07

28K 428 28
                                    

07

"Hanggang kailan naman ako dito?" tanong ni Yell sa akin. Umakyat na kami sa kwarto ko at ako na ang nag-ayos ng gamit niya.

"Hanggang matapos ang project natin." sagot ko sa kanya. Binigyan ko siya ng space sa closet ko, malaki pa naman ang space dahil hindi naman ganoon karami ang gamit ko.

"Kinakabahan tuloy ako, baka magalit ang Tita mo." sabi niya at halos hindi mapakali.

"Wag kang mag-alala, ako rin naman papagalitan." pagbibiro ko at tumawa pero sumimangot lang siya.

"Nagpaalam naman na ako kay Papa, wala namang problema sa kanya, tapos sinabi ko na rin na ipasabi kay Tita. Basta okay lang yan, nandito rin naman sina Troy at Tessa." tumango siya. Damit lang naman ang dinala niya at mga personal hygiene niya.

Pag tapos naming kumain ng pananghalian, pupunta na sana kami sa bahay nila Chen nang dumating na ang kambal.

"Ate Yell!" tumakbo si Tessa kay Yell at niyakap ito.

"Hello Mariela." bati ni Troy sa kanya. Ngumiti si Yell sa kanya.

"Yakapin mo rin ako." sabi ni Yell na ikinatawa ko. At talagang niyakap siya ni Troy. Halos hanggang balikat lang siya ni Troy dahil hindi naman katangkaran si Mariela.

"Dito na muna magi-stay si Ate Yell nyo, hanggang matapos ang project namin." sabi ko sa kanilang dalawa.

"Okay ate, dalawa na ang ate ko dito!" sabi ni Tessa na ikinangiti ko. Ang cute talaga ng batang ito.

Susunod daw sila sa bahay ni Chen at makikigulo. Nang pumunta na kami sa bahay ni Chen ay nandoon na rin pala si Jacob at Kalvin na naka-uniform pa. Hindi na pala sila umuwi at dumiretso na dito.

"Grabe, ang ganda ng bahay nila." bulong sa akin ni Yell. Hindi na rin ako nagulat dahil ilang beses na rin kaming nakapasok nila Troy at Tessa dito dahil minsan ay nanonood kami ng movie.

Sinundan namin si Chen sa isang kwarto na ikinamangha namin.

May tatlong set up ng mga computer units na malalaki ang monitor na parang isa siyang propesyonal na programmee. Talaga ngang may background siya.

"Uh this is my father's room. Feel free to use it. You can use different languages. I think we can finish the project in a week?" parehas kaming nanlaki ng mata ni Yell.

"One week?! Seryoso ka ba?" gulat na tanong ni Yell.

Usually kasi ay tumatagal kami ng isang buwan hanggang tatlong buwan sa project namin. Last year ay tatlong buwan ang binigay sa amin, rush na nga pag one month.

"Nagmamadali ka ba?" tanong ni Jacob sa kanya.

"That is not what I mean, I am saying that this project can be done in a week, or maybe less that two weeks." explain ni Chen.

Kinuha ni Mariela ang cellphone niya at nakita 'kong sinearch niya ang pangalan ni Chen. May profile si Chen sa Wikipedia at pinindot niya 'yon. May mga hinanap siyang detalye na hindi ko alam kung ano.

Hanggang sa napunta na siya sa profile ng kanyang Father na ang pangalan ay Jìngyi Huang. Isang software engineer na creator ng isang famous application sa China.

"Kaya pala." mahinang sabi ni Yell at parehas pa kaming nagkatinginan. Nakita rin namin yung net worth ng Papa niya na ikinalula rin namin. Sikat ang application sa China na may 500+ million downloads.

Baka nga dahil magaling si Chen sa programming ay dahil rin sa Papa niya.

Hindi na rin nagtalo ang dalawa at nagsimula na rin. Hinati ni Jacob ang gagawin at kami ang napunta sa design at sila ang sa main code ng program.

Chasing the Dreams of Love (Stand Alone #1)Where stories live. Discover now