Chapter One [REVISED]

Magsimula sa umpisa
                                    

Maagang namatay ang mga magulang ko. Komplikasyon sa mga iniindang sakit. Hindi pa ako nagsisimula sa College no'ng maaga silang pumanaw. At dahil na rin sa biglaan ang nangyari, kahit iyong pagluluksa o pag-iyak ko para sa kanila ay hindi ko na nagawa dahil na rin sa wala akong panahon na dapat sayangin dahil ayokong mahinto sa pag-aaral dahil iyon na lang ang tanging magagawa ko para sa mga magulang ko na maagang nawala.

Aral sa umaga, trabaho sa gabi. Ganyan ang naging routine ng buhay ko noon.

Isang beses habang nasa part-time job ako bilang sales lady sa isang mall, may isang customer at nambastos sa akin. Kunwari'y nagtatanong pa ito ng tungkol doon sa damit na naka-display. Pero maya-maya lang, nagulat ako no'ng bigla niya akong hinawakan sa balakang. Noong una, akala ko hindi lang sinasadya. Pero naulit iyon at no'ng magpapangatlong hipo na sa akin ito at balak ko na sanang sitahin ang ginagawa nito, nagulat na lang ako nang may biglang kumuha ng kamay no'ng customer sabay pinilipit ito sa likod noon, sinipa ang likod ng tuhod ng customer dahilan para bigla itong mapabagsak sa sahig at dumadaing sa sakit ng pagkakapilit ng dalawang kamay na sa likod nito.

"Hindi kasama sa hinawakan ang sales lady, tarantado!" Tandang-tanda ko pang sinabi ni Ethan doon sa customer saka ito nagtawag ng guard at nagsabi ng nakita nitong ginagawa sa akin no'ng customer.

"Ayos ka lang ba, Miss? Gusto mo bang mag-file ng reklamo? Kung gusto mo sasamahan na kita sa police station!"

Tanda ko na hindi ako agad naka-sagot sa kanya nang mga oras na iyon. Tulala at gulat pa rin ako sa mga nangyari. Hanggang sa maya-maya lang ay nakita ko na lang ang sarili ko na umiiyak at pinapatahan ni Ethan, nagdadalawang-isip kung paano ako hahawakan o kung dapat nga ba niyang gawin iyon.

Noong mga oras na iyon, parang may switch na biglang bumukas sa loob-loob ko, dahilan para bumagsak na lang bigla ang lahat ng luha na naipon sa mga mata ko. Mula sa nangyari sa mga magulang ko, sa hirap ng trabaho, doon sa problema kong bayarin sa school na hindi ko alam kung saan kukunin at sa marami pang bagay. At kahit pa may mga kamag-anak pa ako, hindi rin naman nila kayang bumuhay pa ng isang dagdag bagahe kaya sa bandang huli, wala na akong ibang naasahan kung hindi ang sarili ko na lang.

Magmula rin no'ng araw na iyon, matapos akong samahan at pilitin ni Ethan na mag-file ng reklamo doon sa customer na bumastos sa akin, doon nagsimula ang pagka-kaibigan namin.

Nagulat pa ito nang malaman na nasa iisang school lang pala kami nag-aaral at magka-klase pala kami sa mga major subjects namin.

Hindi niya ako napapansin sabi pa niya. Pero ako, pansin na pansin ko siya.

Sino ba namang hindi? Napaka-gwapo ng lalaki na ito lalo na kapag ngumingiti at sumisilay ang mala-tooth paste commercial nitong mga ngipin. Hindi rin normal ang tangkad nito kumpara sa iba naming kaklase na lalaki at mahahalata sa aura nito na galing ito sa mayamang at may lahing banyaga na pamilya—na hindi rin katagalan ay na-kumpirma kong tama nang magkaroon ng attendance ang isang klase namin kung saan magka-klase kami at na-itanong no'ng professor namin kung ka-ano-ano ba nito ang mga Mondragon na isa sa mga kilala at mayamang pamilya rito sa Pilipinas, kahilera ng mga Sy, Zobel, Tantoco at iba pang prominenteng pamilya na kilala sa larangan ng pagne-negosyo.

Mabuting kaibigan si Ethan. Kahit anak-mayaman ito, kahit kailan ay hindi ko ito nakitaan ng pagka-hambog o kayabangan sa katawan. Kapag nasa school, tinutulungan niya rin ako doon sa mga projects, activities at ilang nami-miss kong klase sa tuwing napapa-absent ako nang wala sa oras dahil sa trabaho. Lagi rin nito akong nililibre ng pagkain kahit pa nga noong una ay tumatanggi ako dahil sa hiya.

"Isipin mo na lang, makaka-bawas sa gastos mo ang panlilibre ko sa'yo kaya tanggapin mo na lang! Sige ka, kung tatanggihan mo mga libre ko, sa tuition fee kita tutulungan. Mas mahal iyon!" Sabi pa niya sa akin isang beses na naging dahilan para mapapayag niya ako kaysa naman abalahin ko pa ito doon sa napaka-mahal naming tuition fee.

Mad Attraction (Mondragon Series #1) [Under Revision]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon