"Ma, I closed my heart for Sage....pero kung yun ang magagawa ko para kay Hadji...susubukan ko" tumango naman ang kaniyang ina sa kaniya at saka siya nito nginitian.

"Yan ang pinakatamang gagawin mo ngayon,Lena. Aalis na si Saly para sa digmaan bukas....bigyan mo siya ng lakas ng loob" ng maunang pumasok ang matanda sa loob ng bahay,naiiling na sumunod naman si Silena sa bahay nila.

Kinabukasan ay naghanda na si Sage para umalis. Nag-iiyakan na yumakap sina Harmony at Timbre, pati ang kaniyang Lola...nangangamba naman si Selina dahil kasama si Axell, at si Sage. Sa kauna-unahang pagkakataon ay yinakap ni Silena si Sage...nagulat silang lahat sa ginawa nito....

"Mag-iingat ka doon....pakiusap, bantayan niyo ang isa't isa, bumalik kayo ng ligtas. Axell, alam mo kung ano ang gagawin. Saly, heto....pindutin mo ang button na 'to....at matutulungan ka niyan. Yan ang lagi kong ginagamit sa laban....be safe,both of you" habilin niya, nagkatinginan sina Axell at ang Lola niya.

Napangiti naman Sage, at hindi niya alam kung ano ang magiging reaksiyon nito. Ng makatalikod na si Silena ay kaagad niyang yinakap ito mula sa likod....para sa kaniya, kakaiba ang araw na 'to....she should be sad and scared for the war....pero ngayon, napakasaya niya.

"Mom, I'll come back safe....I love you" with that notion ay tumakbo na siya paalis at sumakay sa kaniyang kabayo. Humabol naman si Selina at saka may hinabilin....

"Saly, listen closely....There's no strong opponent to a skilled swordsman. Those who are long range attacker has the dis-advantage and advantage in a close fight........the disadvantage is you're not skilled in a near combat...but as an archer...you have the keen sight of all.I've been in wars before and I'm telling you. Never let your guard down or they'll come to you hungry for blood, with a lust to see you crawling for your life...." Napatango-tango naman si Sage sa kaniya, saka si Selina umatras at kumaway para kay Sage.

Sa mga sandaling iyon ay para bang gumaan ang kaniyang pakiramdam.
Kahit anong gawin niya, anak pa rin ni Hadji si Sage, at mahal niya si Hadji...ano nga ba ang pinagkaiba nun kung mamahalin rin niya ang mahal ng taong mahal niya?.....

Kung para sa Sage ay masaya ang araw na 'to.....hindi para kay Vicky.
Ang kaniyang mga magulang na noon pa'y kinasusuklaman niya dahil iniwan siya ay walang iba kundi sina Hiro at Veronica na bantay ni Tracy.

"Vicky! Anak....." Tawag ni Veronica. Nilingon siya ng kaniyang anak, pero bukod dun ay wala ng iba pang ginawa ang anak nila kundi ang iwasan at iignore sila.

Class of Elites: Dawn Of DarknessWhere stories live. Discover now