17

20.2K 372 28
                                    

17

"Magkaaway ba si Chen at Jacob? Parehas silang may pasa sa mukha. Nagsuntukan ba sila?" tanong ni Mariela habang nakatingin sa dalawa na seryoso sa pagco-code.

Saka ko nga lang rin na-realize na nag away sila kahapon dahil parehas silang may pasa sa mukha at hindi rin sila nagpapansinan. Parang gusto pa nga nila mag away ulit pero dahil nandito kami ay hindi nila magawa.

Malapit na kami matapos sa project namin at fina-finalize na lang. Okay na yung computation namin, pati na rin yung design. Nagra-run ng maayos yung program at so far ay wala namang error. Pabago-bago kami ng design ni Mariela dahil minsan ay may mas nakikita siyang maganda para sa design. Pag kailangang mag-edit, ako na ang gumagawa dahil kahit papaano ay madali lang mag-edit.

Kahit naging busy kami ng ilang araw sa pageant ay sobrang hands on pa rin ni Chen dito, pa minsan-minsan lang nga rin ang pagtingin namin ni Mariela sa program pero thankfully nakagawa namin ng maayos yung pinapagawa sa amin.

"In-add mo na ba yung marino kahapon? Si Kuya Lucas?" tanong niya. Umiling lamang ako at binitawan na ang laptop dahil sumasakit na ang mata ko. Tinanggal ko ang glasses ko na makakapagprotekta sa mata ko habang nakatingin sa laptop.

"Ay bago ba 'yan? Wala namang grado. Saan mo nabili?" tanong niya.

"Bigay ni Troy."

"Ang sweet talaga ng kapatid mo, jowain ko nga." hindi ko siya pinansin dahil lagi naman niyang sinasabi 'yon.

Gusto ko pa sanang manood ng youtube kaso inaantok na rin ako. Sumandal ako sa kinauupuan ko at ipinikit ang mata ko.

"Niya, you can sleep on the couch." rinig 'kong sabi ni Chen. Napadilat naman ako nang sabihin nya 'yon.

Pumunta ako sa couch malapit sa pwesto ni Jacob. Hindi niya rin naman ako pinapansin kaya hindi ako dapat ma-bother na malapit ako sa kanya. Humiga ako sa couch at ipinikit ang mata ko.

Bye, bye.

NAPAILING na lang si Mariela nang makita na natutulog si Niya. Alam niya kasi na sa mga nagdaang araw laging late na ito natutulog. Hindi dahil sa mga assignments nila kung hindi sa pag iisip kung paano makikipagbati kay Jacob.

Nang minsan ay tumawag si Niya kay Mariela, 2am ng umaga pero hindi niya nasagot dahil naka-silent ang cellphone niya marahil gusto nang makaka usap.

"Tsk tsk, puyat pa girl." yun na lang ang nasabi niya kay Niya na ngayon ay natutulog na.

Naiinis siya kay Jacob dahil lang sa simpleng pag-aaway ay parang napakalaki na nang ginawa ni Niya. Alam niya na hindi marunong makipagaway si Niya. Kaya nga nabu-bully siya nung high school dahil hindi marunong lumaban at natatakot.

Syempre hindi naman alam ni Jacob 'yon dahil hindi naman niya nasasabi 'yon sa kanya. Kaya laking pasasalamat ni Niya na hindi na siya binu-bully ngayon senior high.

At ito namang si Jacob at para siya pa ang nangbu-bully kay Niya dahil sa hindi nito pagpansin sa kanya. Walang nakakaalam na dahilan kung bakit siya nagalit pero ang alam lang ni Niya ay dahil sa pag aaway nila ni Samantha.

"Ma, sama ako." bigla na lang nanlaki ang mata ni Mariela nang marinig niya 'yon kay Niya.

Halos kalahating oras na siyang natutulog at bigla bigla na lamang ito nagsalita.

"Niya." tinapik ni Mariela ang pisngi niya para gisingin siya ngunit hindi siya nagigising. Ginalaw niya na ang balikat niya para gisingin siya pero hindi pa rin siya nagigising.

"Ma, hintayin mo ako." doon na naalarma si Jacob dahil alam nyang nananaginip ito ng hindi maganda.

"Roheinea." ginising niya na rin si Niya pero parang hindi ito nagigising. Binuhat niya na ito patayo para magising siya, at nagising na rin si Niya. Agad na inupo niya 'to sa couch para magkaroon ng suporta ang katawan nya.

Chasing the Dreams of Love (Stand Alone #1)Where stories live. Discover now