43

20.1K 248 17
                                    

"Nagi-guilty ako shuta naman. Malay ko bang si kuya bumugbog kay Jacob? Okay lang sana kumg hinayaan niya mag drive o binara niya ako pero nginitian pa niya ako kanina! Mamaya maaksidente 'yon sa daan, halata namang walang lakas 'yon." hindi na nga rin mapakali si Mariela gaya ko. Pero alam ko na nasa wisyo si Jacob nang mag drive siya.

Nag-sorry sa akin si Kuya Mat na napuruhan niya si Jacob pero wala na rin akong magagawa dahil natanggap na ni Jacob ang mga suntok niya.

Gusto niyang puntahan si Jacob pero hindi niya alam kung papaano. Tinawagan niya si Jacob pero hindi rin ito sumasagot at cannot be reached.

"Mukhang okay naman ata siya, hayaan mo na. Ano ba ang pinag awayan nyo? Pinatigil mo na? Diba dalawang linggo na nanggugulo 'yon sayo? Nairita kana?" tanong niya.

"E sabi mo galit rin mga anak nyo sa kanya, o e saan na siya lulugar? Dapat diniretsa mo na lang siya na ayaw mo siyang maging ama ng mga anak mo at ayaw mo na rin siya pero matapos na. Hindi yung umabot pa kayo sa bugbugan. Kawawa tuloy si Jacob pero hindi ibig sabihin sa kanya ako kakampi ha, deserve niya naman ng kaunti 'yon."

Napabuntong hininga ako. Hindi na sana umabot sa ganon. Gusto 'kong tumigil na siya dahil napapabayaan na niya ang sarili niya, yun ang gusto 'kong iparating sa kanya pero mali ang nasabi ko. Hindi siya nakikinig sa akin, hindi niya na iniisip ang sarili niya, puro kami ang nasa utak niya. Paano niya magagawa ang mga gusto niyang gawin kung hindi niya binubuo yung sarili niya? Doon ako napapagod dahil paulit ulit na lang. Hindi na nagiging maayos ang takbo ng buhay naming lahat.

Ilang araw ang nagdaan ay hindi siya pumunta dito. Naiintindihan ko 'yon at alam 'kong nagpapahingab siya at tama lang 'yon. Magfocus muna siya sa sarili niya bago niya ibuhos ang lakas niya sa mga bata. Hangga't hindi niya naibabalik ang lakas niya ay hindi ko muna palalapitin sa mga bata. Kaya ko silang alagaan muna mag isa. Mag focus siya sa sarili niya.

Bumabalik ako sa trabaho pero araw-araw ay may natatanggap kami sa bahay na mga gamit. Mga gamit na wala kami pero magagamit namin. Kahit hindi ko alamin kung sino ang nagbigay ay alam ko na agad kung sino 'yon.

Ang dami niyang binibigay dito pero hindi naman siya ang personal na nagbibigay. Ano ang silbi non?

Nagdaan ang ilan pang araw ay kinukulit na ako ng dalawa na papuntahin si Jacob dahil gusto nila humingi ng tawad sa inakto nila. Inexplain sa kanila ni Kuya Mat na walang kasalanan si Jacob dahil siya ang nagprovoke dito para maunang manuntok sa kanya. Galit na galit ako nang malaman ko 'yon pero humingi rin ng tawad si kuya Mat.

Kaya ngayon ay kinukulit na ako ng dalawa na papuntahin si Jacob pero wala rin akong magawa dahil naka ilang tawag na ako kay Jacob ay wala namang sumasagot at nakapatay pa rin ang cellphone. Halos isang linggo na ay wala akong balita kay Jacob.

Nasakto sa day off ko ay may pumunta sa bahay. Nagpakilala itong secretary ni Jacob. Lalaki 'yon at halatang professional. Marami siyang binigay sa akin including cellphone at isazang black card. Sinasabi nito na pwede akong mag withdraw ng pera kahit kailan ko gusto gamit lang 'yon. Marami siyang itinuro sa akin at naguguluhan pa rin ako kung bakit ganito ang nangyayari.

Umalis na rin ito at wala akong nakuha ni isang balita kay Jacob.

Nagdaan ang dalawa pang linggo ay hindi pa rin siya nagpapakita. Hindi ko alam kung ayaw niya nang magpakatatay sa mga anak ko, o sinunod niya ang sinabi ko na tumigil na siya. Hindi ko sinabing tumigil siya sa mga anak ko, sinabi ko lang na tumigil siya sa akin, yun ang ibig sabihin ko. Ilang araw, linggo ma naghihintay ang mga anak ko sa kanya pero hindi pa rin siya nagpapakita.

Tumawag sa akin si Mariela. "Naaksidente si Jacob nung gabing umalis siya noon. Ngayon lang nabalita. Sorry Niya, sorry. Dapat hindi ko siya hinayaan na magdrive non! Sorry." narinig ko ang pag iyak niya.

Chasing the Dreams of Love (Stand Alone #1)Where stories live. Discover now