34

17.6K 252 23
                                    

34

"Sure ako, ginamit ni Jacob yang pagiging magaling niya sa Computer. Diba nga sabi non, pwedeng ma-track yung location gamit lang cellphone, or yung sa sim card mismo, diba?" saka ko na lang na-realized na baka yun yung ginawa niya.

"Ano pang magagawa ko, alam niya na rin na may anak kami, alam niya na yung bahay namin."

Dalawang linggo na nga ring nakalipas magmula nung mangyari 'yon, hindi na rin niya kami ginulo. Tama lang ako na hindi ko pinayagan na makilala yung kambal. Kung pinakilala ko siya, tapos araw-araw hinihanap ng dalawa yung tatay nila, ano ang sasabihin ko?

"Parang mahihirapan ang kambal kung sasabihin mo sa kanila lalo na at hindi rin naman sila ang unaning priority ni Jacob, tignan mo, nasa ibang bansa na naman ang gunggong. Tinawagan ka ba? Hindi. Napaka-gago talaga non." napabuntong hininga na lang rin ako.

Basta, itatanggal ko na sa utak ko si Jacob. Nakapa-imposible na gusto niyang akuin ang dalawa. Alam ko rin naman na nawala na ang lahat sa aming dalawa, kaya napaka imposible.

"Pero hindi ka ba nanghihinayang?" tanong ni Mariela.

"Nanghihinayang saan?"

"Na kung seryoso si Jacob, may tatay na sila, may katulong kana sa pagpapalaki sa kanila."

"Nung pinanganak ko naman sila, hindi na ako umasa na makakasama ko pa si Jacob magpalaki sa kanila, pero somehow, oo. Kung sana ay nandoon na siya simula pa lang. Kaso sabi mo nga, hindi naman sila ang priority niya, kaya wag lang. Ayoko na makikihati ang mga anak ko sa atensyon niya."

"Hay, sabagay. Talagang masasaktan ang kambal."

Pinatay niya na rin ang tawag dahil oras na ng kanyang trabaho. Oras na rin ng trabaho ko at pasok ng dalawa kaya naghanda na kami.

Nang maihatid ko na ang kambal sa school ay dumiretso na ako sa trabaho ko. Wala pang masyadong customer dahil 12 pa lang pero meron na rin. Nag-ready na ako para sa trabaho ko.

6 days straight na nga ako walang pahinga, gusto ko rin mag day off ang kaso naman sayang naman yung isang araw. Siguro ay pagkatapos ng bukas doon ako hihingi ng day off.

"Ate, now ko lang nalaman, yung kapatid mo pala, sikat pala. Grabe!" sabi sa akin ni Rina.

"Sa Ateneo nag-aaral, captain ball ba 'yon. Basta ayon, tapos may kapatid siya, kambal niya pala, Tessa yung pangalan, medyo sikat din. Tapos ikaw ang panganay ate?" tanong ni Rina.

Umiling ako. "Si Troy ang panganay, tapos sumunod si Tessa. Half siblings ko ang dalawa at kapatid ko lang sila sa father side, pero hindi na rin ako parte ng family nila. May nagawa kasi ako na hindi maganda." tumawa ako nang mahina.

Tinignan ko si Rina na parang gustong malaman ang nagawa ko dahil mukhang curious siya.

"Nabuntis kasi ako noon, medyo bata pa ako. Tapos alam mo na, medyo nagselos dahil hindi ako napapansin ni Papa, may nasabi akong maganda. Kaya ayon, ako na rin ang umalis sa bahay."

"Kung nandoon ka pa rin sa kanila ate, ibig sabihin wala ka dito?"

"Hindi ko rin alam, basta ang alam ko hindi ako natanggap ng pamilya ko kaya umalis na lang ako."

"Grabe ate, akala ko sa movie lang nangyayari 'yan, in real life rin pala." ngumiti lang ako dahil wala na rin naman na 'yon at natanggap ko na rin.

...

"Hala ate, nandito yung si Troy, hinahanap ka." sabi ni Rina, kakagaling ko lang sa break time.

"Bakit daw?" tanong ko.

Chasing the Dreams of Love (Stand Alone #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon