18

20K 391 18
                                    

18

"Sir, ang init naman, baka masunog balat ko!" reklamo ni Mariela.

"Masusunog ang balat o wala kang grade?" tanong ni Sir Hilario sa kanya, ang P.E teacher namin.

"Jok lang sir!" sigaw ni Mariela, nagtawanan ang lahat kay Mariela.

Kanina pa kasi kami nasa initan para sa stretching namin dahil nga ngayon na sisimulan yung sa sayaw namin. Dapat doon kami sa bleacher kaso may kasabay din kami halos na ibang klase, at parang pinagtitripan din kami ni Sir.

Paano ba naman, late ng 15 minutes ang kalahati ng klase at kasama kami doon dahil nga ang haba ng pila sa canteen at wala kaming maupuan.

Natapos na ang stretching namin at pinangpahinga muna kami dahil sobrang init din. Kinuha ko agad ang tubigan ko at uminom ng tubig, nakiinom na rin si Mariela pero inagaw agad 'yon ni Jacob sa kanya at inubos ang tubig.

"Putangina mo." pagmumura ni Mariela.

"Pinagplanuhan mo ang lahat ng to?" nangggalaiti niyang sabi. Binigay sa akin ni Jacob ang tumbler ko at hindi pinansin ang sinabi ni Mariela.

Talagang hindi niya ako pinapansin pero lapit naman siya nang lapit sa akin. Kung hindi manghihiram ng ballpen, o manghihingi ng papel, heto naman siya nakiki-inom ng tubig at inubusan pa si Mariela.

Makiki-inom rin sana si Mark at Cedric pero huli na dahil naubos na lahat ni Jacob.

"Mga patay gutom ba kayo sa tubig? Umalis kayo sa harapan ko!" sigaw ni Mariela sa kanilang tatlo. Napakamot na lang ang dalawa.

Biglang nag abot si Jacob ng Nature Spring na 500ml kay Mariela na ikinairap ni Mariela.

"May tubig ka naman pala at nakiinom ka pang hinayupak ka." agad na kinuha niya 'yon at ininom 'yon. Dahil concern pa rin siya kay Kalvin ay binigay niya na yung kalahati.

"Bakit ka pa nakiinom, may tubig ka pala?" tanong ko.

"Kasi gusto ko."

"Ah, hatdog." tumingin siya sa akin at parang may mali sa sinabi ko.

"Narinig ko lang kay Nicole." agad na explain ko sa kanya. Puro kasi hatdog siya kanina.

"Kung ano ano ang natutunan mo kay Nicole." sabi niya na ikinasimangot ko.

"Ikaw nga sabi nang sabi ng bold ba yan bold ba yan kanina." hindi ko alam kung pinipigilan nya ba yung pagtawa nyo o naiinis siya.

"Masama bang magtanong?" umiling ako. Wala nga namang masama sa pagtatanong pero hindi naman maganda ang tanong niya.

Hindi na rin kami nakapagsimula sa sayaw namin dahil naubos na rin ang oras, pinag-usapan na lang namin ang magiging meeting place bukas dahil sabado na bukas at yun ang magandang araw para magkapagsimula kami sa sayaw namin. Iniisip ko pa lang na araw araw ay magpapractice kami, parang gusto ko na lang magpalamon sa lupa. Paniguradong nakakatamad ang P.E na 'to.

Naglakad na kami palabas ng oval at kanya kanyang payong kaming lahat, yung iba naman ay nakikipayong lang katulad ni Jacob kay Mariela.

"Doon ka na kay Niya maki-payong, sabay naman kayong uuwi." pagtaboy ni Mariela kay Jacob at lumalayo pa siya dahil nga sinasakop ni Jacob ang buong payong.

Lumapit na lang ako kay Jacob para payungan siya. Hindi ko alam kung bakit wala siyang dalang payong dahil siya itong hindi ata makakapasok sa school pag walang payong.

Kinuha niya ang payong sa akin at siya na ang nagpayong sa aming dalawa.

"Na saan ang payong mo?" tanong ko sa kanya.

Chasing the Dreams of Love (Stand Alone #1)Where stories live. Discover now