35

18.8K 266 35
                                    

35

Lumabas ako ng kwarto para i-check si Jacob sa kwarto ng kambal at nakita ko na natutulog na siya. Sinarado ko na lang ulit yung pinto at pumunta sa banyo para maligo. Pagkatapos 'kong maligo ay umupo muna ako sa sala at kinuha yung notebook ko.

Sahod ko na ulit bukas at bukas na rin ang bayaran ng bahay at mga kuryente. Nilista ko lang yung mga babayaran ko at kinalkyula din kung ilan yung matitira. May natira naman sa last na sahod ko kaya idadagdag ko na lang 'yon.

"What are you doing?" agad na napahawak ako sa puso ko sa gulat. Narinig ko pa ang tawa niya.

"Anong ginagawa mo dito?" naiinis na tanong ko.

Pumunta na ako sa kwarto ko at iniwanan siya sa sala. Tinanggal ko ang twalya sa buhok ko at nagsuklay. Lumabas ulit ako ng kwarto para isampay yung twalya ko sa labas nang makita ko na tinitignan ni Jacob yung notebook ko na naiwan ko pala na nakabukas.

Agad na kinuha ko 'yon at sinarado. "Matulog ka na nga, kung ano-ano ang tinitignan mo." tinago ko na lang yung notebook ko at sinampay na yung twalya ko sa labas. Ni-lock ko na yung pinto.

Tinignan ko si Jacob na nakatingin lang sa akin. Ang mukha pa lang niya ay alam ko na may tumatakbo sa isip niya. Kung nakita niya ang mga nakalagay sa notebook, wala na akong magagawa doon.

"Matulog kana, matutulog na rin ako." tumango na lang siya. Pumasok na ako sa kwarto at sinarado yung pinto.

4000 pesos - Upa ng bahay
1000 pesos - Ilaw at tubig
Tira: 3,000 pesos

1000 - kay Jaylene at Cobi for 1/2 month, baon nilang dalawa.
1500 - panggastos sa bahay, pagkain.
500 - pamasahe ko

Pagod na ako, pero hindi naman ako pwede tumigil.

Nagkita kami ni Troy, namimiss ko na rin sila kaso mas mabuti na lang na hindi na nila ako makikita. Baka magulo ko lang kasi sila kaya hindi na lang.

Nakakainggit naman mga kaklase ko, nagkita kita kami ngayon. Pero masaya ako sa narating nila, pati si Jacob. Alam ko na natupad niya na ang lahat ng gusto niya at successful na siya, masaya ako para sa kanya.

Pagod na ako, pero hindi pwede.

Pagod na ako. Pero joke lang.

Nakakapagod.

LAHAT 'yon ay nabasa ni Jacob. Anong oras na at hindi pa rin siya nakakatulog dahil doon. Hindi lang pala basta notebook ni Niya 'yon, kung hindi ay naging diary niya. Parang yun na lang ang nagiging kausap niya lagi.

Hindi mo makikita na napapagod si Niya, pag sa trabaho, laging nakangiti. Wala nang pahinga araw-araw, basta makita lang ang kambal ay sige, wala na yung pagod na 'yon.

Sobrang nagsisisi siya sa lahat ng ginawa niya. Natupad niya ang pangarap pero hindi siya masaya. Marami siyang pera, nagiging kilala na siya, pero hindi siya masaya.

Pero mas lalo siyang nagsisisi na nagbunga ang pagmamahalan nila ni Niya. Na tinakwil siya ng pamilya niya pagkatapos niyang sabihin na buntis siya. Na siya na lang ang makakapitan ni Niya noon, pero ano ang ginawa niya, iniwanan niya.

Gusto niyang umiyak. Pakiramdam niya ay wala siyang kwenta. Iniisip niya pa lang na lumaki ang mga anak niya na walang tatay, ay gusto niya na lang saktan ang sarili. Gusto niyang yakapin si Niya, gusto niyang kausapin ulit si Niya na parang dati lang pero. Pero ang kapal ng mukha niya kung gagawin niya 'yon.

Wala siya nung kailangan siya ni Niya nung pinagbubuntis niya ang mga anak nila, wala siya nung naglilihi siya, wala siya nung panahon na galit sa kanya ang pamilya at wala na siyang mapagkakapitan. Wala siya sa lahat ng paghihirap ni Niya.

Chasing the Dreams of Love (Stand Alone #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon