39

20.7K 283 65
                                    

39

"Mr. Jacob?" masayang tumakbo si Jeya papasok ng bahay nila para yakapin si Jacob. Si Cobi naman ay pumasok lang sa bahay at tinignan si Jacob.

Dalawang oras na ang nakalipas mula nang sabihin siya ni Niya na wag guluhin si Niya dahil magpapahinga ito kaya naghintay na lamang siya. Nawala ang pagkaburyo niya nang makita ang mga anak. Binuhat niya si Jeya at nilagay ito sa kandungan niya. Hinalikan niya si Jeya sa ulo.

"Sabi ni Mama hindi na daw po kayo dadalaw kasi busy na raw po kayo eh." sabi ni Jeya. Hindi rin niya masisisi si Niya, ilang araw siyang nawala. May nangyari pa na hindi inaasahan.

"Sabi po ng teacher ko ang swerte daw po namin kasi nakasama daw po namin ikaw, sabi po nga po nila ikaw daw ang papa po namin kaso sabi din ni teacher hindi kasi sabi nyo daw po. Sayang, okay po sana kung kayo ang tatay namin." humagikgik si Jeya.

"Wala tayong tatay, Jeya. At imposible si Mr. Jacob ang tatay natin, kasi mabait sya. Ang tatay natin ay hindi mabait, sinaktan niya nga si nanay eh." sabi naman ni Cobi.

"Sabagay, bad talaga ang tatay natin. Hindi nga tayo binibilhan ng laruan eh tsaka ng tinapay." sabi ni Jeya.

Habang naririnig niya ang mga reklamo ng anak ay gusto niya na lang umiyak. Hindi siya makapagsalita dahil nahihiya siya sa dalawa. Ipinanlandakan niya sa buong mundo at itinanggi na hindi niya anak ang kambal. Pag nalaman nila na ginawa 'yon ng tatay nila ag panigurado masasaktan ang dalawa. Nahihiya siya at naiinis sa sarili dahil napakairesponsable niyang tatay sa kanila.

"Hay, family day na naman bukas." bumaba si Jeya mula sa kandugan ni Jacob at tumabi kay Cobi.

"Family day?" hindi maiwasang tanungin ni Jacob ang sinabi ni Jeya.

Tumango si Jeya. "May family day po bukas pero di po kami sumasama eh kasi po kulang po kami, wala rin po si Tito Mateo, may work lagi, pwede sana siya kasi lalaki po siya. Wala rin kami iba pang Tito, si Tito Mat lang." sabi ni Jeya. Bakas sa mga mukha nila ang lungkot.

"G-gusto niyo bang pumunta bukas?" tanong ni Jacob. Umiling lang ang dalawa.

"Ayaw na rin po namin pumunta family day, di naman po masaya." sabi ulit ni Jeya. Natahimik na lang rin si Jacob. Napakaraming tumatakbo sa isip niya.

Sobra siyang nasasaktan sa pinagdadaanan ng mga anak niya, ang dami niyang pwedeng magawa pero bakit pakiramdam niya ay wala siyang magawa, na wala siyang karapatan para gawin ang makakapagpasaya sa mga anak niya.

Lumabas ang inaantok na si Niya mula sa kwarto, tumingin siya sa kambal. "Jeya, Cobi, hingi kayo kay nanay ng malunggay." utos nito sa kanilang dalawa. Tumango ang dalawa lumabas na ng bahay para pumunta sa kanilang lolo at lola.

Pumunta si Niya sa kusina para magsaing ng bigas. Kinuha niya rin ang mga ingredients sa ref para sa tinola.

"Niya." doon na tinawag ni Jacob si Niya. Pero hindi siya pinansin ni Niya at pinagpatuloy lang ang ginagawa. Hindi sa ayaw ni Niya pansinin si Jacob, pero para saan pa ba? Bakit nandito na naman siya at ginugulo sila?

...

TINAKPAN ko na yung niluluto ko hihintayin na lang lumambot yung papaya.

"Andito na kami Mama." narinig ko ang boses ni Jeya. Pumasok na silang dalawa sa bahay at iniabot sa akin ang isang supot ng malunggay na nakahimay na. Napangiti ako.

"Nagpasalamat ba kayo kina lola nyo?" tanong ko sa kanila. Tumango sila at ngumiti.

"Opo 'nay, tsaka pinakain nya po kami turon, punta daw po kayo don kung gusto nyo daw." humagikgik si Jeya. Yun kasi ang style ni nanay para papuntahin ako sa kanila.

Chasing the Dreams of Love (Stand Alone #1)Where stories live. Discover now