36

19.4K 293 45
                                    

36

Tinawagan ko agad si Jacob nang matapos na ang trabaho ko. Medyo matagal pa nga bago niya sinagot.

"Nakauwi na ang kambal?" agad na tanong ko.

"Yeah, they're sleeping. Are you done? I'll pick you up." parang antok ang boses niya at kakagaling lang sa tulog.

"Hindi na, ako na ang bahala, nandyan ka ba sa bahay?"

"Hmm."

Mukhang doon na natulog. Pinatay ko na ang tawag para makauwi na rin ako. Mga 30 minutes lang ang naging byahe ko at nakauwi na ako sa bahay. Nilapag ko ang mga gamit ko sa sala at pumasok sa kwarto ng kambal.

"You're here?" hindi ko mapigilang mapangiti nang makita ang antok na antok na si Jacob at parang napagod sa dalawa.

Tulog na ang kambal, at nasa gilid siya nakaupo lang at nakasandal sa pader na parang binabantayan ang kambal, at the same time ay inaantay rin ako. Nakasuot siya ng suit na nakasapatos pa rin siya.

Tumango at lumapit sa kanila. Chineck ko ang kambal at mukhang naligo rin ang dalawa bago matulog, mabuti naman at alam na nila ang gagawin nila.

"Kumain kana?" tanong niya at tumayo. Tinignan niya ako. Umiling ako dahil hindi pa ako kumakain.

Nag-inat siya ng katawan at muling tinignan ako. "Kain tayo sa labas." sabi niya. Tinignan ko lang siya at hindi ko mawari ang kanyang iniisip.

"Bakit? May pagkain dito sa bahay." sagot ko. Tinignan niya lang ako pero mukhang hindi niya naman pinakinggan ang sinabi ko.

"Di ka pa ba kumakain? Kung gusto mo kumain sa labas, kumain ka."

Hinila niya ang braso ko palabas ng kwarto ng kambal. Siya na ang nagsarado ng pinto. Hinila niya ako palabas ng bahay at nilock niya rin yung pinto.

"Tsk, may pagkain nga dito sa bahay at yun ang kakainin ko." pagpupumilit ko sa kanya. Pero ang alam ko na lang ay naipasok niya na ako sa kotse niya.

"Ang kulit mo Jacob, nakakainis ka." reklamo ko sa kanya. Habang siya ay deretso lang ang tingin sa kalsada.

"Mas makulit ka." sagot niya. Napairap na lang ako sa inis. Sinandal ko ang likod ko sa seat ng kotse niya.

Sa harap ng convenience store siya nagpark. Lumabas na rin ako dahil lumabas na rin siya ng kotse. Mukhang dito kami kakain dahil yun na lang rin ang bukas.

Hinawakan niya ang kamay ko papasok sa convenience store perp agad na sinampal ko ang kamay at binitawan ko ang kamay niya. Ngumisi siya at pinauna na lang ako pumasok sa loob.

Pumasok na rin siya at pumunta sa section ng mga pagkain na ready to eat pero need i-microwave. Siya na ang pumili nang kakainin namin kaya umupo na lang ako sa upuan para doon siya hintayin.

Marami siyang binili at hindi ko alam kung ano 'yon. Hinayaan ko na siya. Umupo siya sa harapan ko at ipinatanong niya siko niya sa table at yung baba niya sa mga kamay niya at tumingin sa akin.

Kumunot ang noo ko dahil hindi ko malaman ang trip niya. Pumikit siya at ngumiti. Mukhang inaantok ang damuho.

"Pwede ba ako matulog ulit sa inyo?" tanong niya habang nakapikit.

"Wala ka ng space sa bahay." sagot ko.

Dumilat siya at tumingin sa akin. "Tabi tayo sa kwarto mo." sabi niya at ngumiti. Sinampal ko siya nang mahina sa pisngi kaya doon na siya natawa.

"Please?" nagpaawa pa siya at hindi naman umubra. Ako na ang kumuha ng pagkain namin sa counter.

"Si Jacob Fabrosa po ba yung kasama nyo?" halatang gulat nga ang boses niya. Tumango ako at ngumiti.

Chasing the Dreams of Love (Stand Alone #1)Where stories live. Discover now