29

16.1K 220 10
                                    

29

"Pa, buntis po ako." lakas na loob na sabi ko habang kami ay nasa hapag kainan. Hindi na ako natakot sa kahihinatnan at sa mga sasabihin sa 'kin ni Papa. Gusto ko lang ay malaman niya at malaman ng mga kapatid ko.

Doon na bumagsak ang mga kubyertos sa lamesa at ramdam ko ang galit ni Papa kahit wala siyang sinasabi. Tinignan ko sila Troy at Tessa na walang reaksyon at nakatingin sa 'kin.

Pakiramdam ko ay hindi ako naging magandang example sa kanilang dalawa. Gusto ko na lang maiyak. Parang wala akong kasama sa buhay, para wala na akong tama na nagagawa. Puro kamalian na lang ang ginawa ko sa buhay.

"What do you expect us to do? Take care of your child?" tanong ni Tita Terry. Rinig na rinig ko ang sarkasmo at galit sa boses niya.

"How old are you again? 19 years old?" tanong ni Tita. Tumawa siya, hindi dahil natatawa siya pero dahil sa galit siya.

"I can't believe this." nagwalk-out si Tita. Malapit na lumabas ang nagbabadyang luha mula sa mata ko pero pinigilan ko na lang.

Tinignan ko si Papa at tagos ang tingin niya sa akin, wala siyang sinasabi pero alam ko na galit siya at higit sa lahat at disappointed sa akin.

Wala silang sinabi sa akin at ang alam ko na lang ay naiwan na lang ako mag-isa sa hapag kainan na wala akong narinig mula sa kanila.

Isang linggo na hindi ako nakapasok dahil masama ang pakiramdam ko, lumalabas ang mga sintomas ng pagbubuntis ko at isang linggo na rin wala na sila Papa sa bahay at ang sabi ay nasa Davao sila kung saan ang hometown ni Papa.

Doon ko na rin napagtanto na hindi na nila ako pinapakialaman sa buhay, tuluyan nang hindi nila ako hindi kinausap. Na parang dumadagdag lang ako sa problema nila. Wala na akong natanggap na mensahe mula sa kanila.

"Hay nako Niya, wala ka nang nagawang tama." kausap ko sa sarili ko at natawa nang mahina. Yung tawa ko lagi ay nasusundan ng pag iyak.

Ngayon ko na rin napagdesiyunan na umalis na sa bahay nila Papa, nakahanap na ako ng room for rent at dalawang libo lang kada linggo. Buti na lamang ay may pera pa ako kahit papaano galing kay Papa.

Nag-aayos na rin ako ng gamit ko ngayon. Lahat nang naibigay sa akin ni Papa ay hindi ko na dadalhin pati ang cellphone ko. Hindi naman kasi sa akin 'yon, kay Papa 'yon.

Tinawag ko si ate Fely para magpatulong. Nagi-guilty ako dahil ako ang dahilan nang pag iyak at pagaalala niya.

"Ate, okay nga lang po, promise! Maganda po ang nakita 'kong lilipatan. Tsaka big girl na po ako e!" tumawa ako at ngumiti sa kanya.

"Hindi mo naman kailangang umalis, hindi ka naman pinapaalis ng papa mo."

Umiling ako. "Pero kailangan ko na rin po talaga umalis, ayoko na po bigyan ng problema si Papa tsaka si Tita, sobra sobra na nga po ang nabigay 'kong problema sa kanya."

"Paano ang baby mo?" huminga ako nang malalim para mapigilan ang pag iyak.

"Aalagaan ko naman po, kukunin ko po kayong ninang, promise!" ngumiti ako sa kanya. Niyakap niya ako nang sobrang higpit. Wala na siyang sinabi at umiiyak lang si ate.

Tinulungan niya rin ako sa pagligpit ng mga damit ko dahil yun lang naman ang dadalhin ko hanggang sa natapos na kami sa pag-aayos. Niyakap ko si ate Fely.

"Salamat ate, aalis na po ako." tumango siya at niyakap din ako.

"Mag-iingat ka Niya, i-text mo ako, ito ang number ko." may binigay siya sa aking maliit ni papel at nakalagay ang number niya doon. Agad na nilagay ko 'yon sa bulsa ko para hindi mawala.

Chasing the Dreams of Love (Stand Alone #1)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora