumabas nga ito.









"Woah....Lloyd, buti ka pa may natitira pang lakas" sambit ni Ace, napatango naman ako sa kaniya. At muling napalingon sa mga kalaban namin.




"Hayaan niyong magpakilala kami.
Ang pangalan ko'y Christopher Tyron, ito naman si Jackson Welworth..... at....Carina&Carlotta" introduction niya. Humanda kami na lumaban at sa gulat ko ay hindi ako nakagalaw, unti-unti akong tumunba sa lupa.

Anong nagyayare sakin?
Hindi ko maigalaw ang katawan, kahit pa anong pilit kong gawin. Napansin ko rin na hindi na nakakagalaw pa sina Snow at Ace na ngayon ay nasa sitwasyon ko na rin ngayon. Nakangiting lumakad sa direksiyon namin si Christopher... He look so damn familiar.... Bwesit! Anong nangyayare.....



"Gusto naming makipaglaro sana....pero may aasikasuhin pa kami at sagabal kayo dun" sabi nito, may mga demon shadows naman na lumitaw sa harap namin. Tutusukin na sana ako nun pero may pumigil sa kaniya.

Class of Elites: Dawn Of DarknessWhere stories live. Discover now