Thirty Four - (Calvin's motive)

Comenzar desde el principio
                                    

Malapit lang ang infirmary kaya mabilis ko itong natungo. Ni-measure ng nurse ang temperature ko. Nasa 38 degrees daw. Tinanong niya kung kagagaling ko lang sa lagnat at umiling naman ako bilang sagot. Ang healthy ko pa kaya kanina lang!

"Mukhang naka-receive ka ng shock kaya ka bininat. Inumin mo muna itong gamot tapos ay magpahinga ka. Mawawala rin yan kapag nakapagpahinga ka na." Mabait ang nurse at masarap sa tenga ang boses niya. Yun bang kapag narinig mo ay gagaan ang pakiramdam mo. Kaya naman sinuklian ko siya ng matamis na ngiti matapos nya akong abutan ng paracetamol at isang basong tubig.

Dahil isa akong masunuring bata, ininom ko ang gamot at saka nahiga sa kama. Hindi naman ako inaantok pero parang may magic itong kama at agad na nakatulog ako.

Hindi ko alam kung ilang oras akong nakatulog. Nang magising ako ay sakto rin na dumating sila Francy at Selena. Habang si Mello at Oreo naman ay nasa klase pa nila.

Umupo si Francy sa gilid ng kama habang tumayo naman si Selena babe-- este Selena na lang pala-- sa paanan ng kama, kapwa may mababakas na concern sa mga mukha. Pero grabe! Ang tagal ko nang tinatawag si Selena na babe at ngayon parang mahihirapan yata akong tigilan ito. Sabi nga nila diba, old habits never die! Kahit na hindi naman ganun ka-old.

"Maayos na ba ang pakiramdam mo?" Ang pangunang tanong ni Selena. Pinakiramdaman ko naman ang sarili ko. Hindi na mainit at wala na iyong uncomfortable na pakiramdam ko kanina. Kaya naman umiling ako na siyang ikinangiti naman ni Selena. "That's good."

Sigh. Ang ganda talaga niya. Punyeta ka, Jiro! Ang swerte mo at nagpaubaya ako kahit halata naman na mas bagay sa'kin si Selena! Huhu.

"Thank goodness naman! Pero bakit naman bigla kang nilagnat, bebe cheese? Kanina lang punong-puno ka pa ng energy ah!" Di mapigilang maitanong ni Francy.

Yun din ang pinagtataka ko kanina! Pero nung sinabi ng nurse na bininat ako dahil sa shock ay parang alam ko na ang sagot. Pero hinding-hindi ko yun sasabihin sa kanila!

"Hindi naman lagnat, binat lang." Sagot ko na lang, napapakamot sa pisngi.

"So bakit ka nga bininat?" Pangungulit ni Francy. Hindi naman ako nakasagot at hindi na rin ako nagkaroon ng chance makasagot dahil muling nagsalita si Francy. "Ah! Alam ko na!"

Kinabahan ako. A-Alam ang alin?

Mukhang nabasa naman niya ang nasa isip ko kaya sumagot siya. "Dahil yun dun sa Veronica na yun! Dahil hinalikan ka niya! Paniguradong may germs yung bibig non kaya ka nagkasakit!"

"H-Ha?" Natameme naman ako sa sinabi ni France.

Binatukan naman ni Selena si France at pinagrolyohan ito ng mata. Pero binalingan rin ako ni Selena ng atensyon pagkatapos. Seryoso ang mukha. "Pero sabihin mo nga, may ginawa pa ba siya sa'yo nung nag-usap kayo na kayong dalawa lang?"

Nanlaki ang mga mata ni Francy na kanina lang ay hinihimas pa ang parteng binatukan ni Selena at tumingin sa'kin nang may interogasyon.

Agad naman akong umiling bilang pagtanggi. "Hindi! Wala!"

"Sigurado ka, bebe cheese?" Pinaningkitan ako ng mata ni France. Tumango naman ako bilang tugon.

"Wala talaga. Nag-usap lang kami saglit tapos umalis na siya. Saka hindi naman masama si Veronica, eh. Sa katunayan, mabait talaga yun." Paliwanag ko. Ayoko rin na isipin nila na masama ang ugali ni Veronica. Kapatid na ang turing ko dun.

"Hmp. Sabi mo, eh." Humalukipkip si Francy. "Pero ayoko parin yung tinawag niya kaming old-fashioned! Like, excuse me?! Sa ganda kong 'to?" Napairap pa siya sa hangin. Tingin ko sa isip niya, sinasakal niya na si Veronica.

The School's Fairy | BxBDonde viven las historias. Descúbrelo ahora