02

30K 408 16
                                    

02

"Walang klase ngayon, lahat pupunta sa Grand Theater, ang tumakas ay malalagot. Maga-attendance din mamaya kaya wag na kayong magbalak tumakas." sabi ng Presidente namin. Naghiyawan naman ang lahat dahil walang klase.

"Kain muna tayo." yaya sa akin ni Yell, tumango ako dahil nagugutom na rin ako at hindi ako nag-almusal. Araw-araw naman ay hindi ako nag-aalmusal.

"Anong nangyari kahapon?" bigla na lang sumabay sa amin si Jacob nang makalabas na kami sa room. Tinignan ko ang mga kaibigan niya at mukhang nauna na ang mga ito sa canteen.

"Wala naman, nag-ikot lang kami sa school." sagot ko sa kanya habang nakatingin lang sa daan.

"Sinong kami?" tanong ni Yell.

"Ah ano yung nakilala ko, si Chen." nakapasok na kami sa Admin building at bumaba sa basement para pumunta sa canteen.

"Kayo na naman magkasama." sabi ni Mark, ang kaklase namin. Umiiling iling pa ito.

"Pakialam mo ba." sabi ni Jacob at sinuntok pa ito ng mahina sa balikat. Sumama na rin sa amin si Mark.

"Akin na lang girlfriend mo, tapos sayo na si Niya." natatawang sabi ni Mark. Hinampas ni Yell ng mahina si Mark sa sinabi nito, ako naman ay medyo nailang.

"Ulol." yun na lamang ang nasabi ni Jacob. Hindi ko na lang rin pinansin dahil hindi naman big deal.

Sabay kaming kumain at nasa tabi ko si Jacob at nasa harap ko naman si Yell at Mark. Naramdaman ko ang pagtunog ng cellphone ko kaya kinuha ko 'yon at tinignan kung sino ang nag-text.

What is your full name?

Kumunot ang noo ko sa text ni Chen. Bakit niya tinatanong? Nireply-an ko na lang siya

Roheinea Dela Rosa, bakit?

Agad ring nag-reply si Chen na ikinangiti ko.

Is Troy Dela Rosa your brother?

"Kumain ka muna Niya." rinig 'kong sabi ni Jacob sa akin. Nakatingin rin sina Yell at Mark sa akin kaya binaba ko muna ang phone ko at nagpatuloy sa pag kain.

Nasanay na rin ako na masyado akong binabantayan ni Jacob. Siguro ay dahil kilala niya at alam niya nangyayari sa buhay ko. Mula sa pagkamatay ng Mama ko at hanggang sa mapunta na ako kay Papa. Kilala nya rin ang mga kapatid ko at kilala rin siya ng mga kapatid ko.

Naikwento ko kasi sa kanya lahat 'yon dahil nga naging magkagrupo kami sa project namin. Halos tatlong buwan kaming magkasama sa bahay nila kasama din ang tatlo pa naming mga kaklase.

Syempre pag nasa iisang grupo, hindi rin maiwasan na magkwentuhan at sa oras na 'yon, siya lang ang mapagkukwentuhan ko. Hanggang sa naging komportable na ako sa kanya. Halos isang taon pa lang kaming magkaibigan pero parang matagal ko na siyang kaibigan.

Yun nga lang ay nalihis ako at nag-iba ang pagtingin ko sa kanya kahit hindi pwede.

Nang matapos na ako kumain ay tinawagan ko ang numero ni Chen. Agad naman sinagot niya 'yon.

"Nakilala mo na si Troy?" tanong ko sa kanya. Hindi ko mapigilang mapangiti.

"Is he your boyfriend?" nagulat ako nang marinig ko ang boses ni Troy.

"Hindi no, sino nagsabi niyan?" tanggi ko.

"Tell him that if he will court you, he should tell me, I have to test him in basketball court." maangas na sabi niya na ikinatawa ko.

"I can handle myself Troy." natatawa 'kong sabi.

"Whatever. Come here in our school after your class."

Chasing the Dreams of Love (Stand Alone #1)Where stories live. Discover now