"Kairen?"tawag ko sakaniya,bigla namang may lumabas sa banyo at si Kairen yun na nakapanjama.

"Kurt!"sigaw niya na agad tumakbo palapit kay Kurt,iniwan ko na sila at naglakad pabalik sa sala.

Nakita ko sila sa sofa na nag-uusap usap at nagtatawanan.

"Syempre boss!hindi ako papatalo sayo"nakangiwing sabi ni Tito Klyde na nakaakbay kay Tita.

"I been really busy this fast few years!I want to give my family a best life they can ever had,so yeah!i didn't have a time to make"sumipol si daddy at umakbay kay mommy.

"Shut up Kaizer!!---Kamusta ka naman Felisha?!Ilang taon ka na ba?"tanong ni mommy habang pinipisil ang mataba at pulang pisngi ni Felisha.

"5 na po"nakangiting sabi ni Felisha,dun ko nakita si Drei at Kei na nag-uusap din na nasa pintuan.

Tinignan ko sila mommy at daddy kasama nila Tito at Tita,hindi ko lubusang maisip na ang tagal na pala nilang magkakaibigan.Sobrang tatag nila as in kapag may problema ang isa lahat ay magtutulungan.

Nung bata palang ako kitang kita ko ang pagmamahal nila kay mommy at daddy nung nasa Greece si mommy Lexi,ayaw kasi ni lolo at lola kay daddy kaya nilayo nila si mommy pero syempre nagtulungan silang lahat para kay mommy at daddy.

'Sana all'

Tumingin sakin si daddy at ngumiti.

"Dito ka anak,baka mahulog ka diyan"nakangiting sabi niya,napangiti ako at dahan dahang bumaba ng hagdan.

Naalala ko dati nung bata pa'ko takot na takot ako kay daddy dahil nakakatakot ang paraan ng pagtingin niya pati nga rin pananalita niya.

Lahat ng gamit na nahahawakan niya ay binabasag niya o dinudurog,lahat ng nakakasalubong niya ay umiiwas sakaniya dahil sa takot na napagbuntunan sila ng galit ni daddy pero syempre ng matagpuan ni daddy si mommy lexi muli ay parang siya na ang pinakamasayang tao sa buong mundo.

Medyo magulo ang istorya nila mommy at daddy,hindi naman ako makapagtanong dahil masyadong busy si daddy pati narin si mommy.

Hindi ko namalayan ang isang baitang na nakaligtaan kong apakan kaya ayun nadulas ako pababa ng hagdan rinig ko ang lagabag ng puwet ko,natahimik sila at tumingin sakin.

'Shutang'namers'

"Y-yung pwet ko!"daing ko,malakas na tumawa si Kei kaya nakatanggap siya ng masamang tingin sakin.

'Tumawa ka pa!lagot ka sakin'

"Anak,ayos ka lang ba?"agad lumapit si daddy sakin at inalalayan akong tumayo,tumulong din si Tito Klyde patayuin ako.

"Paupuin niyo dito"utos ni mommy,agad akong pinaupo ni daddy at tito sa sofa'ng katabi ni mommy.

"Anong masakit sayo?"nag-aalalang tanong ni Tita Vanessa,nagpilit ngiti ako na nagmukang ngiwi.

"A-ayos na po ako"nakangiwing sabi ko,tumabi sakin si daddy at inakbayan ako.

"Sabihin mo lang kapag may masakit"

"Alam mo,totoo ngang maganda ka sa malapitan"sabi ni Ate Sabel,hindi ako makasagot dahil iniinda ko parin yung sakit ng balakang ko.

"Kamusta ka nga pala nung nasa tita macey mo ka?"tanong ni Tito Klyde na nagpaseryoso kay daddy,napatungo ako.Natahimik si mommy at daddy ganun din si Kei.

Nakatira kasi ako dati kila Tita Macey,kapatid ni Mommy Allison kaso hindi naging maganda ang trato nila sakin hanggang sa sapilitan akong kinuha ni daddy sa kanila and that happen 1 Year Ago.

Nang makapagtapos ako ng elementary ay dun na ko nag-aral sa puder ni Tita Macey hanggang 2nd Year Highschool ako dun hanggang sa ayun na nga,kinuha ako ni daddy.Hindi ko nga rin alam kung bakit pa ko kinuha ni Tita e dapat na kay daddy na lang talaga ako.

"Don't mention her"seryosong sabi ni daddy.

"Bakit ano bang nangyari?"tanong ni Tita Vanessa.

"Medyo hindi po maganda ang trato nila sakin"nakayukong sagot ko habang kinakalikot ang kuko ko.

"Anong medyo?!those motherfu---i mean those people was terrible,pinapahirapan nila si Pabi na hinding hindi ko ginawa sa anak ko"galit na sabi ni daddy,kinabahan ako sa paraan ng pagtingin niya..magkasalubong nanaman ang kilay niya at ang kamao niya ay nanginginig.

"Buti pala at binawi mo na si Pabi,anong ginawa mo nung malaman mong kinakawawa pala si Pabi?"tanong ni Tito Klyde kay daddy.

"Please po wag niyo na pong pag-usapan pa"alam kong bastos pero tumayo agad ako at paika ikang naglakad papanik.

"Sumama po ang pakiramdam ko,magpapahinga lang po ako"bulong ko at pumanik muli sa taas at nagkulong sa kwarto ko.

"Pabi"tawag ni daddy.

Tuwing napag-uusapan sila Tita Macey ay nasama ang pakiramdam ko,hindi ko nga alam kung bakit nagagalit siya sakin pati kay mommy Allison.

Si mommy Allison ang tunay kong nanay pero namatay siya dahil sa osteosarcoma sabi ni daddy, kasi hindi ko na siya nakilala,batang bata palang ako ng mamatay siya.

Pero minsan nagtataka ako kung bakit 'Briones' ang apelyido ko eh dapat 'Montenegro' diba?!

Kahit sinasabi ni daddy na ayun ang gusto ni mommy Allison nagtataka parin ako kung bakit ayaw niya akong maging Montenegro?




OWNED BY KHALEX MONTENEGROWhere stories live. Discover now