"Stay still Azaela" sabi ko saka nagpakawala ng kulay lilang apoy patungo sa direksiyon nung nilalang, pero nagulat ako ng sanggain iyon ni Azaela.

"Stop....it's Timid, alaga ko. A demiguise okay? Chill" seryosong saad nito kaya naman napatango na lang ako sa kaniya.

"Nahuli ka ata" komento ko, bahagya naman siyang yumuko saka hinimas ang ulo ng so called 'demuguise' creature na 'to.

"Yup..hindi ko nga alam na naghunting sila eh. I would've done the same,mas nakapili sana ako ng much better..." Dire-diretsang sabi ni Azaela, napatingin naman si Timid sa kaniya....

"Naoffend ata siya" natatawa kong sabi. Tumayo naman si Azaela at saka umiling.

"Good for you...nagkausap kayo?"
Tanong nito, umiling naman ako. Kahit bumalik na ang kulay ng buhok niya, she became talkative but her attitude didn't change.

"Just a guess...besides kita naman sa reaksiyon niya" tugon ko. Nagshrug naman siya sakin saka lumakad palayo, sumunod naman ako sa kaniya.

Narealize ko na maiiwan niya akong mag-isa dun with nothing to do kaya naman sumunod na lang ako. Tinahak namin ang daan na tinahak rin ni Sage, ngayon ay nahihirapan na kaming mahagilap ang babaeng yun.

"Kuya Ash!!!!!" Napatingin ako kay Harmony na ngayon ay kumakaway samin. Kasama niya sina Marco,Miko at Arya but of course Timbre is with them.

"Harmony, Timbre....kumusta" turan ko saka bahagyang yumuko para makalevel ang taas nila.

"Okay na ho kami! Maraming salamat po dahil nabuhay si Mommy Saly dahil sa inyo" nakangiting sabi ni Harmony habang hawak ang dalawa kong kamay.

"Nagbago man siya...masaya pa rin kami dahil nakikita't nakakasama naman namin siya. Salamat po" dagdag naman ni Timbre. Sabay nila akong hinalikan sa pisngi ko saka bumubungisngis na tumakbo papunta sa mga kasama nila.

"Naistorbo ba kayo ng dalawang 'to?" Tanong ni Marco, umiling naman ako. Ngumiti na kang siya bilang ganti.

"Miss Chamberlain, ikaw ba? Nadistorbo ba namin?" Maangas na tanong ni Miko kay Azaela....nag-iwas naman ng tingin si Azaela saka hindi pinansin ang binata."suplada" aniya.

"Anyway....aalis muna kami Ash,Azaela....inuutusan kasi kami na magliwaliw....may magkajowa kasing nag-away ngayon-ngayon lang" kumindat si Arya sakin saka sila lumakad paalis. Kumaway pa ako kayna Timbre at Harmony.

"Close ka sa kanila...good for you.
Tara na" naglakad na naman si Azaela para hanapin si Sage. Wow...this should be entitle 'Finding Sage'....

Dire-diretso akong naglalakad ng biglang pigilan ako ni Azaela. May itinuro siya sakin at doon ay nakita ko si Sage na kaharap si Mikael, magsasalita sana ako pero tinakpan ni Azaela ang bibig ko at umiling siya sakin.

"Hindi mo ba ako naaalala man lang? River? Mikael? Doesn't ring a bell?" Nanghihinang tanong ni Mikael, bakas ang pagkadismaya sa boses nito.

Class of Elites: Dawn Of DarknessWhere stories live. Discover now