33

17.4K 292 30
                                    

33

"Sabi ko sayo e, bukas makalawa alam ko na ang dahilan. Nagkita kayo ni Troy? Pinag-uusapan ka na naman sa Twitter, alam mo naman ang mga fanatics non, ma-issue. Girlfriend ka daw shuta!" narinig ko na naman ang pang-asar niyang tawa. Nasa China siya at talagang tumawag siya sa akin dahil lang doon.

"Kay Jacob, asawa ka. Tapos kay Troy naman, girlfriend na. Puro false alarms beh!" sabi niya.

"Ewan ko sa 'yo, ang dami mong nalalaman."

"Bilhan na kasi kita ng cellphone nang maka-relate ka naman sa akin. Di mo ba alam na hina-hunting ka na ng mga paparazzi. Mysterious girl na nga ang tawag sayo. At alam mo ba, gigil na naman si Samantha. Gigil yarn, kasura." tumawa ulit siya. Talagang past time niya talaga ay ang chikahan at dinadamay niya pa ako.

"Ano nga pala ang nangyari sa inyo ni Troy?" tanong niya.

"Wala, tinawag niya lang ako. Syempre na-miss ko yung kapatid ko kaya naiyak na ako non. Malay ko ba na marami pala siyang fans at ipinost na naman ako sa Twitter na sinasabi mo."

"Bibilhan na kita ng cellphone dito para alam mo na ang nangyayari sa mga kapatid mo."

"Wag na nga. Hindi ko rin naman kailangan, masasayang lang."

"Hay nako, kj ka talaga. Tatawagin ulit kita bukas, inaantok na ako."

"Oo na, matulog kana." ako na ang nagpatay ng tawag. 3pm pa lang ng tanghali at day off ko ngayon. Susunduin ko ang kambal mamaya.

Tumunog ang cellphone ko at agad na sinagot 'yon. "Kala ko ba matutulog kana?" agad na tanong ko kay Mariela pero walang sumagot.

Agad na tinignan ko kung sinong tumawag at ang number na naman tumawag sa akin nung gabi na hindi ko na maalala kung kailan.

"Ikaw na naman?" sabi ko sa linya. Narinig ko ang buntong hininga.

"It's Jacob." nagulat na lamang ako nang malaman kung sino ang tumatawag na 'yon. Agad na pinatay ko ang tawag pero tumawag lang ulit siya.

Paulit ulit 'kong pinapatay ang tawag pero paulit ulit din siyang natawag kaya sinagot ko na dahil naririndi na ako.

"Paano mo nalaman ang number ko?" agad na tanong ko sa kanya.

"You called your number using my phone, Niya." sabi niya. Agad na napasampal ako sa sarili ko dahil sa katangahan.

"Anong kailangan mo?" mahinahon 'kong tanong. Ayoko na sabihin niya na sinusungutan ko siya dahil wala namang rason para sungitan ko siya. Nakamove on na rin ako.

"Who's kuya Wil?" hindi ko alam kung matatawa ba ako o maiinis ako dahil tinawagan niya ako para itanong kung sino si Kuya Wil, nakakaasar.

"Tumawag ka dahil lang doon? I-search mo ang pangalan ni kuya Wil sa google nang malaman mo." narinig ko ang pagtawa. Anong nakakatawa doon? Mukha ba akong natutuwa?

"Where do you live?" tanong niya naman.

Agad na kumunot ang noo ko. "Bakit mo tinatanong?"

Hinintay ko ang sagot niya at ilang segundo bago siya makasagot. "Nothing, I just want to know, you're not in your family's house." sabi niya. At paano niya nalaman?

"Bakit mo tinatanong?" ulit na tanong ko sa kanya.

"Why aren't you there in their house? Ate Fely said you left years ago." sabi niya. Mukhang gusto niyang malaman ang nangyari noon. Pero wala ng sapat na dahilan para sabihin ko sa kanya dahil tapos na kami.

"Ano bang gusto mong malaman Jacob? Deretsuhin mo na ako."

Naging tahimik ang linya niya. Tignan mo 'to, tinatanong ko siya pero hindi naman sumasagot.

Chasing the Dreams of Love (Stand Alone #1)Where stories live. Discover now