30

18K 234 14
                                    

30

"Alam mo bang nasa flight na inassist ko si Jacob? Nasa business class si gago tapos hindi man lang ako pinansin shuta! Nakakagigil talaga! Parang wala kaming pinagsamahan, Porket rich and famous na ampota, kaasar talaga. Dapat tinapunan ko ng tubig yun e." naasar na sabi ni Mariela sa akin.

Kakarating niya lang galing sa flight niya, may off siya ng dalawang araw kaya dumiretso muna siya dito sa Bulacan. Naka-bukod na rin kami sa kanila dahil may trabaho na rin ako kahit papaano, pero hindi naman nalalayo sa bahay ni Mariela dahil iisang barangay pa rin kami.

Kaya kahit parehas may trabaho na rin si Kuya Mateo at Mariela, dumadaan daan pa rin sila sa bahay, at kami rin ng mga kambal dahil sila nanay at tatay na lang ang nasa bahay at nagiging stress reliever na lang nila ang kambal kaya minsan pag may trabaho ako, na kina nanay tatay sila, at tuwang-tuwa naman sila sa kambal.

Sa anim na taon na lumipas, sila na ang tumayong magulang ko. Pati lolo at lola ng kambal. Kaya kahit pagod minsan sila nanay at tatayo sa palengke, e pag sinalubong naman ng kambal, nawawala agad, ganoon din sa akin. Pero ngayon ay tumigil na sila sa pagtitinda at may tauhan na sila sa pwesto nila sa palengke, pero pa minsan-minsan ay pumupunta pa rin sila doon mas lalo na pag nabuburyo sila sa bahay.

Balak ko bumalik ulit sa pag aaral dahil ang hirap humanap ng trabaho lalo na at hindi ako graduate, kaso maliliit pa ang kambal, hindi ko rin kaya pagsabayin ang pag-aaral, pagtatrabaho tapos pagiging nanay.

"Pag nakita ko ulit 'yon si Jacob, manlilimos talaga ako ng pera doon. Like kahit mga 500 thousand lang." parehas kaming natawa sa sinabi niya, baliw talaga 'to si Mariela.

"Alam mo ba rumor na nagkabalikan sila ni Samantha, like bago lang ah. Ang kapal talaga ng mukha non, baka nga pag nakita ka non, tumiklop at magpakaalipin sayo." umikot ang dalawang mata niya sa inis.

"Imposible naman yang sinasabi mo, hindi rin naman ganoon katagal ang pagsasama namin ni Jacob, dalawang linggo nga lang kami e." tumawa ako nang mahina.

"Hay, sabagay. Nakakainis talaga 'yan. Nako, wag niya talaga ako yabangan pag nakita kami ulit niyan at baka masapok ko siya. Hindi niya alam kung ano ang wala siya ngayon, at yun ay yung kambal. Sana mabaog siya, bahala siya dyan. Kaasar."

Gaya nung pangarap ni Jacob noon, natupad niya ngayon. Naging kilala ang pangalan niya sa Pilipinas at sa buong mundo rin dahil sa App na ginawa niya na ngayon ay sumikat na at halos ginagamit na ng mga tao sa iba't ibang bansa. Parang VIP na nga talaga siya at mahirap nang abutin.

Sabi naman ni Mariela, si Samantha naman ay isang sikat na modelo na, katulad ni ate Tanya. At ayon nga, hindi rin naman malabo na magkabalikan sila dahil parehas naman silang successful at mga kilala.

Ang kambal naman na sina Troy at Tessa, wala na ako naging balita sa kanila. Hindi rin naman nila ako hinanap after nung nawala ako sa bahay nila. Hindi ko na rin na-kontak si ate Fely dahil bigla na lang nawala ang papel sa akin.

Kahit papaano ay nami-miss ko rin sila kaso hindi ko rin naman pwedeng ipagsiksikan ang sarili ko sa kanila. Siguro ang mali ko lang ay hindi ako nakahingi ng tawad sa kanila. Pero kung bibigyan ako ng pagkakataon, gusto 'kong ipakilala ang kambal sa tunay nilang tito at tita at kay Papa na lolo nila. Kaso may parte rin sa akin na wag na lang at ayoko na magulo na naman ang pamilya nila dahil sa akin.

"Alam mo na ba na may reunion bukas?" tanong niya sa akin. Pumunta muna ako sa kwarto para i-check ang kambal kung natutulog na ba ang dalawa, at natutulog naman na sila. Pinatay ko ang ilaw at lumabas na ulit sa kwarto.

"Anong reunion?" tanong ko sa kanya.

"Shutaca, hindi mo pa pala alam? Kaya ang saya ko dahil nasakto sa off ko yung reunion, kaya nga umuwi rin dito si Jacob diba, dahil sa reunion 'yon gaga. Pero not sure, baka nga di pala makapunta 'yon, alam mo naman bust, vip. Hay nako, bakit ba hindi mo alam?"

Chasing the Dreams of Love (Stand Alone #1)Where stories live. Discover now