08

26.8K 403 38
                                    

08

3 days na kaming gumagawa and Chen was right. We can do it in one week. Halos nasa kalahati na kami agad sa project. After ng group work namin sa bahay nila, minsan ay siya na halos ang nagtutuloy at umaabot rin siya sa gabi.

Hindi rin siya nagrereklamo dahil nga ay parang hindi rin naman siya nahihirapan at madali lang sa kanya. Minsan ay nagsasabi siya sa Father niya at binibigyan siya ng tips. Halos napadali na rin ang gawain naming lahat na dati ay parang ito pa ang nightmare namin.

Ngayon ay wala kaming major subject at nakapag-relax relax din kami. Absent rin si Chen ngayon at hindi ko alam kung ano ang reason. Hindi siya nagtext man lang kaya ang palagay ko ay siguro dahil busy siya.

"Kakain ka?" tanong sa akin ni Jacob nang matapos ang pangalawang klase namin.

"Lilibre mo kami?" tanong ni Yell at kumapit sa aking braso.

Tatango na sana si Jacob nang kumontra na ako. "Ako naman ang manlilibre." sabi ko sa kanila.

Nakita 'kong napangiti si Jacob at inakbayan ako. "Yan ang gusto ko sa 'yo." napangiti ako. Sabay kaming pumunta sa canteen habang si Jacob ay naka-akbay sa akin at si Mariela naman ay nakasukbit sa braso ko.

Naki-libre na rin si Mark dahil nga narinig niya kay Yell na manlilibre ako. Si Kalvin naman ay wala dahil may duties as the President of the class.

"Bilhin mo 'to, mag-dalawang kanin ka nang tumaba ka naman. Tapos 'eto gulay." si Jacob na ang namili ng kakainin ko, kinuha niya na rin yung pera ko at siya na ang nagbayad.

"Ang dami mong binili." sinamaan ko siya ng tingin at ibinalik ang tingin sa mga pagkain na binili niya.

"Susubuan pa ba kita o kakainin mo 'yan?" tanong niya. Nagsigawan ang mga kaklase ko na katabi namin. Gusto ko na magpalamon sa lupa dahil ayan na naman ang tuksu nila. Tapos nasa public pa kami.

"Ang sweet naman." asar ni Yell. Bumibilis ang tibok ng puso ko dahil ganito ang lagi 'kong pakiramdam pag tinutukso kaming dalawa.

"Ligawan mo na kasi Jacob." nang-aasar na sabi ni Cedric na mas lalong ikinainit ng pisngi ko. Ano bang trip nila ngayon? Nakakaasar.

Tumabi sa akin si Jacob. "Kumain kana, wag mo silang pansinin." halos hindi na ako makagalaw dahil na sa kanila ang atensyon namin. Parang gusto ko na lang umalis doon.

"Tumigil na nga kayo, kukutusan ko kayo diyan." kahit papaano ay nabawasan na ang ingay. Nagsimula na akong kumain nang tahimik lang.

"Sorry." rinig 'kong sabi. Tumango lang ako. "Ayos lang. Ayoko lang na tinutukso tayo. Hindi magandang tignan. May girlfriend ka at pag nalaman niya na ganto, magagalit siya." mahinang sabi ko sa kanya.

"Dahil rin ba kay Chen?" tanong niya sa akin. Hindi ko alam kung anong gusto niyang palabasin.

"Hindi, hindi ganoon. May girlfriend ka Jacob, hindi pwede na ganito." mariin 'kong sabi sa kanya. Ayoko na dahil lang dito ay masira ang relasyon nila.

Narinig ko ang malalim niyang paghinga. Hindi na siya nagsalita at kumain na lang. Kumain na rin ako. Kahit alam 'kong nawala na siya sa mood ay naglagay ako ng pagkain sa plato niya.

"Lilibre kita ng ice cream mamaya, wag ka nang magalit." narinig ko ulit ang malalim niyang paghinga na parang nagtitimpi siya na makagawa ng action.

Tumayo na lang siya at umalis sa table.

"Huy anong nangyari?" tanong ni Nicole na nauna sa pang-aasar kanina.

"Hala lagot!" malakas na sigaw ni Mark. "Ayan, asar pa kayo hah!" nagsisihan ang lahat sa mga nanukso kanina at ako ay wala nang nagawa kundi manahimik na lang.

Chasing the Dreams of Love (Stand Alone #1)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu