46

13K 131 9
                                    

Halos pagabi na rin nang magising si Jacob. Isa rin sa napansin ko sa kanya ay parang nasanay na 'to matulog buong araw, o mabilis siyang makatulog na. Nang magising siya ay nanumbalik na rin ang lakas niya. Naghintay nga lang ang dalawa na magising siya pero inabot siya ng anim na oras sa pagtulog. Masyadong mahaba 'yon para sa idlip na tulog.

"Gabi na pala." mahinang sabi niya. Inalalayan ko siyang makaupo.

"Tatawagan ko ang secretary ko." sabi niya sa akin. Tumango ako. Mukhang wala siyang dalang cellphone kaya kinuha ko ang phone ko para yun muna ang gamitin niya. May number ako ni Gio sa cellphone ko.

Hiniram niya muna 'yon at tinawagan na ang secretary niya. Hindi na muna ako nakinig dahil baka importanteng bagay ang gusto niyang sabihin kay Gio.

Ang mga bata ay nasa taas at gumagawa ng assignment nila dahil bukas ay may pasok na sila. Ako naman ay pumunta sa kusina para maghanda ng hapunan namin mamaya. Nagsaing na muna ako ng kanin at kumuha ng lulutuin sa ref.

Natigil ako nang marinig ko ang boses ni Jacob. Agad na tumingin ako sa kanya.

"Aalis na ako." sabi niya na agad 'kong ikinailing.

"Hindi ka pa kumakain."

"Sa labas na."

Napabuntong hininga ako. "Jacob." tinignan ko siya at mukhang natakot ito.

"Sige." bumagsak ang balikat ko nang sabihin niya ang salitang 'yon. Tumalikod na siya at bumalik sa sala.

Yun ang huling sinasabi niya pag sumasang ayon siya sa mga sinasabi ko kahit masasakit na yung mga nabitawan sa kanya. I will never forget how he begged for me and all he can say is 'Sige'. I sighed.

Binilisan ko ang pagluluto para makakain na siya dahil wala pa siyang kain buong araw. Nang matapos ako ay tinawag ko ang kambal sa kani kanilang kwarto nila at pinababa na. Si Jacob naman ay pinapunta ko na rin sa dining namin para kumain.

"Gising na po pala kayo Mr. Jacob." sabi ni Jeya. At tumabi sa kanya. Tumabi rin si Cobi kay Jacob. Ako na ang nagsandok sa kanilang tatlo dahil nag uusap sila.

Kumain na rin sila habang nag uusap.

Pinagmasdan ko lang si Jacob at mukhang masaya siyang kumakain katabi ang mga anak niya. Nag uusap sila tungkol sa pag aaral ng mga bata, sa school. Nagtatanong rin sng mga bata kung na saan siya st kung bakit hindi siya dumalaw ng ilang buwan. Tumingin sa akin si Jacob at mukhang hindi niya alam ang idadahilan niya pero tumingin rin ulit siya sa mga bata.

"May inaasikaso lang si Mr. Jacob." yun ang dahilan niya.

"Ano nga po ang inasikaso niyo?" pangungulit ni Jeya.

"Basta."

"Basta? Ano po 'yon?" tanong ni Cobi.

Mukhang nahihirapan na rin si Jacob kaya nakisali na ako sa usapan nila.

"Tama na ang tanong at ubusin niyo na 'yan. May inasikaso si Mr. Jacob at mahalaga ang inasikaso niya, hindi pwedeng sabihin sa mga bata." sabi ko sa kanila. Mukhang naniwala naman sila kaya iba na lang ang tinanong nila.

"Dito ka po ba matutulog Mr. Jacob? Marami po kaming kwarto dito." sabi ni Jeya. Tumingin sa akin si Jacob at alam 'kong hindi niya rin alam ang isasagot niya.

"Hindi ako matu-"

"Dito siya matutulog." pagputol ko sa kanya. Pumalakpak ang si Jeya at mukhang masaya ito.

"Yehey!"

Si Cobi naman ay nakangiti at pumapalakpak din. Tumingin ako kay Jacob at tinanguan na lamang siya. Natapos ang pag kain namin ay nagligpit na ako.

Chasing the Dreams of Love (Stand Alone #1)Where stories live. Discover now