06

26.8K 452 8
                                    

06

"Introduce yourself." sabi ni Sir Dantes sa transferee student. Lahat kami ay nasa kanya ang atensyon. Bukod kasi na matangkad siya ay halatang may lahi din ito.

"Hi, my name is Chen Huang." ayon pa lang ang sinasabi ni Chen pero tumili na ng malakas si Mariela. Agad na sinaway ko siya dahil na-interrupt niya ang pagpapakilala ni Chen.

"Yan yung kasama mo sa picture diba? Yung maraming followers?! Shuta!" halos hindi siya makapaniwala. Para siyang mawawala na sa ulirat dahil nga si Chen nga ang transferee na nagpapakilala sa ami ngayon.

"You can call me Chen, and I have no nickname. I am a pure chinese but I can understand Filipino so feel free to talk to me in your language. That's all." pumalakpak ng malakas si Mariela. Gusto ko na siyang posasan dahil sa sobrang ligalig niya.

"Why did you transfer here?" tanong ni Sir. Tumingin siya sa akin at tinignan ko din siya. Kinunutan ko siya ng noo at tumawa siya ng mahina.

"This school is beautiful." yun lang ang sagot niya. Talagang yun lang talaga ang isasagot niya?

"That's right. Maganda ang school na 'to at welcome na welcome ang mga students kahit saan bansa ka pa nanggaling. Thank you Mr. Huang, you may now sit."

"Chen! Dito! May bakante pa!" sigaw ni Yell at tinuro ang katabing upuan ko. Sa isang set ng upuan, may tatlong upuan at magkakadikit na 'yon. Nasa gitna ako at nasa kaliwa ko si Yell at nasa kanan naman ang bakanteng upuan.

"You can sit beside Roheinea." sabi ni Sir Dantes.

Naglakad na si Chen palapit sa pwesto namin at umupo sa tabi ko.

"I told you, I'll do it." tumawa siya ng mahina.

"Dalawang araw ka hindi nagparamdam." mahina 'kong sabi sa kanya. Sa dalawang araw na hinintay ko ang text o tawag niya ay halos hindi na ako mapakali.

"Makinig na kayo dito at magkakaroon tayo ng quiz mamaya."

Hindi na rin kami nakapag-usap at kinailangan naming makinig sa lecture. Halos 30 minutes lang ang lecture at 15 minutes lang quiz namin. Madali lang ang quiz kaya halos lahat kami ay perfect ang score.

May 30 minutes pa kaming vacant at doon na dumaldal si Yell.

"Ikaw si Chen Huang diba? Nagmo-model ka sa China tapos sa ibang bansa din? Sa Gucci dibaaa?" excited na sabi ni Yell. Hindi ko alam kung paano niya nalaman 'yon.

Tumingin ako kay Chen na napapakamot ng ulo dahil kilala siya nito. "Uh yes, that's me. Just don't tell anyone." nahihiya niyang sabi.

"Of course naman! Grabe ang gwapo mo." halos wala ng filter ang bungaga ni Yell at lahat ata ng mapupuri niya kay Chen ay sinasabi niya.

"Still mad at me?" mahinang tanong niya sa akin. Nakatingin lang siya sa akin kaya umiwas ako.

"I had to go back in China to do some stuffs, I just got back here." mahinang explain niya. Hindi ko alam kung bakit ako umaakto ng ganito. Dalawang araw lang naman ang nakalipas.

Bumuntong hininga ako. "Sorry, hindi mo naman kailangang magpaliwanag."

"Hey, don't say sorry. I should told you atleast my whereabouts. And I didn't do that."

Necessary ba na dapat 'kong malaman kung na saan siya? Hindi naman diba? Bakit ako umaakto ng ganito? Naiinis ako sa sarili ko. Heto na naman ako at nagbibigay ng kahulugan. Ayoko, hindi dapat pwede. Ayokong mangyari ulit 'yon.

"Napatawad ka na niya Chen, basta wag mo siya iiwan ha? Crush ka na niyan ni Niya." sabi ni Yell at humagikgik. Hindi pa nakakatulong ang mga pinagsasabi niya.

Chasing the Dreams of Love (Stand Alone #1)Where stories live. Discover now