40

23.7K 323 52
                                    

40

"Hindi nga kami pupunta dahil hindi kami sanay sa ganoong event. At ibabalandra mo 'yang pagmumukha mo? Anong sasabihin ng iba? Tapos pag kinuyog ka na naman ng media, idedeny mo na naman ba ganon?" naiinis na sabi ko sa kanya dahil panay pilit niya na pumunta kami sa family day.

Maraming tao sa event na 'yon at marami rin ang nakakakilala sa kanya. Nakakainis dahil ang reckless niya gumalaw pero hindi niya naman alam kung ano ba ang kahihinatnan ng magiging galaw niya. Sige na lang siya nang sige pero hindi na iniisip kung ano ang magiging epekto sa amin.

"I-i will disguise." sabi niya pa na mas lalong kinainis niya. Hindi niya talaga maintindihan kasi wala siya sa posisyon namin.

"Ano ba ang hindi mo maintindihan Jacob? Napapagod na ako kaka-explain sa 'yo. Sobrang kulit mo, naka ilang explain na ako pero hindi mo pa rin naiintindihan."

"Gusto ko lang sumaya yung kambal." mahinang sabi niya. Tumawa ako.

"How will they be happy when they hate that event, Jacob! They never liked family event, ang alam nila, hindi masaya yung ganong event. Kasi yung iba masaya, sila hindi. So paano mo masasabi na sasaya sila e ayaw nila sa event na 'yon? I tried to persuade them, kasama naman si Kuya Mat but they were the one who personally refused!" napahawak na lang ako sa sintido ko dahil sumasakit na ang ulo ko. Talagang hindi niya maintindihan.

"Lahat ng mga gusto mong mangyari, hindi ganon kadali 'yon. Bata pa lang mga anak ko, tinanggap na nila na wala silang tatay dahil wala akong maipakita sa kanila na tatay nila. Tapos pupunta ko dito, sasabihin na tatay ka nila, sa tingin mo ganon kadali?" doon na nanlambot ang ekpresyon siya. Alam 'kong nahihirapan na rin siya pero mas nahihirapan ako. Sobra.

Ayokong ipagdamot yung mga anak ko pero binibigyan niya ako ng dahilan. He failed to protect my privacy, paano pa yung mga anak ko? Na tahimik ang buhay at magugulo lang dahil sa kanya.

"Gusto mo ba makasama yung kambal? Hahayaan kitang ipapakilala yung sarili mo sa kanila, bibigyan kita ng araw na makasama sila. Dalhin mo sila sa lugar mo, o kung ano man gusto mo, papayagan kita. Hindi ako makikisali sa mga gusto mong gawin dahil pagbali-baliktarin man ang mundo, ikaw pa rin ang ama nila."

"Bakit sila lang? Paano ikaw?" tanong niya. Umiling lang ako.

"Sila lang ang kadugo mo, hindi ako kasama doon. Ako lang ay nanay ng mga anak mo, yun lang 'yon."

"Exactly. You are their mother, why are you excluding yourself?"

"Bakit Jacob? Kailangan ba? Hindi. Hindi na kailangan. Yung role ko sa mga anak ko, alam ko 'yon. Kaya nga binibigyan kita ng oras na kasama sila."

"You really don't understand it, Niya. Damn it. I want you and our children to get back in my arms again. I want this family to be fix. I fvcking want to marry you." doon na ako natahimik sa sinabi niya.

"I want to marry to fix this family and to give our children a complete family, that's what I want to do, Niya. Because you're being selfish for not wanting this family to be complete. Lagi mo akong tinutulak, lagi mong iniisip yung sarili mo, but how aboyt your kids? Don't you think our kids, do not want a complete family?" and yeah, he bursted out.

He really thinks of me being selfish for protecting my self. Selfish na pala 'yon. Tinutulak ko siya palayo? Because he's hurting me. He gave me big trauma, and I am trying to be nice. Pero he's giving me reason to push him away. For the years I sacrificed, sasabihin niya, sobrang selfish ko?

Tumango ako at ngumiti. "Okay, ikaw ang masusunod. Pero wag muna ngayong araw, sa iba na lang." pakiusap ko sa kanya. Halos nawalan na ako ng lakas, parang gusto ko na lang bumagsak sa sahig.

Chasing the Dreams of Love (Stand Alone #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon