45

30K 379 91
                                    

"Ayos lang ako." nakangiti siya habang binanggit ang tatlong salita na 'yon.

Pumatak ang luha na kanina ko pa pinipigilan. Alam ko yung ngiti niyang 'yon, 'yon yung ngiti niya na alam mong masaya siya. Hindi peke at hindi pilit. At hindi ko matanggap. Hindi ko matanggap na sa lahat nang pinagdaanan niya na kahit hindi ko alam kung ano 'yon, nagawa niya pa ring ngumiti. He nearly faced the death pero bakit nakangiti siya.

Tumawa siya ng mahina. "Magagalit ang dalawa pag nakita nila na umiiyak ka. Baka akalain nila ay pinaiyak kita." napakamot siya sa ulo niya. Pinunasan ko ang luha ko pero hindi matigil ang luha ko. Gusto ko na siya ang pupunas sa luha ko, o yayakapin niya ako pero hindi ko natanggap 'yon. He's afraid of touching me or showing an affection at alam ko na ang dahilan non ay yung nangyari bago siya maaksidente. I rejected him at alam 'kong dinidistansya niya ang sarili niya sa akin dahil nirerespeto niya ang desisyon ko.

"Patawad sa lahat ng nagawa ko, Niya. Alam ko na ako ang dahilan kung bakit ka umiiyak kaya humihingi ako ng tawad. Patawad sa lahat, sa lahat lahat."

"Hindi 'yan ang gusto 'kong marinig Jacob. Bakit hindi ka magsorry dahil hindi mo sinabi sa amin na naaksidente ka? Kung saang ospital ka inadmit, bakit hindi ka magsorry tungkol doon?" patuloy ang pagbuhos ng luha ko habang nakatingin sa kanya.

"Hindi naman kailangan, Niya." mahinang sabi niya.

"Naaksidente ako dahil kasalanan ko. Ayoko nang idamay kayo sa ginawa ko. Magugulo ko lang kayo pag sinabi ko sa inyo at ayokong mangyari 'yon. Pero kung mali na hindi ko sinabi sa inyo ay humihingi ako ng tawad."

Humagulgol ako sa iyak. Hindi niya alam kung gaano ako nag aalala sa kanya. Na ilang linggo akong walang magandang tulog dahil sa pag iyak. Wala akong balita sa kanya at ang kumakalat pa na namatay siya sa aksidente ay nakadagdag sa emosyon 'kong magulo. Iniisip ko kung ayos lang ba siya, kung okay ba siya, kung buhay pa ba siya. Lahat kami walang alam. Wala akong masabi sa mga anak ko dahil ayoko na mag aalala sila. Tapos biglang ganito, na siya pa ang hihingi ng tawad kahit muntik na siyang mawala.

"Babalik na ako sa America, may trabaho pang naghihintay sa akin. Dumaan ako dito para mangamusta. Nakita ko na maayos na kayo dito, at gusto ko rin magpasalamat sa kapatid ni Mariela at binabantayan kayo dito. Mas mabuti siyang ama kaysa sa akin, at mas mababantayan niya ang mga anak natin kaysa sa akin. Ayoko na magkaroon ang mga anak natin ng iresponsableng tatay na katulad ko. Pero susuporta pa rin ako sa inyo at babantayan ko kayo sa malayo. Ayoko na ulit makagulo sa inyo, Niya. Ayokong magulo ulit ang buhay ng mga anak natin, at ayoko na magulo ulit kita at bigyan ulit ng mga pasakit."

"Sa tingin mo ba hindi ka reponsableng ama ka sa ginagawa mo? Iiwan mo ang mga anak mo hah?!" sigaw ko sa kanya. Hinawakan ko ang dibdib ko dahil sumasakit 'yon ng sobra.

Ayaw niya kaming magulo? Bakit? Yun ba ang tingin niya sa sarili niya, na ginugulo niya kami? I just looked at him on how he looked down to himself. Hindi ako naiinis sa kanya, naiinis ako na nagbago ang pag iisip niya tungkol sa sarili niya. He called himself an irresposible father, he called himself an outsider, he thank Kuya Mat in taking care of us? and he said that Kuya Mat is a better father than him? Bullshit!

"Hindi ko naman tatakasan ang responsibilidad ko. Nasa likod lang ako nakaalalay. Pero hindi ko talaga alam kung paano magiging ama sa kanila. Ni hindi ko alam kung kailan ang birthday nila. Hindi ko alam ang gusto nila, hindi ko alam ang paborito nila. Gusto ko sanang magpatulong sayo noon, kaso hindi tayo okay. Hindi ko alam ang gagawin ko, Niya. Nawawalan na ako ng pag asa na magagampanan ko yung pagiging ama ko sa kanila, nahihiya ako. Wala akong kwentang ama." yumuko siya at nanginginig ang mga labi niya at pinipigilan niya ang mga luha niya pero nagbagsakan na ito.

Chasing the Dreams of Love (Stand Alone #1)Where stories live. Discover now