Thirty - (Let it out)

Start from the beginning
                                    

"Didn't I already tell you to shut the fuck up?! Bingi ka ba o sadyang tanga ka lang talaga at hirap makaintindi ng simpleng salita?!" He snapped while glaring daggers at me and I swear, kung nakakamatay man ang tingin ay siguradong hindi na ako humihinga ngayon.

Ano bang problema ng asungot na 'to? Daig pa ang babae sa bilis ng pagbanago ng mood. Bipolar ka kuys? May mood disorder, ganon?

Bibilib talaga ako sa kung sino mang nilalang na kayang sumabay sa moodswing ng asungot na 'to. Nakakatakot, eh! Pakiramdam ko mayamaya ay bigla na lang siyang maglalabas ng palakol at tatawa ng malakas na parang isang takas sa mental.

Bigla na lang nagbago ang attitude niya. Parang kanina lang ay napakaayos pa ng approach niya sa'kin, hindi siya nagsusuplado at nambubunton ng galit sa iba! Ngayon at balik na naman siya sa pagiging dragon na bumubuga ng apoy!Sabi na nga ba, mas mataas pa ang posibilidad na mabuhay ulit ang mga dinosaur kaysa bumait si Jiro!

"Di ko mapigilan okay? Bakit ba galit na galit ka saken?!" Hindi ko na rin mapigilan ang sarili ko at pinagtaasan na rin siya ng boses.

"Dahil bakla ka!" Balik niyang sigaw.

Aba't...

"Bakit ba galit ka sa mga bakla?!" Salubong ang kilay kong tanong.

Agad akong napaalis sa pagkakasandal sa railing nang makita kong lumapit siya sa'kin. Hindi ko na nga lang nagawang makaatras dahil hinablot niya ang kwelyo ko at hinigit papalapit.

"Dahil sinira ng isang tulad mo ang buhay ko!" Sigaw ni Jiro sa mukha ko. Bakas ang matinding galit sa kaniyang mga mata at halos pumutok na rin ang mga ugat niya sa leeg dahil sa panggigigil.

Dahil sa lapit ng mukha niya sa mukha ko ay naamoy ko ang hininga nang ibuka niya ang kaniyang bibig at doon ko nalaman kung bakit bigla na naman siyang nagbago ng attitude.

Amoy alak.

Wala siya sa wisyo dahil lasing si Jiro.

"Teka..."

Susubukan ko pa sana siyang pakalmahin ngunit tila yata natamaan ko ang sore spot ni Jiro, dahil dun at isama pa na nasa espirito siya ng alak ay nagsimula niyang isigaw lahat ng hinanakit niya.

"Sinira ng baklang kagaya mo ang buhay ko, ang pamilya ko at ang pangarap ko! Winasak niya ang pamilya ko! Alam mo ba kung gaano kasakit 'yon?! Alam mo ba ha?! Nilandi niya si dad, kinuha siya si dad mula sa'min! Unti-unting ring nagbago ang mom ko matapos kaming iwan ni dad! Dahil sa sakit na dinanas niya nagsimula siyang magbago, hanggang sa kinokontrol niya na rin ang buhay ko! Tangina, para akong asong kinadena niya sa leeg. Alam mo ba kung gaano nakakasakal ang kadenang yun, ha?! Pati ang pagtugtog ng piano ipinagbawal niya dahil si dad ang naaalala nya don. Lahat ng 'to, lahat ng kamalasang nangyari sa buhay ko, isang bakla ang may kagagawan! Kaya sa tingin mo, bakit hindi ako magagalit?! Wala ba 'kong karapatang magalit?!"

Natahimik ako, hindi nakapagsalita. Ang tangi ko lang nagawa ay ang mapatitig kay Jiro na kasalukuyang hinahabol ang hininga matapos ang mahabang lintaya niya.

Marahas niya akong binitawan dahilan para muntik na akong matumba, buti na lang at napahawak ako sa railing bago ako lumagapak sa malamig na semento. Pinanuod ko ang pagsalampak ni Jiro sa sahig at pagsabunot niya sa kaniyang buhok.

The School's Fairy | BxBWhere stories live. Discover now