05

28.6K 432 11
                                    

05

Naalimpungatan ako nang marinig kong nagri-ring ang cellphone ko. Kahit antok ay sinagot ko ang tawag.

"Hello?" hindi ko alam kung sino ang tumatawag kaya bahala na kung sino man 'yon.

"Are you sleeping?"

"Ikaw pala ang tumatawag, bakit? Inaantok pa ako." gusto kong bumalik ulit sa pagtulog pero ayoko namang maging rude.

Narinig ko na naman na may kumatok sa pinto ko kaya halos wala na akong nagawa kung hindi tumayo at buksan yung pinto.

"Ay tulog ka ate?" tanong ni Tessa. Bigla niya akong hinila palabas ng kwarto at kahit medyo nakapikit pa ako ay nakababa ako sa hagdan.

"Ate was sleeping pala." hindi ko alam kung namamalikmata ako at nasa harapan ko ngayon si Chen.

Parang nagising ang buong diwa ko dahil nga totoong nandito siya.

"Did I disturb you?" tanong niya. Agad na umiling ako. Inayos ko ang buhok ko dahil alam 'kong magulo ang buhok ko.

"Hindi naman, okay lang." nakakahiya, bakit naman ako hinila ni Tessa dito, hindi man lang sinabi na nandito si Chen.

"Ate, Kuya Chen is living here pala in the village. Nasa kabilang house lang ang house niya." rinig 'kong sabi ni Tessa na ikinagulat ko.

"Ay dito ka rin nakatira?" tanong ko, tumango siya.

"Dad bought a house here." sagot niya. Napatango na lang ako. Talaga ngang small world ang mundo. Saka ko naalala ang kanyang tryout.

"Nakapasok ka sa varsity?" tanong ko. Tumawa siya ng mahina at tumango.

Napapalakpak ako. "Wow! Sabi ko na 'e, makakapasok ka!" hindi ko mapigilang maging masaya dahil maging siya masaya rin sa naging resulta.

"Kuya, want a snack?" tanong ni Tessa kay Chen, tumango silang si Chen at ngumiti.

"Mag-aayos lang ako ah, babalik ako dito." paalam ko sa kanya, tumango siya. Tumakbo ang paakyat papunta sa kwarto ko at pumunta sa bathroom.

Agad na naghilamos ako dahil baka may mga muta ako sa mata. Nagsuklay din ako at pagkatapos ay bumaba na rin. Pumunta ako sa sala dahil nandoon sina Tessa at Chen.

"Na saan si Troy?" tanong ko kay Tessa.

"He's with his girlfriend." sabi niya na ikinagulat ko.

"May girlfriend na si Troy?" tanong ko. Wala siyang sinabi sa akin.

"Uh yes Ate, pangalawa niya na 'yon this week." agad na napasampal ako sa noo nang sabihin niya 'yon. Alam 'ko namang gwapo si Troy, pero hindi ko alam na babaero siya.

"Tawagan mo at pauwiin siya dito." utos ko kay Tessa. Sinunod rin naman ako ni Tessa dahil wala siyang choice at ako ang ate.

"Umuwi kana daw sabi ate, lagot ka." gusto 'kong matawa dahil masungit at pagkakasabi niyang iyon at pagkatapos ng huli niyang salita ay binaba niya na rin ang tawag. Pero kailangan ko maging seryoso.

Umupo na ako sa couch sa sala at nakikain sa meryenda nilang cookies na binake pa ata ni Tessa dahil yun ang lagi niyang ginagawa pag meryenda time.

"You are a strict ate." sabi ni Chen na ngayon ay kumakain ng cookies na binake ni Tessa.

"Hindi naman ako strict, dapat lang matuto sila ng tamang pag-uugalim Hindi laruan ang mga babae." iling-iling nga sabi ko. Gusto ko tuloy kurutin si Troy.

"You're right, girls are not toys." pag sangayon niya.

"Wag mong paglaruan si ate ah Kuya Chen." sabi ni Tessa. Kumunot ang noo ko sa sinabi niya

Chasing the Dreams of Love (Stand Alone #1)Where stories live. Discover now