37

19.2K 292 31
                                    

37

"Gusto nyo rin po ng milo?" tanong ni Jeya kay Jacob. Tumango si Jacob at ngumiti at tumingin sa akin. Wala na rin akong nagawa at pinagtimplahan siya ng Milo. Masaya niyang tinanggap 'yon at tumabi kay Jeya na nakaupo ngayon sa upuan na mahaba.

Si Jeya na ang nagbibigay sa kanya ng pandesal at nilalagyan ng palaman na peanut butter. Nag-uusap silang dalawa at nakisali na rin si Cobi na tumabi kay Cobi.

Pinanood ko na lang sila dahil para silang may sariling mundo. Tumunog ang cellphone ko at nakita ko na si Mariela ang tumatawag. Agad na sinagot ko 'yon at.

"Punta ako diyan ah, bye." agad na pinatay niya ang tawag pagkatapos niyang sabihin 'yon. Nandito siya?

"Anong ginagawa mo ditong damuho ka?!" narinig ko na lang ang boses ni Mariela na ngayon ay nakatayo sa pintuan at nakatingin kay Jacob.

Ang kambal naman ay agad na lumapit kay Mariela at niyakap siya. "Tita, may pasalubong?" tumango si Mariela at ibinigay ang supot sa kambal. Nakatingin pa rin siya kay Jacob at masama ang tingin niya.

"Anong karapatan mong pumunta dito?" lumapit si Mariela kay Jacob, naniningkit ang mga mata ni Mariela, sa akin naman siya tumingin at ganon din ang tingin niya sa akin.

"Wala akong kasalanan." 'yon agad ang sinabi ko sa kanya pero parang hindi naman 'to naniwala.

"Magkakilala kayo Tita?" tanong ni Jeya. Agad na umiling si Mariela. Sinamaan lang ni Mariela ng tingin si Jacob at lumapit na sa akin. Si Jacob naman ay nakatingin lang rin sa akin.

"So you knew and you didn't bother to tell me?" tanong ni Jacob.

Tumawa si Mariela. "Am i dumb to tell you? You didn't even asked for her."

"But I have a right to know it, i'm the father of her children, for god sake, Mariela!"

"Really? You just realized it after 6 years huh."

Agad na inawat ko sila dahil hindi maganda na mag-aaway sila sa harapan pa ng kambal. Ang dalawa naman ay nagtataka lang at walang maintindihan pero dalawa sila ay tahimik lang.

Wala na nagsalita sa amin at pinatapos ko na lang sila sa pag kain ng pandesal. Si Mariela ay pumunta muna sa kwarto kasama ang kambal at ako naman ay nilapitan si Jacob na nanahimik lang.

"Ako na magso-sorry sa pag-aaway nyo ni Mariela. Siguro ay nagulat lang siya na nandito ka." nakayuko lang siya at mukhang ayaw rin naman ako harapin kaya tinapik ko na lang siya sa balikat.

"Kung nagagalit ka sa akin na hindi ko sinabi sa 'yo, sige magalit ka lang. Pero sana maintindihan mo rin na ginawa ko 'yon para maabot mo 'yang pangarap at hindi ako nagsisisi na hindi ko sinabi sa 'yo. Isa pa ayoko na kami pa ang maging hadlang ng mga anak mo. Ayoko na ikulong kita sa akin non kasi unang palang ikaw na bumitaw at tinanggap ko 'yon."

"Do you think I am happy for what I achieve today?" mahinang tanong niya.

Nagkibit-balikat lang ako. "Hindi ko alam. Pero bakit ka hindi magiging masaya e pinaghirapan mo 'yan. Kung tutuusin nga, sa lahat sa atin, ikaw ang pinaka-successful. Sila Mark na IT sa mga companies, masaya na pero bakit ikaw kinukwestyon mo kung masaya ka ba sa posisyon mo o hindi?" hindi siya nagsalita.

Napabuntong-hininga na lamang ako. "Papayagan kita na maging tatay sa mga anak natin, ipakilala mo siya sa mga magulang mo, or kay ate Tanya, sa mga kaibigan mo, kay Sam o kahit na sinong gusto mo. Basta lang ay hindi mo sila kukunin sa akin dahil lang sa hindi ko maibigay ang mga kayang ibigay mo sa kanila. Na aakuin mo lahat ang gastos sa kambal. Nagtatrabaho din ako kaya ko din naman maibigay ang gusto nila."

Chasing the Dreams of Love (Stand Alone #1)Where stories live. Discover now