20

20.2K 269 3
                                    

20

"Ahh." ungol ko nang maramdaman ang pagsakit ng ulo ko pati na rin ang katawan ko. Parang alam ko na agad kung ano ang nararamdaman ko ngayon. Tama nga si Troy.

Parang binibiyak ang ulo ko sa sakit non. Agad na pinatay ko ang aircon dahil sa sobrang lamig. Kinuha ko ang aking cellphone para tignan ang oras at 7am pa lang ng umaga.

Bakit ngayon pa na wala sila Tessa? Si Tessa ang madalas na nag-aalaga sa akin pag nagkakasakit ako. Nakakaasar naman at ngayon pa ako nagkasakit.

Dahan-dahan akong bumangon at hindi lang pananakit ng ulo ang nararamdaman ko kung hindi ay nahihilo rin ako. Parang gusto ko na magwala sa inis.

Bumalik ulit ako sa pagkakahiga dahil parang umiikot ang mundo ko dahil sa pagkahilo. Nagtipa ako ng message kay Ate Fely na puntahan ako sa kwarto para bigyan ako ng pagkain dahil nagugutom rin ako at hindi ako nakakain kahapon.

Nagpapasalamat ako na nabasa agad 'yon ni Ate Fely at agad na pumunta sa kwarto ko na may dalang pagkain.

"Kukuhaan kita ng gamot ah!" sabi ni Ate Fely na ikinailing ko.

"Okay lang po Ate, kakain na lang po ako." tumango na lamang siya. Maraming pagkain ang dinala niya na labis 'kong ikinatuwa.

Iniwan niya muna ako para makakain ako. Agad na kumain ako at kahit papaano ay nawala ang pag-iisip ko na tinatrangkaso ako ngayon. Kahit masakit ang ulo at nahihilo ay pinilit 'kong kumain.

Tinext ko ulit si Ate Fe na puntahan ako sa kwarto dahil tapos na rin ako kumain. Dinalhan niya rin ako ng tubig.

"Thank you Ate, magpapahinga na lang po muna ako." sabi ko sa kanya na ikinatango niya.

Umalis na si Ate Fely at sumandal na lang muna ako sa headboard ng kama ko dahill hindi naman ako pwede na humiga agad pagkatapos kumain. Kinuha ko ang cellphone ko para tignan ang messenger ko kung may message ba.

Buti na lang ay wala kaming practice ngayon dahil ayoko namang mahuli sa mga ipa-practice ng mga kaklase ko. Mahirap ang makahabol pag marami na ang nagawa nilang sayaw.

Nakita ko ang chat sa akin ni Jacob kaninang 4am. Hindi ko alam kung bakit gising pa rin siya sa ganoong oras.

Jacob Fabrosa
Tawagan mo ako pag gising ka na :D

Bakit na naman aba gusto niyang tawagan ko siya? Hindi ko muna siya tinawagan at binuksan ang aking facebook na madalas ko lang gamitin. Huling post ko po ata ay last 3 months.

Nakita ko na lamang na may isa akong friend request. Pamilyar ang kanyang pangalan at isa lang naman ang kilala ko na may ganoong pangalan.

"Lucas."

Tinignan ko na lang ang profile para makasigurado kung siya ba 'yon. Hindi rin naman kasi ako naga-accept ng taong hindi ko kakilala. Nang masigurado na si Lucas nga na Marine student 'yon ay inaccepyt ko na rin dahil kilala ko naman siya.

In-exit ko ang facebook at tinawagan si Jacob. Naka-tatlong tawag ako bago niya sagutin 'yon.

"Ang aga ko namang magising." reklamo niya sa akin.

"Ikaw 'tong inuutusan ako na tawagan ka pag gising ko tapos ikaw 'tong magrereklamo."

"Bakit ganyang yang boses mo?"

"Ano bang meron sa boses ko?"

"Para kang may sakit."

"Ah, masakit kasi ulo ko. Tinatrangkaso ata ako. Nagpaulan pa kasi 'e." tumawa pa ako kahit na nanghihina ako.

"Hintayin mo ako diyan." pinatay niya na agad yung tawag. Ano daw?

Tinext ko siya agad at tinanong kung ano ang ibig sabihin niya pero hindi naman agad siya nagreply kay hindi ko na rin pinansin ang sinabi nya.

Chasing the Dreams of Love (Stand Alone #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon