19

19.6K 279 21
                                    

19

Napatakbo na kami ni Mariela dahil naabutan kami ng ulan at sobrang lakas, wala kaming payong. Hindi rin naman namin alam na babagsak ang ulan dahil kanina ay maaraw naman. Galing pa kami sa 7-eleven na pagkalayo-layo.

"Wag ka na nga tumakbo, basa na rin naman tayo 'e." natatawang sabi ni Mariela. Hinihingal na rin ako kaya hindi na kami tumakbo. Nasa kalagitnaan pa lang kami ng stadium ng UMak at konting kembot pa.

Tumawid na agad kami bago makarating sa main gate dahil panigurado ay kakailanganin pa naming umakyat ng overpass. Pumasok na kami sa Makati Park at hinanap ang mga kaklase namin.

Nandoon sila sa gitna na parang may space siya at malaki ang silungan.

"Hoy bakit kayo nagpaulan?" tanong ni Adi, ang vice president namin.

"Kasi umuulan?" pilosopong sabi ni Mariela.

"Bakit kayo sumugod sa ulan e alam nyo namang umuulan?"

"Siguro kasi may payong kami kaya sumugod kami sa ulan kaya ayon nabasa kami kasi nga may payong kami." sagot ni Mariela.

Lumapit sa akin si Jacob na parang alam niya na ang nangyari sa amin ni Mariela. Sa kanya kasi kami nagpaalam kanina, pinahiram niya sa amin yung payong niya pero hindi na namin kinuha dahil nga hindi naman masyadong mainit kanina.

"Anong sinabi ko sa inyo kanina?" sabi niya na parang nanenermon sa mga anak niya, na hindi nakinig sa kanya.

"Kami ba ang ulap?" asar na sabi ni Mariela. Nabasa na nga kami at 'eto siya na sinesermonan pa kami.

Kinuha ni Jacob ang bag niya at may nilabas siya damit doon. Kinuha niya rin ang bag ko dahil may towel doon. Nilabas niya ang towel ko sa bag ko at binigay 'yon sa akin.

"Magpunas ka." utos niya. Pinahiram na din ng iba naming kaklase si Mariela ng towel para mapunasan ang katawan niya.

Hindi rin sapat dahil basang basa kaming dalawa. Dahil wala ring tigil ang ulan, nagdesisyon na rin si Kalvin na umuwi na kami at sa Monday na lang magsimula. Hindi rin pwede bukas dahil meron sa amin ang may prior commitments sa araw na 'yon.

"Kalvin, may extrang damit ka ba dyan?" tanong ni Jacob kay Kalvin. Tuango lang si Kalvin at kinuha ang damit niya sa bag.

"Wag na, may damit ako. Si Niya lang naman ang wala." sabi niya na tinanggihan na rin ang damit ni Kalvin.

Wala na rin namang nagawa si Kalvin at itinago na lang ang damit sa bag. Pumunta kami ni Mariela sa CR at para man lang makapagpalit ng damit.

Mabilis kaming nagpalit dahil nagsisiuwian na ang lahat at ayaw naming mahuli. Tumakbo na kami ulit habang nakapayong. Kinuha ko na ang bag ko at isinukbit iyon sa likod ko.

Hindi pala uuwi muna ang iba at pupunta sa bahay kung saan sila gagawa ng project. Mabuti na lamang ay tapos na kami.

"I'll give you a ride Niya." sabi ni Chen. Agad akong tumango dahil malapit lang naman ako sa kanya. Napansin 'kong nagkatitigan ang dalawa.

"Ako din, ihatid mo ako." sabi ni Jacob.

Tumawa si Chen. "Did I ask you?" tanong niya.

Lihim akong natawa na pero napansin 'yon ni Jacob kaya itinigil ko ang pagtawa ko.

"Kailangan ko ba ng permiso mo kung gusto 'kong magpahatid o hindi?" mayabang na sabi ni Jacob.

Hindi pinansin ni Chen si Jacob. Halos lahat ay nagsialisan na sa Makati Park at kanya kanyang payong ang lahat. Sumabay na rin si Mariela sa kaparehas nyang ruta.

Chasing the Dreams of Love (Stand Alone #1)Where stories live. Discover now